Vamphir de Sangre,
Dumating ang araw na pinakahihintay ni Urbhina na masilayan muli ang kaniyang pinakamamahal. Sa kabila ng madugong labanan, laban sa pagitan ng mga demonyo at mga bampira.
"Urbhina!" napalingon si Urbhina sa lalaki, napakunot ang noo niyang sinilayan ito.
Nagtataka ang kaniyang mata na makita ito.
"Bakit ka nandito? Limous, umalis ka rito, baka makita ka niya."
Napailing lamang si Limous at mabilis na lumapit sa kaniya. Nagkaroon naman ng kakaibang pakiramdam si Urbhina.
Mabilis ang pagkakahila nito sa kaniyang braso. Ngunit hindi ito natinag, at nagawa niyang magpumiglas.
Napatingin naman sa kaniya si Limous, "Urbhina, kailangan kitang ilayo, papatayin ka niya." sambit nito kasabay ang paghila sa kaniyang braso.
Napailing naman si Urbhina. Batid niyang hindi magagawa ng lalaking pinakamamahal niya na patayin siya lalo pa't balak na nitong sabihin na may dinadala itong isang sanggol.
"Alam kong hindi niya magagawa sa akin iyon. Umalis kana Limous! At bitawan mo ako." napatigil naman sa paglalakad si Limous at nag-aalalang tumingin sa kaniya.
"Isa siyang demonyo, Urbhina."
"Alam ko. Ngunit kabaliktaran iyon sa mga iniisip ng iba. Hindi siya masama, Limous. Kaya bitawan muna ako." nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Limous, ngunit mahigpit parin itong nakahawak sa braso niya.
Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito.
"Huwag mo akong bigyan ng rason para labanan ka Limous." madiin na sambit niya.
Hindi natinag si Limous sa sinabi nito, alam niyang kayang gawin ni Urbhina na labanan siya ngunit sa pagkakataong ito. Hindi niya muling pakakawalan ang babaeng bumihag sa puso niya.
"Gawin mo ang gusto mo Urbhina, sinasabi ko na sayo. Walang mabuting idudulot ang demonyong iyon sayo. Dadalhin ka lamang niya sa madilim at mala-impyernong lugar nila." nandilim naman bigla ang emosyon ni Urbhina, hindi na siya nagdalawang isip na gumamit ng mahika dahilan para tumilapon si Limous. Sino siya!? Sino siya para sabihin kung ano ang magiging kinabukasan niya kasama ang pinakamamahal niya!?
Napatayo naman agad si Limous, at nakita niyang masama ang tingin nito sa kaniya.
"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan, Limous. Sino ka para ipamukha sa akin na hindi magiging mabuti ang pagsasama naming dalawa? Sino ka para makialam sa desisyon ko? Masyado mong pinangungunahan ang mga bagay na hindi mo alam kung mangyayari ba o hindi!" sambit niya na tila sasabog na ang kaniyang damdamin.
Isang pagak na tawa ang inilabas ni Limous, hindi inaasahan ang lalabas sa bibig ni Urbhina.
"Sino ako? Wala na ba akong puwang diyan sa puso mo kahit ako ay hindi mo na kilala, Urbhina?"
Sandaling natahimik si Urbhina.
"Oo nga. Sino ka nga ba? Hindi ko alam ang iisipin ko. Alam ko lang ay isang lalaking mahilig makialam sa mga desisyon ko na para akong isang batang walang alam. Hindi ka naman ganyan noon di'ba?"
"Iyan na ba ang nakikita mo sa akin? Ang gusto ko lang ay protektahan ka. Hindi mo ba nakikita 'yun?"
Marahang nagtitigan ang dalawa, ngunit agad naputol ng biglang pagdating ni Revelorr.
"Urbhina." agad namang nanliit ang mata ni Revelorr sa nakita niya. Agad din nanlaki ang mata sa kaniyang nasaksihang magkahalikan ang isang diyos at isang mangkukulam.
"Urbhina." agad na bumuhos ang luha nito. At sa bawat pagsambit ng pangalang Urbhina ay may diin. Unti-unting bumalot ang kasakiman sa kalooban niya.
"Revelorr! Mahal ko!" pilit na isinisigaw ni Urbhina upang marinig ni Revelorr. Ngunit sa pagkakataong ito wala siyang magawa. Nakakulong ito sa isang ilusyon na gawa ng isang diyos.
"Patawad, Urbhina. Kailangan ko itong gawin, para rin ito sa ikabubuti mo at sa magiging anak mo." sandaling natigilan si Urbhina, at nagtatakang napatingin kay Limous.
"P-paano mo nalamang may dinadala ako?" pautal na tanong nito.
"Sa nakalipas na mga araw. Unti-unti kong nakikita ang pag-umbok ng iyong tiyan. At iyong labis na panghihina, katunayan--- ibinibigay mo na sa dinadala mo ang kalahati ng iyong kapangyarihan. Sa tingin mo ano ang magiging hitsura ng inyong magiging anak, Urbhina?"
Agad na napaisip si Urbhina, ano nga ba ang magiging hitsura ng kaniyang anak sa oras na lumabas na ito sa kaniyang sinapupunan? Mabilis siyang napaling. Mabilis niyang kinalimutan ang isa sa mga kutob niya.
"Anak ko ang dinadala ko. Wala akong pakiealam kung anuman ang hitsura niya. Ang nasa sinapupunan ko ang bunga ng pag-iibigan naming dalawa ni Revelorr."
Malalim na buntong hininga ang inilabas ni Limous. Mariing nakatitig kay Urbhina na nakakulong sa mala-salamin habang tumutulo ang luha habang pinagmamasdan si Revelorr. Bakit gano'n mas naunang siyang minahal ni Urbhina kasya kay Revelorr, ngunit nang dumating ito sa buhay nito ay nabago na ang lahat. Hindi na siya nito minahal.
Mariing pumikit si Limous nang marinig ang hikbi ni Urbhina na nagpadurog ng puso niya. Kasalanan niya kung bakit gano'n na lamang ang pagdurusa nito.
Unti-unting nawawala ang ilusyon na ginawa niya, ngunit huli na. Wala na si Revelorr at si Urbhina nama'y patuloy ang paghikbi.
Agad na sana siyang lalapit ngunit agad ding napatigil ng biglang walang emosyon ang ipinukol sa kaniya.
"Urbhina." mahinang sambit niya.
"Huwag kang lalapit." walang emosyong sambit nito.
"U-Urbhina." lalapitan niya sana ito. Unti-unti itong umatras palayo sa kaniya. Natatakot siya. Natatakot siya na mawala ulit ito sa kaniya.
"Urbhina. Huwag mong gawin ito." tigal-gal na sambit niya.
Isang butil naman ng luha ang umagos sa pisngi ni Urbhina. Bakit ginawa ni Limous ang bagay na ito? Unti-unti siyang umatras...
"Ikaw ang may ginawa Limous,"
Hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo mula sa madilim na kagubatan.
Napaluhod na lamang si Limous napuno ng kalungkutan ang puso niya. Nawala na? Nawala na naman sa kaniya si Urbhina?
********
OH RIGHT! Nagsilabasan na yung mga Deviant. Seriously? Dati wala pa yun ah... okay na😂 masyado akong na-stress na paggawa ng scene na ito hayst! Salamat sa nag-intay. Ang totoo hindi ko talaga alam kung ano ang epekto nito sa mga mambabasa kung panget ba o sobrang oa😂 pero it's okay libreng manghusga. ✌
BINABASA MO ANG
Deviant Blood
VampireGenre: Vampire/Fantasy Date Started: March 24, 2017 Date Finished: May 11, 2018