Kabanata 2

804 36 1
                                    

Serafia's POV

Napamulat ang aking mata sa hindi ko inaasahang may isang maliit na dragon sa aking harapan.

Napatili ako at bumangon sa pagkakahiga. "Sino ’yan?!"

"Siya si Drahul, ang aking alaga."

Napatingin ako sa pinto ng silid at nakita ko ang babaeng kasing-edad ko lang; hindi ko maipagkakaila na maganda s’ya ngunit mas maganda ako, hindi naman sa nagmamayabang ako.

Sandali! Saan s’ya galing?

"Sino ka!?" napakunot ang noo ko ng mahina siyang tumawa.

Iniling n’ya ang ulo niya at nakangiting nakatingin sa ’kin. "Hindi mo na ba ako nakikilala? Nung gabi lang ay magkausap tayo." natulala ako sa sinabi niya. Magka-usap? Napatitig ako sa mukha siya. Nalaman ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Paano kayo naging— sino ang babaing ’yan?" sambit ko habang nakaturo ang hintuturo sa kanyang mukha n’ya.

"Ako ito nung kabataan ko, hindi ba’t napakaganda ko." mapangasar na tanong nito.

Natawa na lamang ako sa tanong nito. May kahanginan din pala ang mangkukulam na ito.

"Halika’t kumain na." tumango ako at sumunod sa kanya. Nakita ko ang mga nakahain sa mesa. Ang mga pagkain na ito ay gawa lang sa mahika. "Maupo ka." sinunod ko ang sinabi niya.

Matapos naming kumain.

Ipinikit namin ang aming mga mata, at sabay naming binigkas ang "Cytrosiles" ginagamit ito kapag may gustong puntahan gamit ’lang ang aming isipan.

Naramdaman ko malakas na hangin na tumama sa mukha ko kaya napamulat ako ng mata.

Nagkatinginan kami at tumingin sa harapan, maraming pamilihan at sa pinakadulo nito ay may isang kastilyo, napakalaki nito.

"Dito lang tayo dinala ng kapangyarihan ko, ang lugar na ito ay nababalutan ’din ng mahika." kailangan pala naming lakarin pababa sa bundok na kinalalagyan namin.

Naglakad na pababa ang aking kasama kaya naman ay sinundan ko na rin s’ya pababa.

Naiilang ako sa lahat ng mga bampira na nakatitig sa amin, ang lahat ng may ginagawa ay napatigil ’din.

"Sino sila?" rinig kong sabi ng babae.

'Mga dayuhan! Ipatawag ang mahal na prinsipe at sabihing may hindi kilalang mga babaeng dayuhan sa ating lugar!" tinig iyon ng isang lalake.

Mariin kong tinignan ang aking kasama. Iniling lang n’ya ang kanyang ulo.

Hahayaan niya lang ba na mahuli kami?

"Tigil!" napahinto kami sa aming paglalakad at tinignan ang sumigaw. Lumapit ito sa aming harapan "Sino kayo?! Ano ang kailangan n’yo?"

Nabalot ng katahimikan ang buong pamilihan, sa mga titig pa lang nila ay may hinihintay na mag salita ang isa sa amin. Maski ako ay hindi ko alam ang sasabihin.

Narinig kong tumikhim ang aking kasama, kaya napatingin ako sa kanyang gagawin, "Wala kaming intensiyon na manggulo, kaya’t maari ba na paraanin kami ng aking kasama?’’

"Hindi maari! Lalo na’t hindi namin kayo kilala. Makakadaan lang kayo kung sasabihin n’yo kung sino kayo at anong kailangan n’yo." napatititig na lamang ako sa lalaking nasa harapan.

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita "Ako si Serafia, at ang aking kasama ay si..." napatingin ako sa aking kasama.

Bakit ba hindi ko natanong ang pangalan niya kanina.

"Ako si Tiana, narito kami upang bisitahin ang aming kaibigan na si Urbhina." naguguluhan ako napatingin sa aking kasama na si Tiana, dahil sa pagsisinungaling nito.

Mariin n’ya akong tinignan at na sinasabi nitong sumabay na lang ako sa pagsisinungaling niya.

"Nandito kami para bisitahin ang kaibigan naming si Urbhina. Kaya’t maari ba na paraanin kami?"

"Califtre! Nandito ang mga werewolves." napamiglat nalang ako sa aking narinig na sigaw. Werewolves?

"What’s happening here?" napaharap ang lahat sa lalaking nagsalita sa likuran, maliban sa amin ni Tiana

"Alpha Sen!? Anong ginagwa niyo rito?’’ ang lalaking kaharap namin kanina ay mabilis na nawala sa harapan namin. Kaya napatingin na rin kami sa likuran.

Nakuha ng aking pansin ang lalaking tinawag na Alpha, may mga kasama ito. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kaniyang napakisig na katawan at maamong mukha.

"Nandito ako para bisitahin ang tuso kong kaibigan, ang prinsipe." nakangising sambit nito.

Napatingin sa amin ang Alpha, "May iba rin pala kayong panauhin?" nagkatinginan na lamang kami ni Tiafia.

"Hindi sila panauhin, kusa silang pumunta rito sa aming teritoryo, hindi na nababagay ang mangkukulam na ito sa aming teritoryo." sambit ng lalaking bampira kanina. Hindi ko maiwasan mainis sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Nandito na ang mahal na prinsipe! napaharap ako sa aking likuran, nang siya ay masilayan ko, bigla na lang ako kinabahan. Anong nangyayari?

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon