Kabanata 16

497 21 5
                                    

Third Person's POV

Pagkalabas ng silid ng dalawa, isang sakal ang tinanggap ni Yzen sa kaniyang kapatid, at mariin itong sinundaan ng matalim na tingin.

"Huwag na huwag mo siyang gagalawin." saad ni Silva sa kaniyang kuya.

Napangisi naman ang kaniyang kuya kaya mas diniin pa ang braso niya sa leeg nito. Hindi lang iyan, lumabas ang pula niyang mata at pangil dahil sa galit.

"Sa oras na galawin mo siya. Ako ang makakalaban mo, kuya." nagtitimping sambit niya rito. Isang ngisi parin ang ibinigay nito sa kaniya na para bang nasisiyahan sa pakikipaglaro sa kaniyang kapatid.

"Baka nakakalimutan mo kapatid ko na wala kang laban sa akin." nakakalokong sambit ni nito sa kaniya. Uminit naman lalo ang dugo ni Silva sa sinambit ng kaniyang kuya, oo nga't wala siyang laban dito pero handa siyang mamatay para mapangalagaan ang babaeng mahal kaya gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ang dalaga.

Walang kahirap-hirap na tinanggal ni Yzen ang nakasakal na braso sa kaniyang leeg, natawa na lang siya sa isipan niya at napailing.

"Hindi ka parin nagbabago kapatid ko, mahina ka pa rin, hindi mo siya kayang protektahan." tila isang plaka na paulit-ulit na pumasok sa isip niya ang sinabi ng kaniyang kuya, nagpupuyos na ito sa  galit na handang sumakmal ano mang oras.

Nandilim ang kaniyang paningin, hindi na niya napansin na nakaalis na ang pala kaniyang kuya.  Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid. Sa kadahilanan nagawa nitong sugurin na kung sino man ang lumabas sa silid.

"S-s-silva." natauhan siya sa kaniyang narinig, sa boses na tila isang pagpapakalma ang kaniyang narinig. Unti-unti ng bumalik sa normal ang kulay ng kaniyang mata at dalawang pangil. Napatingin siya mga mata ng kaniyang kaharap, sakit at galit ang nababasa nito sa kaniya... ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na niya ito sasaktan, ngunit ngayon ay nabasag na, basag na ang pangakong iyon mula sa kaniya. Mabilis niyang binitawan ang leeg ng dalaga, at mariing pumikit. Narinig niyang napaubo ang dalaga.

"Fuck! Damn! I hate this!" nagtitimping mura niya. Napatingin naman siya sa dalaga na nakatitig sa kaniya. Lumapit siya rito at lumuhod para magkapantay silang dalawa. Hinawakan nito ang makabilang pisngi ng dalaga, idinikit nito ang noo niya sa noo ng dalaga "Damn! I'm sorry. I really sorry. Sorry. Sorry." may ninanakit na sambit niya rito. Napakurap naman ang dalaga, nagtataka sa ikinikos ng prinsipe. Batid niyang walang pakealam ang prinsipeng ito sa kaniya. "I'm sorry." kahit pabulong lang iyong huling ni Silva ay dinig na dinig niya, sa hindi malamang kadahilanan nakaramdam ng pananakit ang dalaga, pananakit mula sa dibdib ng makita niyang nagsisisi ang binata dahil sa sinaktan siya nito. "A-ayos lang." sambit ng dalaga.

Napamulat naman si Silva sa narinig niya. Napalunok naman siyang nakatingin sa bandang leeg nito, pinigilan niya ang kaniyang sariling kagatin ang leeg ng dalaga. Inalis na lang niya ang tingin at nakangiting humarap sa dalaga.

Lumakas naman ang kabog ng dibdib ng dalaga tila hindi na ito makahinga dahil sa hatid ng ngiti ng isang prinsipe. B-bakit ganito ang nararamdaman ko?, saad niya sa kaniyang isipan.

"Pinapatawad mo na ako?" nakangiting napatango ang dalaga kay Silva. Nabigla siya ng lakapin siya nito, hindi niya talaga maiwasan ang nararamdaman niya kapag sobrang lapit na ng binata sa kaniya.

Hinagkan niya rin ito ng isang yakap. Ilang segundo ay binitawan na nila ang isat-isa. Itinayo naman ni Silva ang dalaga, ang dalaga naman ay hindi na nagpabigat para mabughat ito ni Silva at ipinasok sa loob ng silid.

"Kailangan mo munang magpahinga, hindi pa ang magaling ang sugat mo." sambit niya sa dalaga. Napatingin naman siya rito, ang kaninang maayos na mukha ay napalitan ng ngiwi ng dalaga. Natigilan naman agad siya. Bahagyang lumabas ang kaniyang pangil at pagpula ng mata. Amoy na amoy niya ang halimuyak na nanggagaling sa dugo ng dalaga, kinontrol niya ang sarili niya para hindi masaktan ito.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon