"Maayos na ang iyong pangangatawan," ang sagot ni Tiana kay Cadeza habang inaalalayan itong makaupo sa malaking bato.
Isang araw na namalagi sila sa isang tagong kweba na malapit lang sa teritoryo ng mga demon. Dito muna sila pansamantalang nagtago upang mapagaling si Tiana dahil sa sobrang daming sugat at matinding pagod. Sa mga araw na iyon ay kamuntikan silang makita ng mga ito.
"Maayos na. Kaya maari na tayong makaalis dito, hindi na tayo pwede pa magtagal dito, Tiana." sambit ni Cadeza. "At gusto ko nang makita ang aking anak at mayakap." Dagdag pa niya.
"Hindi tayo aalis ng walang dala, Cadeza. Nasa loob ng kastilyong iyon ang makapangyarihang mangkukulam, si Urbhina. " sabi ni Tiana.
"Urbhina? Paano?" nagtatakang tanong niya.
"Narinig ko ang pangalan niya. At bihag siya ng lalaking inibig niya, si Revelorr. At ang anak mo ay dinala sa Auryn kung saan nakalibing ang ama ng tinatawag nilang panginoon. Kailangan nating itakas si Urbhina. Kalahati nalang ang bilang ng demon na nagbabantay sa loob kaya hindi na tayo masyadong mahihirapan pa."
****************
Palihim na sinundan ni Silva ang mga ilang mga hukbo, hindi napansin ng kaniyang kuya ang pagsunod niya. Nalalapit na sila sa Auryn nakikita nila ang sobrang pagpula ng buwan at mga demon di kalayuan biglaan ang pagsugod sa kanila ng mga demon.
Nagsihanda na sila sa pakikipaglaban habang ang prinsipeng si Silva ay pinanood lamang habang nagtatago sa malalaking batuhan.
Agad niyang iniiwasan mga apoy na tumatama sa kaniya at mabilisan lumayo sa kanila.
Ang prinsipeng si Yzen ay mabilis na pinagpapatay ang demon na nasa harapan niya gamit lang ang kaniyang mahahabang kuko.
Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang kakampi ang tapang sa pakikipaglaban at naisin ang katapusan ng mga ito. Malaki na rin ang mga pinsala ng kanilang tinatapakan.
"Prinsipe Yzen! Iligtas mo ang deviant blood." Napalingon ang prinsipe sa isang witch at tumango.
Tumingin siya sa di kalayuan ang unti-unti nang dumidilim ang kalangian nabahala siya agad siyang tumakbo ng mabilis. Amoy na amoy na ng mga bampira ang dugo ng deviant blood.
"Hindi ito maari. Kailangan kong magmadali." angil niya.
**************
Nakarating si Silva sa pinaglilibingan ng hari. Nakita niya ang dalaga na nakakadena at maraming nakapalibot na nakaitim at may kung sinasabi na orasyon.
Bago pa matapos ang orasyon ay gumawa na siya ng hakbang para mapigilan ang pag-sugat sa dibdib ng deviant blood. Pero huli na. Nasugatan na ito. Nanlaki ang mata ng deviant blood ng makita siya. Amoy na amoy niya ang halimuyak ng dugo ng deviant blood gustong gusto niyang sipsipin ang pagtulo ng dugo nito ay pinipigilan niya ang sarili niya.
Pulang-pula na ang mga mata nito. Agad naman siyang pinagsusugod ng mga demon. Malakas at mabilis ang kaniyang kilos para tapusin agad ang mga ito.
Nanggagaliiti naman sa galit si Revelorr dahil hindi natapos ang orasyon dahil sa isang bampira napalingon siya sa mga ito.
"Tapusin niyo ang orasyon! Ngayon na!" Sinunod naman agad siya ng mga ito.
Labis natataranta si Revelorr pero kahit ngayon man ay nalalapit na rin mapuno ng purong dugo ang libingan.
Unti-unti ng nanlalabo ang mga mata ng deviant blood dahil sa pagkawala ng kaniyang dugo.
Sa nalalapit na pagtatapos ng orasyon ay biglaang pagsulpot ng isang bampira, si prinsipe Yzen.

BINABASA MO ANG
Deviant Blood
VampireGenre: Vampire/Fantasy Date Started: March 24, 2017 Date Finished: May 11, 2018