Kabanata 10

519 23 3
                                    

Serafia's POV

“ito ba? Nakuha ko ito mula sayo.” naningkit ang aking mata sa sinabi niya, wala akong maalala na sa akin ang bagay na iyan.

“At paano mo naman nakuha ang bagay na iyan mula sa akin?”

“Hindi mo na kailangan pang malaman.”

Lumapit siya at pumantay sa akin, Hinawakan niya ang aking panga. “sa akin lang ang dugo mo, akin lang.” at marahas niya akong binitawan.

Masama ko siyang tinignan. Hindi ko inalala ang takot na aking nararamdam, mas tinatagan ko ang aking loob upang magsalita. “Bakit hindi mo na lang ako patayin?” bulaslas ko.

Nginisian niya ako, “Darating din ang na araw na iyan.” hinawakan niya ang aking braso at itinayo, at ako’y hinila.

Napatingin ako sa kaniya, “Saan mo ako dadalhin?” natataranta kong tanong. Papatayin niya na ba ako? Tumingin siya sa akin at ako’y nginisihan. “Sa aking tuluyan.”

Kanina pa kaming naglalakad, wala pa rin kami sa sinasabi niyang tuluyan. The  hell! Ang sakit na ng mga binti ko. Malayo layo na rin ang aming nilakad at itong bampirang ito, wala manlang kapaguran.

Ang laki kasi ng hakbang niya kaya nahirapan din akong habulin. Ang malala pa nito ay hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko simula kanina. Ang kamay niya mismo ang nagtutulak sa akin upang pabilisin ang lakad.

“Saan ba ang sinasabi mong tuluyan?” tanong ko.

Napatingin ako sa langit ng maramdaman kong may pumapatak, tubig? Ulan? “Shit!” napatingin ako sa sa kaniya, bawat patak ng ulan sa kaniyang katawan ay nag-uusok.

Mabilis siyang naghanap ng masisilungan, at iyon nakita niya ang kweba. Agad niya akong hinila. Pagkapasok ay agad niya akong binitawan, at mabilis dna tinanggal ang kasuotan.

Napatingin ako sa kaniyang sa kaniyang katawan, may paso. Ang mga bampira ay takot sa tubig lalong-lalo na sa ulan dahil nasusunog ang katawan nila at mahirap maghilom. “Matagal maghilom ang iyong mga paso, kaya hayaan mo akong gamutin kita.”

Napatingin naman ito sa akin, at hindi umimik. Lumapit na lamang ako sa kaniya. Ngayon ay magagamit ko na ang matagal ko nang naitatago. Itinapat ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib at—

Natulala na lamang ako ng bigla kong naalala, may pagkakataon na akong na akong tumakas. Napatingin ako sa kaniya, at nakatitig siya sa ginagawa ko. Ay mali! Sa akin siya nakatitig.

“Ma-ma-may problema ba?” nauutal kong tanong.

Kumunot ang kaniyang noo, at umiwas ng tingin. “Ha? Wa-wala.” tumingin siya sa akin. “Tanggalin mo na ang kamay mo sa aking dibdib.” napatingin naman ako sa kaniyang dibdib at lumunok. Nakahawak pala ang aking kamay sa kaniyang dibdib.

Agad ko itong binawi, nagwawala ang puso ko sa kaba.

Ano ba Serafia? Pagkakataon mo ng tumakas!

Mabilis na sana akong tatayo ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nakita ng sulok ng mata ko na ngumisi siya. “Trying to escape from me?” napalunok na lamang ako, at hindi nag-salita. What now?

“iniisip mong makakatakas ka sa akin ganon ba?” tumingin ako sa kaniya, iniling ko ang aking ulo, “Hi-hindi.” iniling na lamang niya ang kaniyang ulo. “Your lying to me. Okay then.”

Napasinghab na lamang ako, may kadena sa katawan ko. How? Paano? Paanong nagkaroon ng kadena? Napatingin na lamang ako sa bampirang nasa harapan ko, at masama ko siyang tinignan.

Nginisihan lamang ako nito. Nakakainis! Naiinis na ako sa kaniya! Iwinasiwas niya ang kaniyang kamay para dumikit ako sa pader. “What the hell! Bakit kailangan mo pa akong ikadena?!” sigaw ko habang nagpupumiglas. Wala na talaga akong takas sa bampirang ito.

Iniling lamang niya ang ulo at muli akong nginisihan, “Ang akala ko’y pagagalingin mo ang paso ko? Hindi mo naman ito tinuloy. Kaya magtiis ka muna diyan.”

“Sinabi ng hindi ako tatakas.”

“Patunayan mo.” nanghahamon ba siya? Nairap na lamang ako sa kaniya. “At paano ko naman papatunayan kung nakakadena ako ng sarili mong kapangyarihan?”

“Madali lang naman, huwag ka na lamang magpumiglas sa aking kadena dahil hindi ka naman talaga makakatakas.”

Tumahimik na lamang ako, wala naman akong magagawa kung makipagtalas-tasan ako sa kaniya. Hindi pa rin ako makakatakas sa kaniya. Kung hindi lamang niya hawak ang kahinaan ko malamang ay hindi ko siya kasama, wala ako dito.

Pinagsisisihan ko na lumabas pa ako sa palasyo.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon