Kabanata 9

573 26 0
                                    

Serafia's POV

Napamulat ang aking mata ng may marinig akong katok sa pinto, tumayo ako at pinagbuksan ito. Sumalubong sa akin ang nakangiting alpha.

“Nagambala ba kita sa iyong pagtulog, binibini?” napansin niyang nagigising ko lang dahil hindi ako nakaayos.

“Hindi naman alpha—ah! Ano nga  palang ginagawa mo rito? Nakakahiya dahil hindi pa ako naka-ayos.” nakangiti lamang siyang nakatingin sa akin, “Maganda ka pa ’rin, kahit hindi naka-ayos.” napangiti na lamang ako nakatingin sa kaniya, “Sa-salamat.”

“ano nga palang ginagawa mo rito, alpha? May kailangan ka ba?” ulit kong tanong.

Ang hilig niyang ngumiti, “Wala naman, may gusto lamang akong tanungin.”

“Ano iyon?”

“May napansin ka bang kakaiba... kinagabihan? Wala bang umatake sa iyo rito?”

Nagtataka akong napatingin sa kaniya. May nangyari ba? “Wala naman, bakit mo naman natanong iyan?”

“Sigurado ka?” tumango ako. “May nangyari ba, alpha?” iniling lamang niya ang kaniyang ulo, “Wala. Gusto ko lamang alamin ang iyong kalagayan. Paumanhin, kung nagising man kita. Oh siya! Aalis na ako.” tumango ako. Nag-aalala ba siya?

Nang maayos ko na ang aking sarili, bumaba na ako sa isang palapag. Iniiwasan kong tignan ang gintong pintuan, may nagtutulak pa ’rin sa akin na pumasok sa loob ng pintong iyon. At hindi ko pa ’rin nakakalimutan ang nangyari sa akin sa loob.

Hindi ako nagpatinag, at nagmadali na lamang akong bumaba sa isa pang-palapag.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito, gustuhin ko man umalis, pero wala ang aking kasama. Nasaan ba siya?

Lumapit ako sa isang kawal, “Maaari bang magtanong?” tumingin lamang ito sa akin, hindi lamang ako pinansin. Bawal bang magtanong?

Lumapit pa ako sa isang kawal sa kabila, “maari bang magtanong? Pansinin mo naman ako, paki-usap?”

“Ano ang itatanong mo, binibini?”

“Gusto ko lamang malaman kung nasaan ang aking kasama. Nakita mo ba siya?”

“Kasama siya ng prinsipe sa mundo ng mga mortal.”

“A-ano ang gagawin ng prinsipe doon at isinama niya ang mangkukulam na aking kasama?”

“Upang hanapin ang purong dugo.”

Purong dugo? Tumingin ako sa kawal at pilit na ngumiti, “Salamat.” kung ganon, isinama ng prinsipe si Tiana upang hanapin ang purong dugo. Mabuti na lamang ay hindi pa ako nagtungo roon.

Hindi pa rin dapat ako makampante, maari pa rin mapahamak ang buhay ko lalo na’t napapaligiran ako ng mga bampira.

Umalis na ako sa harapang ng kawal at nagtungo sa labas, katulad ng unang nagtungo kami rito, nakikita ko ang mga paindre.

Naglakad ako patungo sa tarangkahan, lumapit ako sa maliit na pintuan at doon dumaan.

Nagtago ako upang hindi ako mapansin ng mga bampirang taga-bantay. At nagawa kong makalabas.

Nagtungo lamang ako sa kagubatan, may nakita akong lawa mula sa dulo noong nagpunta ako rito, sa tulong din ng aking kapangyarihan ay nagawa kong maka-balik agad at makahanap ng sangkap upang makagawa ng gayuma.

Sandali akong umupo sa may batuhan, agad ’rin napatayo ng may marinig akong kaluskos mula sa aking gilid. Mabilis ang galaw at paikot-ikot lamang siya.

Naramdaman ko na lang na may sumakal sa akin gamit ang braso. Mahigpit ang pagkakasal nito sa akin, “Naalala mo pa ako? Deviant blood.” ang boses na iyon, alam kong patay na siya. Pinatay na siya ni Tiana.

“hindi ako ganon kadaling mapatay, at sa palasyo ng aking kapatid ka nagtatago.” Isa siyang  prinsipe? Hindi maari kailangan ko ng tumakas.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niya, ngunit nabigo ako. “I-i-kaw si Sil-va-va.” pinilit kong magsalita kahit nahirapan na akong huminga, kailangan ko na sigurong gamitin ang natatago kong kapangyarihan, upang makatakas.

“Oo! Ako nga, Deviant blood. At huwag na huwag mo sa akin gagamitin ang iyong kapangyarihan... kung ayaw gamitin sayo ito.” ipinakita niya sa akin ang boteng naglalaman ng puting-usok.

“Pa-paano mo nakuha yan?” kahinaan ng mangkukulam, ang kahinaan ko, dahil may dugo akong mangkukulam, maapektuhan ’rin ang katawan ko sa oras na gamitin niya. Matinding pananakit ang katumbas ng usok na nasa boteng hawak niya.

Binalibag niya ako sa lapag, dahilan upang mawala ang pagkakasal niya. Napahawak na lamang ako sa lupa. Napaubo at naghabol ng hininga.

Nang makabawi ay napatingin ako sa kaniya, nakangisi namang siyang nakatingin sa akin. Isa siyang hangal.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon