Kabanata 1

1K 40 0
                                    

Serafia's POV

"Kailangan mong magtago," napatingin ako sa mangkukulam dahilan para mawala ang tingin ko sa labas "Gagawin nila ang lahat para lang mahanap ka, kapag umabot ka na ng ikalabing-walong gulang ay ang dugo mo mismo ang magpapahamak sayo." naguluhan akong nakatingin sa mangkukulam. Paano ang dugo ko mismo ang magpapahamak sa akin?

Lumapit siya sa akin at hinila ang kuwintas sa leeg ko; at saka ito tinitigan, "Panandalian lang ito, sa oras na dumating ang kaarawam mo, hindi na nito kayang takpan ang natatagong amoy ng dugo mo bagkus ay mas titindi ang halimuyak nito."

Hindi ko maiwasan ang matakot dahil sa mapanganib na darating sa oras na dumating ang susunod kong kaarawan. May isang buwan pa ako para makapagtago.

Huminga ako ng malalim. "Magtatago ako sa mundo ng mga mor—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Hindi ka maaring magtago doon dahil marami ang madadamay."

"Kung ganoon saan ako magtatago?" may takot kong tanong.

"Masyadong tuso ang mga bampira; lalo na ang prinsipe. Kaya't alam niya kung saan magtatago ang isang Deviant blood."

"Wala pang nakakaalam ni isa sa kanila ang hutsura ko, maliban sa isang bampira na napatay kanina, kaya maiitatago ko pa ang pagiging Deviant blood ko gamit ang kuwintas na bigay ni ina."

Iniling lamang niya ang kanyang ulo, naglakad papunta sa isang kabinet at may kinuhang kung ano mang bagay.

"Kailangan may mas malakas pang mahika para maitago ang halimuyak ng dugo mo at magkaroon ng ritwal gamit ito." pinakita niya sa akin ang laman ng kahon.

Isa rin itong kuwintas, sa isang bilog ay may nakapaloob na isang krus, at sa bawat gilid nito ay napapalibutan ng napakaliit na sulat halos hindi makita ng mga mata ko at ang sabitan nito ay isa lamang tali.

"Hindi ba't ikaw ang pinakamakapangyarihang mangkukulam dito sa Ehrarya? Kung ganon ay ikaw ang gagawa ng ritwal?’’ tanong ko.

"Nagkakamali ka. Hindi ako ang makapangyarihang mangkukulam na iyong sinasabi." nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. Paanong hindi s'ya? samantalang s'ya ang nagsabi sa akin nung kabataan ko.

"Hindi ba't sinabi mong ikaw ang pinakamakapang—"

"Sinambit ko lang iyon para matakot ka, para hindi mo suwayin ang iyong ina. Dahil sa katigan ang mo." natahimik nalamang ako nang binangit n'ya si ina.

I miss her.

‘‘Magpahinga kana. Bukas may pupuntuhan tayo."

Napatingin ako kanya, naibalik n'ya na pala ang kuwintas sa kinalalagyan nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Tumingin s'ya sa akin at ibinaling n'ya ang kaniyang tingin sa isang silid, ‘‘Pumasok ka.’’ sinunod ko ang kaniyang sinabi.

Nang ako'y makapasok sa loob, agad n'yang sinindihan ang lampara dahilan para magkaroon ng liwanag.

Nakita ko ang isang maliit na higaan, sakto lamang ito sa isang tao at sa gilid nito may maliit na napakalumang mesa, may nakapatong na makapal na libro at ang buong silid ay puno ng alikabok.

Umupo ako sa higaan at siya ay muling aking tinignan, "Saan tayo pupunta bukas?":ulit kong tanong.

"Vamphir la des sangre." natutula ako sa sagot nito.

"Balak mo ba akong ibigay sa bampira para gawing pain?"

"Kailanman ay hinding-hindi ko ibibigay o gawing pain ang nagtataglay ng dugong Deviant." napakunot noo akong nakatingin sa kaniya.

"Kung ganoon nga ay bakit tayo maglalakbay patungo roon?" nagtataka kong tanong.

"Sa lugar na iyon ay naroon ang makapangyarihang mangkukulam, si Urbhina. Isa s'ya sa pinaka pinagkakatiwalan ng mga bampira sa palasyo."

"Sanasabi mo ba na magtutungo tayo roon dahil kailangan nating makita ang makapangyarihang mangkukulam?" tumango siya.

"Hindi lang iyon, hihingi tayo ng tulong sa kaniya na gawin ang ritwal, nang sa gayon ay maitago ang mo ang amoy ng iyong dugo bago mag pula ang buwan." umupo siya sa aking tabi, inayos ang aking higaan, ngunit napatigil s'ya ng magsalita ako.

"Kung pinagkakatiwalaan siya ng mga bampira sa palasyo malamang na maaaring ipagsabi niya na isa akong Deviant blood lalo na sa prinsipe." napatingin s'ya sa akin at lumalim ang kaniyang paghinga

"Matagal kana n'yang hinahanap kaya posibleng hindi n'ya magagawang gawin ang bagay na ikapapahamak mo. Nagtitiwala lamang ang mga bampira sa kanya dahil sa kakayahan nito." mariin akong pumikit. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na makaharap ko ang mangkukulam na 'yon.

"Humiga kana, maayos na ang iyong higaan." humiga ako sa aking higaan bago ko ipikit ko mga mata ko napatingin ako sa mangkukulam na lumabas ng silid.

Nang dinaluhan na ako ng antok ay tuluyan nang bumigay ang talukap ng aking mga mata.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon