Kabanata 14

539 22 0
                                    

Third Person's POV

Nagpunta si Silva sa palasyo upang ipaalam sa kaniyang kuya ang nagaganap na propesiya at ipaalam din sa kanila na buhay siya. Lingid sa kaalaman niya na may mga demon na sumalakay sa tagong lugar kung saan naroon ang dalaga at ang makapangyarihang mangkukulam.

Napabalikwas agad ng bangon ang dalaga dahil sa mga naririnig niyang mga ingay mula sa labas na animo'y nagkakagulo.

"Anong nangyayari?" bulaslas niya. Agad siyang lumabas ng silid. Hindi pa man nakakarating sa kinaroroonan ay agad siyang tumilapon sa pader dahil kahindik hindik na pagsabog na pumasok mula sa loob. Napatingin siya sa malaking butas ng pader.

Nakita niya ang makapangyarihang mangkukulam na si Urbhina na nakikipaglaban sa demon. Napakagaling nitong humawak ng espada at tansiyado niya ang kaniyang kinilos, hindi lamang siya makapangyarihan bagkos hindi niya hinahayaang makapanira ang mga ito.

Sana'y maging katulad ko siya, saad sa kaniyang isipan.

Tumayo ang dalaga, at lumabas sa malaking butas upang labanan ang mga demon.

Hindi lang ako basta na lang tatayo rito, kailangan ko rin patunayan ang sarili ko na kaya kong protektahan ang sarili ko na walang tulong iba, saad niya sa kaniyang isipan.

Agad inatake ng dalaga ang isang demon na papalapit kay Urbhina gamit ang kapangyarihan ng hangin, gumawa ito 'air ball'.

Napatingin naman sa kaniya ang lahat ng demon, biglang may lumapit sa kaniyang harapan, na ikinagulat niya.

Nakangisi naman ang kaharap niya. "Ikaw. Ikaw ang hinahanap namin, hahaha! Sa wakas!"

Agad niyang hinawakan ang magkabilang braso ng dalaga upang hindi ito makawala. Sinubukan ng dalaga na siya'y makawala, kaya ay agad naman siyang nabitawan dahil may spell na bumalot sa katawan niya.

"Hindi niyo ulit siya makukuha sa akin! Hindi ko kayo hahayaan!" galit na sambit ng mangkukulam. Napatingin naman ang dalaga kay Urbhina na siyang may kagagawan sa demonyo. Pagtataka na agad ang mababasa sa mukha ng dalaga.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ng dalaga kay Urbhina ngunit hindi nito pinansin ang tanong ng dalaga. Humarap lang ito sa demonyo na nakangising tumayo na nakatingin kay Urbhina.

"Kahit anong pagproprotekta ang gawin niyo sa kaniya. Hindi-hindi niyo parin mababago ang nakasaad sa propesiya na kami ang mananaig... kami ang maghahari! At magagawa naming makuha ang dugo mula sa kaniya! Hahaha! Bakit kami ang mananaig? Dahil sa mundong ito ay punong-puno na ng masasamang nilalang kahit pa sa ibang mundo na magiging kasangga namin laban sa mga mabubuting kagaya niyo. At kapag nakuha ko ang dugo mula sa kaniya ay mahihigitan ko pa ang walang hanggang kapangyarihan na tatapos sa inyo!"

Napahigpit na lang ang hawak ni Urbhina sa kaniyang espada. "Hindi kayo magtatagumpay! Hindi kaylanman mananaig ang masasama laban sa kabutihan!"

Sumugod si Urbhina sa isang pinuno ng demonyo.

Mabilis ang pagsalag ng demonyo sa mga tinitira ni Urbhina. Tila hindi ito nahihirapan na kalabanin ang makapangyarihang mangkukulam. Isang napakalas na suntok ang pinakawalan ng demonyo upang tumilapon siya.

Matinding galit ang bumalot sa kaloob-looban ni Urbhina dahil lamang sa hindi nito magawang masugatan o masaktan ang demonyo.

"Hahaha! Mahina ka parin Urbhina. Kung ako lang sana ang pinili mong mahalin, hindi kita magagawang saktan... noon o kahit ngayon."

Payak na tawa ang binigay ni Urbhina. "Matagal mo na akong sinaktan... ibinigay ko ang pagmamahal ko para sayo, ang tiwala ko! Pero ni hindi mo ako nagawang pakinggan! Nang dahil sayo nawala ang ating anak!"

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon