Kabanata 5

701 32 0
                                    

Serafia' POV

Hindi ko akalain na may natatagong ganda ang likod ng palasyo ito, malayong malayo sa unang pagpasok namin sa kastilyo. Ang isang napakagandang hardin, hindi ko akalain na magugustuhan ng mga bampira na maglagay ng ganito kagandang hardin. Ang akala ko ay sa isang madilim lang nila gugustuhing manatili.

Naglakad ako papalapit sa isang puno at sumandal, pinagmamasdan ko lamang ang mga makukulay na paru-parong lumilipad na dumadapo sa mga bulaklak.

May naramdaman ako gumagalaw sa aking balikat, napatingin na lamang ako. Isang paru-paru. Napangiti na lamang ako ng mapait. Ang ala-alang ’yon.

"Ina! May nahuli akong maliit na lumilipad." napatingin naman si ina sa akin at ako’y nginitian.

Lumapit sa akin si ina atsaka tinignan ang hawak ko sa isang bolang hangin na nasa loob nito ang paru-paro, "Wala bang nakakita sayo, anak?’" iniling ko ang ulo ko at ngumiti. "Wala po, ina."

Napatingin siya sa aking kamay, ikinumpastas niya ang kaniyang kamay dahilan para makatakas ang maliit na lumilipad.

Napanguso na lamang ako, "Ina, bakit mo po pinakawalan?" tinignan lamang ako ni ina at hinila pabalik sa aming kubo.

"Dahil kailangan niyang maging malaya," muli akong napatingin kay ina, ang mga matang nag-aalala. Hinawakan ni ina ang aking dalawang kamay at pumantay sa akin, dahil isa lamang akong musmos, "makinig ka sa akin, anak. Kahit anong mangyari... huwag na huwag mong gagamitin ang tunay mong kapangyarihan, kapag marami ang nakapaligid. Gamitin mo lamang ang itinuro ko sa iyo, ang paggamit ng baybay na salita."

"Bakit po, ina? May mangyayari po  ba sa akin?" tanong ko.

"Makinig ka na lamang sa akin, Serafia."

Aaminin ko natakot ako sa tinuran ni ina, hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko dahil isa lamang akong musmos noon. Ngayon naiintindihan ko na. Inililigtas lamang ako ni ina sa kapahamakan na mangyayari sa akin, dala ng aking kapangyarihan at ang dugong nananalaytay sa aking mga ugat.

Inangat ko ang aking mga kamay, hindi ito masyadong mataas, at tiningala ang aking ulo. "Gusto man kitang gamitin, ngunit hindi maaari. Hindi pa sa ngayon. Alam kong gustong-gusto mong lumabas mula sa aking katawan, alam kong may buhay ka rin, at tungkulin mong sundin ang nagmamay-ari sayo."

"What are you doing here?" napatingin ako sa likod ng marinig ko ang boses ng alpha. Tumayo ako sa aking pagkakasandal, at nagbigay galang.

"Nagpapahinga po, alpha—"

"Sen," nalito akong napatingin sa alpha. "Sen nalang ang itawag mo sa akin, at pwede bang tanggalin mo ang po, halos magkasing-edad lamang siguro tayo." napangiti ako, nahihiya pa akong tawagin ang tunay niyang pangalan.

"Ilang taon kana?" nakangiting tanong ni Sen.

"Labing-pitong taon, al— Sen." tumango lamang siyang nakatingin sa akin at naglakad sa punong sinandalan ko.

Hinawakan niya ang katawan ng puno, "Nakakapagtaka, hindi ka tinaboy ng mga punong ito."

"Anong ibig mong sabihin?" napatingin siya sa akin, "Tinanim ng prinsipe ang punong ito, upang pangalagaan ang hardin sa kung sino mang hindi kilalang nilalang." lumapit siya sa akin at ngumiti, "napasuwerte mo naman, binibini. Sabihin mo nga sa akin... nagkakilala na ba kayo ng prinsipe... noon?"

Iniling ko lamang ang aking ulo, ‘‘Wala akong maalala na nagkakilala kami ng prinsipe, at ngayon ko lamang siya nakita."

"Ganon ba?"tumatango niyang sambit, "ah! Hindi ba’t isang kang magkukulam? Maari bang humingi ng pabor ang isang alpha?"

"Sabihin mo lang basta’t yung kakayanin ko." nakangiti kong sambit.

"Maari bang gawan mo ako ng isang love potion?" marahan akong nakatingin sa kanya, "Magpapa-ibig ka ng isang babae?" natawa lamang siya sa tanong, hindi ako nagbibiro! "pasensiya na alpha, hindi ako maaring gumawa ng isang gayuma kung hindi ito mahalaga."

"Alam ko." ang bawat tawa niya, para bang may nararamdaman ako sa loob ko na hindi ko kayang ipaliwanag. Masaya, oo! Dahil may napapatawa akong isang alpha at siya mismo ang lumapit sa akin.

Komportable.

Salitang nabuo sa aking isipan. "gusto ko lamang gamitin sa prinsipe, gusto kong masilayan kung paano umibig ang isang prinsipe, gamit ang gayuma." nakangiting sambit niya.

"At saan mo naman ito, pa-iibigin?"

"Sa isang taga-silbi. Matagal na siyang may pagtingin sa prinsipe."

"Ipapahamak mo lang siya sa oras na mawalan ng bisa ang gayuma, maging tayo rin. Sa tingin mo ba mapapatawad tayo ng prinsipe sa oras na malaman niya na pina-ibig natin siya sa isang taga-silbi?"

Natahimik na lamang siya.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon