Kabanata 23

361 10 0
                                    

Nagising na lang ako na lang ako sa hawla. Pagod at tila nanghihina ang aking katawan. Nilibot ko ang bagay kung saan ako naroon. Apoy lang ang nagsisilbing ilaw mula sa labas.

Biglang kumirot ang ulo ko dahilan para bumalik ang ala-ala bago ako mapunta rito.

"Kailangan kong makatakas."

Agad akong tumayo at hinawakan ang bakal pero agad ding natanggal ng may pumigil sa kamay ko.

Napatingin ako mula sa bakal na pinto. Inilabas ang lalaking nakangisi sa akin.

"Deviant blood." Mahina la.ng ang pagkakasabi niya pero naririnig ko dahil sa katahimikan ng silid.

Agaran siyang lumapit sa kinalalagyan ko.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.

"Pakawalan niyo ako rito!" sigaw ko at pilit na hinawakan ang bakal.

Umiling siya at tumawa. "Dalawang araw pa ang hintayin mo bago ka makalabas sa hawlang iyan." bago pa man siya makaalis ay nagsalita ako...

"Hinding-hindi niyo makukuha ang bagay na hinahangad niyo sa akin."

Napatingin ito sa akin at biglaang ngumiti---isang ngisi. "Hawak ka namin. At ang nakatakdang protektahan ka ay... patay na. Ang prinsipe." At bigla na siyang umalis.

Nanlambot ang tuhod ko at nawaang ang akin bibig. Hindi maari. Hindi siya maaring mamatay.

***************

"Gusto kong pasalamatan ka niligtas mo ako mula sa mga demon na iyon." sabi ni Silva sa kaniyang kuya. Tumango lang isinagot sa kaniya habang umiinom ng dugo.

"Masyado kang mahina para protektahan siya. Hindi mo siya na-protektahan kaya wala na tayong pagkakataon na makuha pa siya." Nainis naman si Silva sa sinabi nito. Kahit kailan ganyan ang parating sinasabi sa kaniya, mahina. Paulit-ulit na pumapasok sa utak niya. Naiyokom niya ang kamao niya, "Hindi ako mahina." nagtitimping saad niya.

Natawa naman ang kaniyang kuya, "Patunayan mo."

******************

Lahat ng sakit na nararamdaman ni Silva ay ibinuhos niya lahat sa galit. Mariin niyang isinuntok ang kinalalapagan niya at sumigaw.

"Hindi ako mahina! Hindi ako mahina! Hindi ako mahina!" sigaw niya na tila nawawala sa kaniyang sarili.

At biglaan siyang tumawa. "Hindi mahina. Kayang-kaya ko siyang protektahan." sabi niya at biglaang nanlambot ang kaniyang tuhod at napaluhod ito.

Mula sa di kalayuan hindi alam ni Silva na pinanonood lamang siya ni Yzen. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Kailan ba siya matututo?" At mariing pumikit.

Nagsalita naman ang kaniyang katabi, si Ceasar. "Mahal na prinsipe. Ikaw ang nakakatanda dapat ay intindihin mo siya. Bata pa lamang siya ay parati na siyang pinaparusahan ng iyong amang hari. Maging hanggang dito ay pinaparusahan mo pa rin siya."

"Ginagawa ko ang bagay na iyon para sa kaniya."

Umiling si Ceasar. "Mali ang iyong ginagawa mahal na prinsipe. Paano siya magiging malakas kung ikaw mismo ay bumababa ang tingin mo sa kaniya."

"Hindi mababa ang tingin ko sa kaniya. Ang gusto ko lang----"

"Ikinakahiya mo siya..." napatingi sa kaniya ang prinsipe. "Aminin man o hindi. Ikinakahiya mo siya."

"Tama ka. Ikinakahiya ko siya." Sabi niya at maraang pumikit.

"Iyon pinakamasakit. Ang ikahiya mo siya. Tandaan mo ikaw ang kuya. Ikaw mismo ang gagabay sa kaniya." sabi ni Ceasar. Hinawakan niya muna ang balikat ng prinsipe bago pumasok sa loob ng palasyo.

Mariing ipumikit si Yzen.

Nagpaulit-ulit sa kaniya ang lahat ng sinabi ni Ceasar. Napagtanto niya na mali rin siya sa kaniyang ginawa. Tama nga! Bilang nakakatanda kailangan niyang gabayan ang nakakabatang kapatid.

Paulit-ulit niyang inalala ang mga nasabi niya dahilan para masaktan ang kapatid niya.

"Nagkamali ako."

*******************

Napatangis ang bagang ni Revelorr dahil sa nalaman niya. Hindi nila napatay ang bampirang prinsipe.

"Patawad. Mga ilang mga bampirang sumugod sa amin kasama 'dun ang nakatatandang kapatid ni Silva. Masyado siyang malakas.

"Umalis kayo sa aking harapan. Ngayon din!"

Yumukod muna ang ibang demon bago umalis sa harap. Napangisi na lamang si Revelorr.

"Malapit na ang aking pinakamimithi."

Agad na nawala ang ngisi nito.

"Pero may mga balakid na kailangan patayin."


****************
Naimagine ko naman si Elle Fanning.  Hahaha! *peace* yey! 3 chapter nalang tapos na :)

Thanks for reading guys! Hanggang dito nakaabot kayo :) lovelot<3

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon