Kabanata 13

498 22 0
                                    

Serafia's POV

Lumipas ang mga araw. Puro pagsasanay lang ang aming gagawin. Hindi ko na maiintindihan ang mga kinilos ni Silva ng mga nakaraang araw.

Lagi siyang may galit. Kapag hindi ko pinapansin, panay ang isulto niya sa akin. At nung kami'y naglaban laban ang aming kapangyarihan sinasadya na saktan ako. Halos magalit si Urbhina sa nakita niyang halos ikamatay ko ang nangyari at mabuti na lang binigyan niya ako ng proteksiyon para hindi maamoy ng bampira ang aking dugo.

Bumuntong hininga nalang ako, "Galit ako sa kaniya." mabuti na lang maayos na ang mga sugat ko.

Napalingon ako sa pinto ng silid ng ito ay magbukas, si Silva. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa higaan. "Ito ang aking silid."

Katahimikan ang bumalot sa silid, walang may balak na magsalita mula sa amin.

"Maayos na ba ang lagay mo?" sabi niya.

Tumango lang ako bilang tugon.

"I'm sorry."

Hindi ko siya pinansin.

"Hey, I said I'm sorry."

Hindi ko ulit siya pinansin, ako'y yumuko na lang.

Naramdaman ko na wala na siya sa aking hinihigaan. Kaya napalingon ako sa aking gilid.

Nanlaki ang aking mata na nasa likod ko siya. Nararamdaman ko ang kaniyang hinga sa aking batok.

"I'm sorry."

Humarap ako sa kaniya at ngumiti atsaka tumulo ang butil ng aking luha na agad ko naman pinunasan.

"Gaano ba kalaki ang galit mo sa akin para ako'y pahirapan mo? Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sayo para saktan ako?"

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming tensyon. Nasasaktan na ako. Ito na ba ang propesiya? Nag-uumpisa na ba?

Tuluyan na akong humagulgol. Wala siyang nagawa para yakapin ako. Hindi ito si Silva. Kakaibang Silva ang kaharap ko ngayon. Hindi ganito ang ugali niya.

"I'm sorry. Patawad kung sinaktan kita. Patawad."

Yumakap rin ako pabalik. Ito ang kailangan ko ngayon ang masasandalan.

**********
Silva's POV

Hindi ko gustong saktan siya, ang gusto ko lang mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil tuluyan na akong nahuhulog sa babaeng ito.

Kapag nangyari iyon hindi ko na maitutuloy ang pakay ko sa kaniya at sa kaniyang ina.

Nang nakita kong tumulo ang butil ng luha niya. Alam kong nasasaktan siya at hindi ko rin mapigilan ang masaktan sa nakikita ko.

How can i kill this woman? Kung sa simpleng pagtulo palang ng luha niya ay ayaw kong makita.

How can i kill this woman? Kung ang simpleng patayin siya ay hindi ko magawa.

Tell me! How can i kill this beautiful witch-goddess?

Naramdaman ko na unti-unti bumibigat ang ulo niya sa aking balikat kaya naman tumingin ako sa kaniya.

Napangiti na lang ako.

Kinuha ko ang katawan niya para mabuhat ko siya at ihiga sa kama.

Pinunasan ko ang luha niya.

Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha.

Napalunok na lamang ako at pumikit.

Naramdaman ko na dumampi ang aking labi sa kaniyang napakalambot na labi.

Dumilat ako, binawi ko ang aking ulo at bumulong.

"Simula paggising mo. Gusto kong kalimutan mo ang pagpapahirap at pananakit na ginawa ko sayo. Dahil ang simula na iyon ay ang simula ng pagbabago ko para sayo."

*********
Note: Hi readers! This is it. Malapit na matapos ang story na ito. Hahabaan ko na ang mga chapter. At hindi ko nailalagay ang walang kuwentang scene ko hahaha! Mga 9 chapter or more than that.

Vote and comment.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon