Mabilis ang kaniyang pagtakbo upang hindi siya abutan ng diyos na si Limous. Batid niyang gagawa ito ng paraan upang mahanap siyang muli, isa siyang diyos, walang imposible mahahanap at mahahanap siya nito.
Isang malakas na hampas ang nagpabalibag sa kaniya, hindi niya ito ininda. Iniharang niya ang kaniyang kamay katapat ng kaniyang mukha upang makagawa ng panangga para hindi magiging malakas ang tatama sa kaniya kung anuman ang nasa likuran niya.
Isang mahinang daing ang naibulaslas ni Urbhina dahil sa pagtama sa isang matandang puno at malakas na bumagsak sa lupa.
Namilipit man ito sa sakit ay tumingin siya sa kinaroroonan ng isang babae. Napangisi na lamang siya at maingat na tumayo.
"Hanggang dito pa naman ay sinusundan mo ako?" nakangising sambit nito sa babae.
"Nagkataon lamang na nakita kita dito, makapangyarihang mangkukulam." sambit ng babae na nakangisi rin.
"Wala akong balak na kalabanin ka ngayon, Cadeza... huwag ngayon."madiin ang pagkakasabi niyang iyon upang mawala ang nakakalokong ngisi nito. Alam nitong kahit kalabanin man niya ito ay wala pa rin siyang laban rito. Si Urbhina ang nangunguna pagdating sa paggamit ng malalakas na salamangka, kung tutuusin ay hindi ito kabilang sa sampu sa mga listahan kaya naman labis ang ingit niya rito.
"Asan si Limous?" napakunot naman ang noo niya sa tanong ni Cadeza.
"Bakit mo siya hinahanap?" salubong na kilay na sambit niya.
Hindi intensiyon ni Cadeza ang itanong ang bagay na iyon lalo pa't magtataka ito kung ano ang kuneksyon niya kay Limous, ngunit kung ngayon ay hindi niya ito kasama wala naring saysay ang kanilang plano.
"Nasaan siya, Urbhina?"
"Anong kailangan mo sa kaniya?"
"Wala akong kailangan sa kaniya, ikaw ang may kailangan sa kaniya."
Napuno naman ang pagtataka sa kaniya. Habang si Cadeza ay marahan lamang na nakatitig sa kaniya.
"Kailangan?"
"Kailangan mo siya, Urbhina. Kung ayaw mong mapatay ang iyong anak."
Muling naningkit ang mga mata ni Urbhina, sa kadahilanang nais nilang paslangin ang kaniyang anak. Hindi na siyang nag-atubiling ihanda ang sarili niya kung may tangkamang susugurin siya nito.
"Ano ba ang kailangan mo!? Kung nais mong patayin ang aking anak, hindi kita papayagang mangyari 'yon. Dadaan ka muna sa aking salamangka."
Itinaas ni Cadeza ang kaniyang kamay at tumawa ng pailing. "Hindi naming intensiyong patayin ang iyong dinadala, kahit na halimaw ang nasa loob niyan. Nais ka naming tulungan. Nais ka 'niyang' tulungan."
Napakunot naman ang noo ni Urbhina sa pagtatakang may iba pang kasama si Cadeza at sa pagtulong sa kaniya. At klaseng tulong iyon.
Mabilis na lumapit si Cadeza na nagpabalik ng ulirat ni Urbhina. Hindi niya namalayang nakalapit na ito. Hinawakan nito ang kaniyang tiyan, pinagmasdan niya lamang ang kamay nito at nagtanong.
"Anong tulong ang sinasabi mo? At sinong nasa likod ng pagtulong na ito? Alam kong hindi mo gagawin ang bagay na ito, kung walang nagtulak sayo." sambit niya. Alam niyang hindi nito gagawin ang isang bagay walang nag-utos sa kaniya dahil sa katagalan na labis ang pagkakaingit nito kay Urbhina ay isinusumpa na ito sa kaniyang isipan.
Natawa na lamang si Cadeza na ano may kilalang-kilala na siya nito at agad na binawi ang kamay sa tiyan nito. Sino ba namang ang hindi tatangihan ang isang diyos.
"Tama ka. Ginagawa ko rin ito para sa ikabubuti ng lahat. Kaya naman kailangan mo ang diyos na si Limous para mabigyan ng ritwal ang iyong anak."
"Si Limous? Kung ganoon siya ang nagtulak sayo para gawin ito?"
Tumango lamang ito sa tanong ni Urbhina. "Oo."
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Nakasaad sa propesiya na ang lalabas sa iyong sinapupunan ay ang magdadala ng kamalasan sa mundong ito. Isang napakalakas na halimaw." pikit matang umiling si Urbhina sa sinasabi ni Cadeza na hindi sa pagkakakalang totoo ang sinasabi nito, nagsisinungaling lang ito.
"Manahimik kana! Ayoko nang marinig 'yang sinabi mo! Hindi halimaw ang aking anak."
*************
Sorry natagalan ng update :( nasira kasi phone ko. Ngayon lang naayos kaya sorry huhuhu. At nakalimutan yung mga scene kaya magbaback read ako ulit :) alam kong sawang-sawa kana pero thank you parin sa pagpapatuloy mong pagbabasa :) at nag-antay... thanks a lot.Short UD...

BINABASA MO ANG
Deviant Blood
VampireGenre: Vampire/Fantasy Date Started: March 24, 2017 Date Finished: May 11, 2018