Kabanata 4

684 32 0
                                        

Serafia's POV

Nandito kami sa isang silid, dito muna kami pansamantala pinatuloy ng prinsipe habang patuloy ang paghahanap niya sa nagtataglay ng Deviant na ako lang nagtataglay.

Nakahiga ako sa higaan, kung kanina ay matigas ang aking hinihigaan, ngayon ay nasa isang napakalambot na kama.

This bed always feels more comfortable when I'm being forced to get out of it.

Madilim ang silid, tangging ilaw lamang ng lampara ang nabibigay ilaw. Hindi nakakapasok ang liwanag galing sa labas ng kaharian.

"Alam kong may nakita ka." napabangon ako sa akin pagkakahiga at tinuon ko ang aking tingin sa pinto. Mangkukulam "Ikaw lang ang nakakita sa mga bagay na hindi namin nakikita, Serafia.''

Nung una ay nagtaka ako, ngunit may isang pumasok sa utak ko na inalala ko. Ang paindre.

''Ang paindre na nakaukit sa mga pader matapos natin pumasok sa tarangkahan kanina lang.'' bulalas na sambit ko.

''Kung ganon, totoo nga ang bali-balita.''

''Balita? Anong balita?'' tanong ko.

''Balita, na mayroong paindre o nakaukit mula sa mga pader, ginawa iyon ng makapangyarihang bampira, si Dmytry, ang hari ng kahariang ito na ama ng prinsipe na sina Yzen at Silva." sagot niya.

"Bakit gumawa pa ang hari ng paindre kung hindi naman ito nakikita ng mga kapwa niya bampira?" ulit kong tanong.

"Dahil ang gusto niya ay ang mga anak niya mismo ang makatuklas sa bagay na iyon. Matuklasan nila gamit ang kapangyarihan nila, at kapag nalaman nila doon na nila malalaman kung ano ang natatagong kapangyarihan ng dalawang prinsipe."

Kapangyarihan?

Tumango na lang ako. Ano kaya ang natatagong kapangyarihan ng dalawang prinsipe?

Napatingin ako sa labas ng pinto nang tumawag kay Tiana, kawal na bampira. "Hinihintay na kayo ng mahal na prinsipe." napatingin naman ako kay Tiana na lumbas ng silid.

Naiwan na akong mag-isa sa silid na ito. Mahigit isang oras na ang lumipas ng lumabas si Tiana at ipinatawag siya ng prinsipe. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Dahil sa pagkabagot ko sa silid, nag-antay pa ako ng ilang sandali para lumabas. Binuksan ko ang pintuan at bumaba sa hagdan.

Walang bampirang nakabantay, ang ibabang palapag na ito ay napupuno ng mga maiitim at pulang kulay. Masyado ako naasiwa sa kulay dahil nakikita ko ito sa silid maging sa bawat palapag ng kastilyo.

Bababa na sana ako sa isa pang palapag ng may mahagip ang mata ko. Isang gintong pintuan, kakaiba ito.

Lumapit ako rito, para bang may nagtutulak sa akin papalapit sa kakaibang pintuan na ito. Nakalapit na ako sa gintong pintuan at saka ito hinawakan.

Napasinghab na lamang ako ng bigla itong bumukas. Tinakpan ko ang aking mata gamit ang aking braso dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa loob ng gintong pintuan.

Parang hinihigop ang aking kaluluwa. Nanlambot ang aking tuhod at napaluhod na lamang sa lapag.

What's happening to me? I feel weak. what's inside this golden door?

Malapit ng bumigay ang aking katawan. Mamamatay na ba ako? Shit! Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan Serafia? Hindi ko na talaga kaya.

''Fuck! This witch! She really want to die.'' narinig ko lamang ang boses ng prinsipe. Naramdaman ko na lamang na wala na ako sa lapag.

Napadilat ako na lamang ako saka tinignan kung sino ang nagbuhat sa akin. Ang mga mata ng alphang nag-aalala sa kalayan ko-nag-aala? Bakit? Hindi niya lamang ito pinahahalata. Pero nababasa ko sa mata niya ang emosyon.

"Matulog ka muna."alpha's said to me.

Pinilit kong iniling aking ulo, at pinulupot ko ang aking dalawang kamay sa kaniyang leeg para ako na ang kusang bumaba sa kaniyang bisig.

Napatingin na lamang ako sa prinsipe at sa alpha, yumuko ako sandali, "Salamat, kung hindi dahil sa inyo... baka namatay na ako sa loob."

"Talagang mamamatay ka, dahil hindi mo alam ang pasikot-sikot dito sa palasyo. Kaya huwag kang makialam sa mga gamit na narito." hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa sinabi ng prinsipe. Totoo naman, Dapat hindi muna ako nakialam sa mga bagay na narito.

"Patawad. Hindi ko po sinasadya, sa susunod po ay hindi ko na uulitin ang makielam pa."

"Dapat lang dahil ayokong may mamatay dito sa loob ng palasyo na mga panauhin ko." tumango na lamang ako at napatingin sa kanya, alam kong may gusto syang sabihin sa likod ng pinagsasabi niya.

Umiwas siya ng tingin sa akin at naglakad palabas. Sinundan ko na lamang sila ng tingin palabas. Ang mga mata ng prinsipe. May kakaiba sa matang iyon.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon