Kabanata 7

598 26 0
                                    

Sen's POV

Tumayo ang prinsipe sa kanyang pagkakaupo, kinuha ang kaniyang kapang nakasabit at dinala palabas.

Napatingin na lamang ako sa bintana, kung saan malaya kong nakikita ang labas, padilim na maraming ng naglalabasan na bampirang paniki.

Ang prinsipe ay pupunta sa mundo ng mga tao, upang hanapin ang kailangan niya.

Sana ay hindi siya magtagumpay.

Ilang araw siyang mawawala sa palasyo, pinagbilin niya sa kaniyang pinakamahusay na alagad, si Califtre. Siyang pansamantalang mag-aasikaso ng mga bagay na ginagawa ng isang prinsipe.

Napagpasyahan kong lumabas ng silid at magpunta sa aking kasamahan upang malaman ang kanilang kalagayan.

“Alpha!” napalingon ako sa aking likuran, ang binibini. Hinintay ko siyang makalapit sa akin.

Napangiti na lamang ako na may hawak siyang boteng may likido. Ito na ba ang gayuma? Inilahad niya ito sa akin. “Ang bilis mong nagawa.’’ kinuha ko ang likido sa pagkakahawak niya.

“Madali lamang ang proseso, at salamat na ’rin sa kagubatan dahil may pagkukunan ng mga sangkap.”

“Nagpunta ka sa gubat ng ikaw lang ang mag-isa?” tumango siya bilang sagot sa tanong ko. Mabuti at hindi siya napahamak.

“May pupuntahan ba kayo, alpha?” tumango ako. “kung ganon ay mauna na ’rin ako.”

Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat siya ng hagdan. Nang mawala na siya sa aking tingin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Napatingin ako sa likido na hawak ko, wala itong kulay. Hindi ko pa ito magagamit sa ngayon. May kailangan pa akong gawin.

Nakarating na ako sa pinto, binuksan ko ito. Napamura na lang ako sa aking nakita. Nakahandusay sila sa sahig at duguan.

Pumasok ako sa loob at hinawakan ang kanilang pulso. Patay na! Narinig kong may mahinang ungol sa may bandang gilid, kaya mabilis ko itong nilapitan.

Ibinaba ko ang likido at hinawakan ko ang kaniyang pisngi, “Elder! Elder! Buksan mo ang mga mata mo.” hirap itong dumilat. “A-alp-ha.” nahihinang sambit nito. Papatayin ko kung sino man ang gumawa nito! Hindi ko siya mapapatawad!

“Sino ang may gawa nito?!” nagtitimpi na ako, kahit sa oras ngayon ay gustong-gusto kong gawin ang ginawa sa aking kasamahan. Pagbabayaran niya ito!

“Ang de-demonyo.” nag-igtim ang aking baga sa aking narinig. Nagsisimula na sila? Nilapag ko ang wala ng buhay niyang katawan sa sahig.

Napatayo ako at marahan tinignan ang mga walang buhay na katawan. “Patawad kong wala ako sa tabi niyo. Pangako, gagantihan ko kayo.”

Tumakbo ako sa bintana, napatingin sa ibaba. Gaya ng nangyari sa aking kasamahan ganon ’din maraming bampira ang napatay.

Nagsilabasan ang mga bampira na nasa loob ng palasyong ito, agad nilang kinuha ang mga napatay na mga bampira at pinagtabi-tabi ang mga katawan.

Kailangan malaman ito ng prinsipe.

Kinuha ko ang mga katawan nila atsaka ito Pinagtabi-tabi. Ilang sandali na lang ay magiging abo na sila.

Nag-anyong lobo ako at tumakbo palabas, kung saan ang mga bampirang napatay.

“Sino ang may gawa ng bagay na ito?!” nakarating na ako sa mga bampira. Ang boses na iyon ay galing kay Califtre. “alpha? Ikaw? Kayo ang pumaslang sa mga kauri namin?!”

Nagpalit ako ng anyo, “Huwag mo akong pagbintangan sa hindi ko ginawa, Califtre. Maging ang aking kasamahan ay hindi nakatakas sa kamatayan.” napansin niyang puro dugo ang aking katawan, pinagbibintangan niya ako dahil lamang sa dugong ito?

“Kung ganon, sino ang gumawa ng pagpaslang na ito?”

“Mga demonyo, nagsisimula na silang maghasik ng lagim.”

Ang mga mata nilang nag-aapoy sa galit, alam kong gustong-gusto nilang gumanti dahil sa pagpaslang ng mga demonyo sa hari at ganon ’din ako.

“Kailangan mahanap na ng prinsipe ang nagtataglay ng Deviant blood upang magkaroon tayo ng laban sa mga demonyo at magantihan ang mahal na hari.”

Napatingin ako sa isa sa mga nagsalitang bampira, “Mahirap hanapin, ang ayaw magpahanap.”

“Mahihirapan ang prinsipe na siya’y mahanap, kung hindi pa dumarating sa ikawalong taong gulang ang purong dugo.”

Muli ako napatingin kay Califtre, “Paano mo nalaman ang impormasyon na iyan?” napangisi siyang humarap sa akin. “Marami akong nalalaman at hindi ko ito ibabahagi sa mabahong lobo—”

Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin, binigyan ko siya ng isang malakas na suntok dahilan ng kaniyang pagtilapon, nagkaroon ng bitak ang mga pader.

Nilapitan ko siya at tinayo gamit ang nakasakal kong kamay sa leeg niya at pabalibag na idinikit sa pader. “Baka nakakalimutan mo na isa akong alpha! Huwag na huwag mo akong iisultuhin.” ngumisi lamang siya sa akin. Diniinan ko pa ang pagkakasakal ko sa kaniya. Sinusubukan niya talaga ako.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon