Prologo

1.5K 46 1
                                    

"Anak, Tumakas kana!" sigaw ng aking ina habang tinutulak ako palabas ng aming bahay, hindi maari! Hindi ko maaring iwanan ina!

Hinawakan ko ang palad ni ina, at mariin ko itong pinisil, "Pakiusap, ina, hindi kita maaring iwan dito, sumama ka nalang sa akin." iniling lamang ni ina ang kanyang ulo na hindi ito sang-ayon sa pagsama sa akin.

Tinanggal ni ina ang nakahawak kong kamay sa kanyang palad at pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang daliri, "Mas mahalaga mo ang kaligtasan mo anak, kaya pakiusap sundin mo ang iyong ina," may awang sambit ni ina.

"Ngunit! Ina, saan ako pupunta? Saan ako magtatago? Kahit saan tayo magpunta ay nahahanap nila tayo." napakunot ang aking noo, nang may ikabit si ina sa aking leeg. Isang kwintas. Para saan?

"Ang kuwintas na iyan ang magdadala sayo patungo sa mundo ng mga mortal," kinapa ko ang kuwintas na nakasabit sa aking leeg, akin itong tinignan. Kasing laki at kasing hitsura ng isang mata, "At maitatago din ng kuwintas na ’yan ang iyong napakabangong dugo." pagtuloy ni ina.

Nakaramdam ako ng kaba, nang makarinig ako ng mga yabag patungo sa kinalalapagan namin ni ina.

Nagmamakaawa akong tumingin kay ina, "Malapit na sila. Pakiusap, sumama kana sa akin, ina." lumabas ulit ang aking mga luha ng umiling muli ang kanyang ulo, kaya kahit labag sa aking loob ay kusa na akong lumabas sa aming kubo.

Tumigil ako sa pagtakbo at muling tinignan ang aking pinakamamahal kong ina.

"Pasukin ang loob!" nakita ko nalang ang mga bampira na pinasok ang aming kubo, bago pa nila ako maabutan ay tumakbo na ako.

Ngunit sa hindi inaasahan ay nakita ko bampira na nasa aking harapan. He gave me an playful smile, "Want to eacape?’" napaatras nalamang ako at siya namang paglapit sa akin, "I want your blood." bago pa man s’ya makalapit sa akin ay nag cast ako ng spell "adium salre!" dahilan ng kanyang pagtilapon.

I heard him cursed "Hindi ka makakatakas sa akin!"

Takbo lang ako nang takbo ngunit sa bilis ng bampirang humahabol sa akin ay naabutan n’ya ako.

"You can’t escape from me. Your blood is only mine, at hindi ko hahayaan na mauna ang aking kapatid sa pag-angkin sayo."

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo pero huli na dahil nabalibag ako sa isang puno at dumaing.

Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ang tuhod ko at naramdaman ko nalang ang kamay na humipit sa aking leeg.

Pinilit alisin ng aking dalawang kamay na nakasakal sa aking leeg. Unti-unti na akong nawawalang ng hininga at nanlalabo na rin ang aking paningin.

"Hindi ka pa mamatay. Mapapasa akin muna ang iyong dugo bago ko gawin ang pagpaslang sayo." sambit n’ya habang marahan na tumawa.

Narinig ko nalang ang pagdaing n’ya at saka ako binitawan, napaubo ako at naghabol ng hininga.

Nang makabawi ay napatingin ako sa matandang may kagagawan ng saksak sa puso ng bampira na ikinamatay nito.

Isang mangkukulam.

"Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin, malaki ang utang na loob ko sayo."

"Karangalan kong iligtas ang nagtataglay ng dugong Deviant. Halika’t sumama ka sa akin dahil sa mga sandaling ito ay maari ka nilang maabutan." lumapit ako sa tabi ng mangkukulam at nang ako ay makalapit ay narinig ko siyang nagsalita bago kami mawala sa aming kinalapagan.

Nagtagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang madilim na mansyon, napapalibutan ito ng mga sapot ng mga gagamba, napakaalikabok at napakaluma. Napatingin ako sa mangkukulam na nagdala sa akin.

"Magpahinga ka muna, para makabawi ka ng lakas." sambit n’ya habang may kinukuha ang mga likido mula sa bote.

Naglakad ako papalapit sa bintana at tumingin sa labas.

Ang buwan nanatatakpan ng ulap at ang nakikita ko lamang sa paligid ay mga nanlalantang puno at halaman.

This place is creepy!

Tumulo ang aking luha nang maalala ko ang aking ina. Labis akong nag-alala sa kanyang kalagayan. Hindi ko malaman kung binuhay pa s’ya ng mga bampira o ginawa s’yang bihag.

Bakit sa dinami-dami ako ang napili? Bakit sa dinami-dami ako ang naghihirap? Wala na si ama ngayon nama’y si ina. Bakit?! Bakit? Ako pa? Damn! Prophecy.

Hanggang kailan ako magtatago? Hanggang kailan ako magiging malaya? Kung ang tadhana mismo ang naglalapit sa akin tungo sa aking kamatayan.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon