Serafia's POV
I couldn't help myself to look at him. His thick brows were sexier and his perfectly nose. His lips were red and plumb. The beauty of the face is haunted me. His perfect.
Napansin ko na matagal kaming nagkakatitigan. Binawi ko ang tingin ko sa kaniya at inikot ang aking tingin.
Nabalutan ako ng hiya, dahil ang mga bampira ay nakayuko bilang paggalang at pagrespeto, ako lang ang natitirang nakatuwid.
Napaawang bibig na lamang ako at lumuhod sa harapan ng prinsipe
"Patawad." natataranta kong sabi.
"Ang hindi paggalang sa akin ay isang malaking kasalan." mariin kong ipinikit ang mga mata ko, sa pananalita pa lamang nito ay tiyak na matatakot dahil sa kalamigan ng boses niya.
"Paumanhin, prinsipe, sa kapangahasang ginawa ng aking kasama." napatingin ako kay Tiana na inangat ang kaniyang ulo at tumingin sa prinsipe.
"Ano ang kailangan niyo at kayo'y naparito?" nakangising tanong ng prinsipe.
Tumayo ako sa aking pagkakaluhod, hinarap ang prinsipe at sandaling yumuko.
"Naparito kami upang dalawin ang aming kaibigan." sagot ni Tiana.
Napangisi na lamang ang prinsipe at marahan kaming tinitigan,
"Kaibigan? At sino naman ito?""Si Urbhina, ang makapangyarihang mangkukulam mula sa Ehrarya."
Nawala ang pag ngisi ng prinsipe at seryoso kaming tinignan, sandaling hindi umimik ang prinsipe.
"Ang hinahanap niyo ay matagal na naming hindi nakikita, simula nung pasukin kami ng imortal naming kaaway."
Nabalutan ng tinik ang aming lalamunan dahil sa pagkagulat, natatakot ako na hindi magawa ang ritwal, natatakot ako na mga oras na ito ay malaman nila ang aking sikreto. kung hindi makita ng mga bampira ang makapangyarihang mangkukulam, saan namin s'ya hahanapin?
Lumapit sa akin ang prinsipe at hinawakan ang hibla ng aking mga buhok, saka ito inamoy.
Nabalot kaba ang pakiramdam ko. Anong ginawa niya.
"Itigil n'yo po 'yan, mahal na prinsipe." kinakabahang sambit ko. Napatigil ang prinsipe sa pag-amoy ng hibla ng buhok ko.
Bumalik s'ya kanyang kinalalagyan sa aming harapan at kami ay tinignan, "Ipakita ninyo ang tunay n'yong hitsura." nagkatinginan kami ng aking kasama sa malamig na sambit ng prinsipe.
"Masusunod, mahal na prinsipe." sambit ni Tiana at bumalik na ito sa dating anyo, isang matanda.
Matapos bumalik ang anyo ng aking kasama ay nagsalubong ang kilay ng prinsipe na nakatingin sa akin.
"Hindi na n'ya na kailangan magbago, mahal na prinsipe, dahil iyan ang tunay n'yang katauhan." Tiana said.
"Wala ka bang balak na pansinin kami, mahal na prinsipe?" mapaglarong sambit ng alpha.
''Shut your fucking mouth, you werewolf.'' napangisi nalang ang alpha sa pagmumura ng prinsipe.
Hindi ba s'ya nahihiya na s'ya ay nasa teritoryo ng mga bampira at nagagawa pang makipaglaro sa prinsipe?
Nagkibit-balikat na lang ang alpha, "Kung sabagay, nasanay na rin ako na sa tuwing ako ay bumibisita rito ay ang salitang iyan ang maririnig ko mula sa 'yo, tuso kong kaibigan." nakangising sabi ng alpha.
Napatingin sa akin ang alpha, lumapit ito sa akin saka ngumiti, "Napakaganda mo naman binibini, para sa isang mangkukulam na katulad mo."
Napangiti na lamang ako sa pagpuri ng alpha sa aking kagandahan. "Salamat po, alpha."
''Damn! You werewolf! Stop playing like a dog!'' naiiritang sabi ng prinsipe habang masamang nakatingin sa alpha.
Alpha's chuckled, "What?" mas lalo pang tumalim ang tingin ng prinsipe, dahilang para tumigil na ang alpha.
Tinignan kami ng prinsipe at tumalikod, "Sumunod kayo." nagpatuloy na sa paglalakad ang prinsipe, kaya ay sumunod na rin kami kasabay ng mga werewolf.
Nagbigay ng daan ang mga bampira sa gitna, para pagbigyan ng daan ang prinsipe, at nagsibalikan na sakanilang ginagawa.
Malapit na kami sa kinaroroon ng kastilyo. Habang kami ay papalapit ay mas lalo akong namangha sa sobrang tayog nito, may nagtataasang mga halaman na nakadikit sa mga pader. May dalawang bampirang nakatayo sa kabilang gilid ng tarangkahan.
"Buksan ang tarangkahan!" sigaw ng kawal na bampira, nang makita nila ang prinsipe.
Nagbukas ang tarangkahan, nagsimula na kaming magsipasukan sa loob, marami ang bampirang nag siyukuan. Hindi ko maiwasan tumingin sa mga pinta na nakaukit sa mga bato.
Ang mga nakaukit, noong simula sa ninuno ng mga bampira, tradisyon at ang kanilang paniniwala na hanggang sa ngayon ay kanila pa rin ito ginagawa.
Ngunit, may napansin akong kakaiba sa mga peindre na nakikita ko. Bigla na lamang ito nawawala kapag
lumalayo ako. Anong nangyayari?Mariin ko ipinikit ang aking mata at marahang umiling, napatingin ulit ako sa mga pader, ngunit wala akong nakitang nakaukit. Wala akong makitang bahid ng dumi, napakalinis ng pader.
Hindi ko nalamang pinansin, ang aking nakita, bagama't ay napalingon na lamang sa harapan. May isang pintuan? Nakita ko ang isang pinto, lumakad ang prinsipe papalapit sa pintuan, at siya ay pumasok.
"Sumunod kayo sa loob." napatingin kami sa alpha na nagsalita, pumasok rin ito kasama ang kaniyang kasamahan, at kami nalamang dalawa ng aking kasama ang narito.
Naglakad na rin kami papasok at nabigla nalang ako sa aking nakita

BINABASA MO ANG
Deviant Blood
VampirGenre: Vampire/Fantasy Date Started: March 24, 2017 Date Finished: May 11, 2018