Kabanata 15

515 18 0
                                    

Dedicated to CGraphity

Third Person's POV

Isa sa dahilan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kanilang kalooban, dahil sa matinding galit. Ang matinding galit ang naging dahilan kung bakit nawala ang kanilang anak na panganay. Dahil sa kaniyang panibugho...

Halos mangalay ang kamay ni Urbhina dahil sa puting usok na nakagapos sa kaniya, nanghihina. Yan ang lagay niya simula ng maging bihag siya ng demonyo.

Nakarinig siya ng mga yapak na papalapit sa kaniyang selda, nakita niya ang lalaking bumihag mismo sa kaniya, binuksan nito ang selda at nakangising nakatingin sa kaniya.

"Kumusta kana, Urbhina?" nakangising tanong nito. Matinding sakit naman ang naramdaman ni Urbhina, napatingin din siya rito, walang mababakas na pag-aalala ng demonyo sa kaniya.

Batid niyang papatayin siya nito anumang oras, ngunit ang kinababahala niya ay gawin siyang pain nito sa kaniyang anak, si Serafia.

"Patayin mo nalang ako." saad niya. Natawa naman si Revelorr sa kaniya at umiling. Naasar naman siya rito. "Hindi muna, hindi pa kita papatayin hanggat hindi ko pa napasasakatuparan na makuha ang purong dugo, ang anak mo. Siya ang tutubos sa buhay ni Lord Demonian."

Sunubukan niyang makawala sa gapos na nasakatawan niya, ngunit nabigo siyang tangalin ito. Nagmamakaawa siyang napatingin kay Revelorr. "Pakiusap, huwag mo siyang saktan. Anak mo siya."

Hindi naman naniwala ang demonyo rito, bagkus ay natawa lang. "Anak? Anak. Anak. Hindi ko siya anak, dahil galing siya kay Limous!"

"Makinig ka sa akin, Revelorr. Yung nakita mong magkasama kami ni Limous, isa lamang iyong ilusyon, maniwala ka sa akin Revelo—"

Napansin niyang nagbago ang mata ng binata, kanina ay naging dilaw, ngayon naman ay naging pula. Hinawakan naman nito ang kaniyang panga at masama tingin ang ibinigay niya. "Tama na! Hindi ako naniniwala sayo, at hindi na ako maniniwala sayo kahit kailan. Mahal kita Urbhina, at ang pagmamahal na iyon para sa akin ay katumbas  nalang ng kagustuhan ko sa isang bagay. Bagay na nawawala, bagay na nababago, bagay na namamatay sa harapan na nagmamay-ari sa kaniya. At ngayon ay isa ka nalang bagay na pagmamay-ari ko."

Isang napakasakit na salita ang ang nagpalala sa sakit na nararamdaman niya, hindi niya batid kung bakit, at kung anong nangyari kay Revelorr simula ng iwan siya nito. Tinignan niya lamang ito habang papaalis sa kaniyang selda.

Napaiyak na lamang siya, hindi niya matanggap na hindi na siya nito mahal ng lalaking pinakamamahal niya.

**********

Isang malambot na haplos ang dumampi sa kaniyang mukha upang mapamulat siya ng mata. Nagtaka siya kung bakit narito ang si prinsipe Yzen sa kaniyang harapan.

"A-anong nangyari?" tanong niya rito at bumangon sa pagkakahiga, napadaing naman ito ng maramdaman niyang may mahapdi sa kaniyang tiyan.

"Huwag ka munang bumangon, hindi pa sapat ang kapangyarihan ko para gamutin ang sugat mo." saad nito. Napangiti naman ito sa bampira, gusto niyang pasalamatan ito pero nag-aalan siyang sabihin.

Napansin niyang nakatitig siya rito, kaya napaiwas siya. bigla niyang naalala si Urbhina. Hindi niya maiwasan itanong. "Nasaan si Urbhina?" tanong niya rito.

Sandaling hindi umimik ang prinsipe bago magsalita, "Bihag siya ngayon ng mga demon." hindi niya mapigilan ang mag-alala kay Urbhina.

"Kailangan n-natin siyang iligtas. Baka kung anong gawin sa kaniya." nag-aalalang sambit nito. Umiling naman ang prinsipe, "Hindi pa sa ngayon, kailangan na pa nating alamin kung nasaan ang teritoryo nila."

"Gagawa ako ng paraan." saad niya rito. Napatitig naman ang prinsipe sa kaniya, sa kaisip-isipan niyang kailangan niya munang makuha ang loob ng dalaga upang magtagumpay siya sa plano nitong makuha ang dugo sa kaniya.

"Tutulungan kita." sambit nito sa kaniya.

Napangiti naman siya sa prinsipe, ngunit umiling siya rito. Alam niyang hindi dapat siya basta magtiwala rito lalo na't isa siyang prinsipe, at alam niya ang balak nitong kitilin ang buhay niya.

"Hindi ko na kailangan ng tulong mo, mahal na prinsipe. Kaya ko na ang bagay na ito." saad niya rito. At malalim na bumuntong-hininga. Hindi agad nagkaroon ng reaksyon ang prinsipe, at napangiti nalang, alam niyang alam nito na siya ang purong dugo.

"Tutulungan pa rin kita, sa ayaw at sa gusto mo." napatingin naman siya rito na nagtataka.

"Sabi ko na hindi ko na kailangan ng tulong mo, alam kong balak mo akong patayin. Kunin ang dugo ko—o ano pa mang pamamaraan na kaya mong gawin sa akin."

Napahinto naman ang prinsipe sa sinabi ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito, isang  tunog mula sa pagbukas ng pinto ng silid kaya napalingon silang dalawa. Nakita nilang naglakad papasok, ang pangalawang kapatid ng prinsipe na si Silva, walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniyang kuya.

"Silva." bulong niya. Napatingin naman ito sa kaniya. Pero wala pa ring nababakas na emosyos nito. Napatingin na rin agad kay Yzen.

"Mag-usap tayo ng tayong dalawa lang." maawtoridad na saad nito sa kaniyang kuya. Nagtaka naman siya sa ikinikilos nito. Napatayo si Yzen sa pagkakaupo, sinundan niya na lamang tingin niya sa dalawa habang palabas ng silid.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon