Serafia's POV
Nagising na lang ako sa hindi pamilyar na kwarto. Napatingin ako sa paligid. Mga magagarang kagamitan.
"Nasaan ako?" bulong ko.
Napalingon ako ng may biglang bumukas ng pinto. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kaniya. Dalaga? Napakaganda niya.
Ngumiti siyang lumapit sa akin habang hawak ang mahabang tungkod.
"Sino ka? Nasaan ako?" tanong ko ng makaupo siya sa higaan. Nabigla na lang ako ng bigla niyang hinaplos ang aking mukha na biglang nagpakabog sa akin dibdib. Ang sarap sa pakiramdam parang haplos na galing sa isang ina. Nakikita ko ang mga mata niya na puno ng kalungkutan, galit, at pighati. Bakit? Dumaan ng ilang segundo ay binawi na niya ang kamay niya.
Ngumiti siya sa akin. "Ako si Urbhina. Narito ka tagong lugar na kung saan malayo sa palasyo. Ang tagal kitang hinanap."
Nagkaroon ako ng pag-asa dahil narito... narito siya sa aking harapan. Narito siya. Si Urbhina. Ang tutulong sa akin.
Dahil sa pag-kabigla ay agad na niyakap ko siya na ikinalaki ng mata niya. "Urbhina? Ikaw si Urbhina? Ang makapangyarihang mangkukulam?" niyakap niya rin ako ng mahigpit.
"O-oo a-ako nga dalaga."
Binawi ko ang aking pag-kakayakap at tumingin sa kaniya ng hindi makapaniwala. "Hi-hindi ako makapaniwala na nandito ka sa aking harapan. Akala ko ay hindi na kita makikita."
Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Napakasaya na makita ko siya. Parang marami akong gustong sabihan sa kaniya.
Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.
"Napakaganda mong dalaga."
Isang ngiti rin ang ibinalik ko sa kaniya. Nawala rin agad nang may bigla akong maalala. "Bakit ako narito? At si Silva? Asan siya?"
"Ako ba purong dugo?" napatingin naman ako sa bukas na pinto, kung saan iniluwa si Silva na nakangisi.
Napairap na lang ako.
"Nandito ka upang magsanay." napatingin naman ako kay Urbhina. Naningkit ang aking mata. "Magsanay? Para saan?"
"Marami ang nagtatangka sa buhay mo purong dugo." ngayon napatingin naman ako kay Silva na nakangisi.
"At isa ka doon." singit ko.
"Tama na iyan. Mag-umpisa ka na ngayon din. Silva... sanayin mo siya ng mabuti." sabi ni Urbhina.
"A-no?! Pe-pero hindi pa ako handa sa pagsasanay. Maari ba na ipagbukas na lang?"
"Wala na tayong oras. Ngayon ang iyong pagsasanay." pahabol ni Urbhina at lumabas na ng silid.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Silva ang narito sa silid.
Nakayuko lang ako.
"Ano ang pakay mo sa akin?" tanong ko habang nakayuko.
"Ang dugo mo."
"Kung ganon... bakit kailangan mo pa akong sanayin kung isa ka rin sa nagtatangka sa buhay ko?"
"Dahil yung ang utos sa akin."
Ngayon ay nakatingin na ako sa kaniya.
Natawa na lang ako. "Utos? Nauutusan ba ang isang prinsipe? O desidido ka lang na patayin ako sa mga oras na ito?" pang-asar na tanong ko.
"Gagawin ko yan... sa takdang panahon."
Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas.
Agad niya akong pinaupo sa malaking bato.
Napatingin naman ako sa braso kong namumula dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. Ang hilig niya akong saktan.
"Dito tayo magsasanay kunin mo ito." napatingin naman ako sa kaniya.
Nandito kami sa isang malagubat na lugar.
Napatingin na man ako sa hawak niyang espada at kinuha ito.
"Hi-hindi ako marunong gumamit nito."
"Kaya nga sasanayin hindi ba?"
"Okay."
Lumapit siya sa akin. "Sundan mo ang bawat galaw ko."
Tumango ako.
Iwinasiwas niya ang kaniyang espada agad ko naman itong ginaya. Napatuloy ang pagsunod ko sa kaniya hanggang matapos. Hindi maiwasan ang magkamali dahil hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang espada sa tamang paraan. Nang mapansin niya iyon hindi mawala ang paningin niya sa akin habang tinuturuan ako.
Napaupo na lang ako dahil sa pagod.
"Ngayon ay ikaw naman."
Napatingin naman ako sa kaniya na nagtataka.
"Ang alin?"
"Uulitin mo ang ang pagsasanay sa paggamit ng espada mula umpisa hanggang sa dulo."
"A-no? Ngunit ako’y pagod na."
"Walang rason para tumangi. Kaya tumayo ka na at ulitin mo."
Kahit na pipilitan ay tumayo ako. Iwinasiwas ko ang espada hanggang sa tinuloy ko na. Inulit ko ang tinuro niya hanggang matapos.
"Magpahinga ka na."
"Mabuti naman at may awa ka pa sa akin." sambit ko at napaupo dahil sa pagod.
Napatingin na lang ako sa langit. Magdidilim na pala. Gaano katagal ba kaming nagsanay?
"Nagugutom ka na ba?"
Nawala ang tingin ko sa kalangitan at napatingin na kay Silva.
"May pagkain ka ba?"
Lumapit siya sa akin at ibinigay ang mansanas agad ko naman itong kinuha at kinain.
"Magpasalamat ka na lang na pinakain pa kita."
Hindi ko na lang siya pinansin dahil nagugutom na talaga ako nakatuon lang ako sa mansanas.
Nang malapit na maubos nilingon ko naman si Silva na nakatingin sa akin agad din naman siyang napaiwas.
Anong problema niya?
BINABASA MO ANG
Deviant Blood
VampireGenre: Vampire/Fantasy Date Started: March 24, 2017 Date Finished: May 11, 2018