Kabanata 24

384 12 0
                                    

"Kung hindi ko siya dinala sa lugar na 'yon hindi sana siya nakuha. Hindi sana siya napasakamay ng mga demon." maanghang na sambit ni Silva at malakas na sinuntok ang puno dahilan para magkaroon ng bakas ng kaniyang kamao. Nanggagalaiti siya sa galit at lalong siyang naiinis sa sarili niya.

Nag-alala siya sa kalagayan ni Serafia, hindi niya batid kung ano ang pinag-gagawa ng mga demon sa babaeng mahal niya. Madalas nagiging negatibo ang iniisip niya kaya naman lalo siyang mangamba pero pilit niya iyon inaalis sa kaniyang isip dahil mas lalong hindi iyon makakatulong sa kaniya.

Maayos siyang umupo at isinandal ang likuran sa puno dahil sa pagod. Simula ng umaga ay ibuhos niya ang galit niya at ngayong gabi ay naubusan na siya ng lakas, at pagod na mag-isip kung ano ang gagawin niya para makapiling niya ulit ang dalaga at mailigtas.

Tumingala siya. Nakita niya ang unti-unti na pagpula ng buwan mula kalangitan. Ipinikit niya ang kaniyang mata, at napabuntong-hininga. "Isang gabi na lang ang natitira." bulong niya.

*******************

"Lord Revelorr." sabi ng isa sa mga alagad habang hawak ang isang bilanggo, si Urbhina. Lumapit ang mga ito sa harapan at marahang ipinaluhod si Urbhina.

Nakangisi naman si Revelorr habang pinagmamasdan si Urbhina na nahihirapan. Matalim na tingin ang itinugon nito sa kaniya. Tumayo siya sa kaniyang trono at lumapit kay Urbhina, nabahala naman ito sa paglapit niya.

Hinawakan niya ang baba nito at itiningala. Pilit naman iniwas ni Urbhina ang kaniyang mukha, habang ginagawa niya 'yon ay mas lalong siyang nasasaktan sa higpit ng pagkakahawak ni Revelorr. "Alam mo na bang hawak ko na ang anak mo? Ha." malambing na pagkakasabi niya rito. Nanlaki ang mata ni Urbhina na tila hindi makapaniwala. Napaawang ang kaniyang bibig na hindi makapagsalita.

"Nasayo ang anak ko? Anong ginawa mo sa kaniya?!" natataranta niyang sabi.

Napangisi naman ito. "Wala pa akong ginagawa," lumapit ang mukha nito sa mukha at bumulong, "wala pa."

Lumayo naman sa kaniya si Revelorr at bumalik sa trono. Mariin naman nakatitig sa kaniya si Urbhina at nagpupumiglas sa hawak ng kaniyang alagad. "Hindi ka sa magtatagumpay sa binalak mo! Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!" Unti-Unting humihina ang boses na naririnig niya habang papalabas ng kaniyang trono.

Natawa na lang siya sa kagalakan at paglaruan ang kaniyang pagmamay-ari.

********************

Bumisita si prinsipe Yzen sa kaniyang kaibigang alpha na si Sen. Pinag-usapan at pinagkasunduan ang pakikipag-alyansa ng wolf at vampire lalo na't magkasundo ang kanilang lahi.

Pare-parehong ayaw nilang maghari at magbalot ng kadilaman ang mundong kanilang ginagalawan kaya naman ang lahat ng ibang nilalang ay pumayag na makipag-alyansa sa kanila.

Ang maliliit na duwende, kalahating anyong tao at kahating hayop, ar ilang witch at wizard na hindi nag-atubiling sumama sa kanila batid din nila ang kasakiman ng demon at kailangang hindi matuloy ang pagkuha sa dugo ng Deviant blood.

Si prinsipe Yzen ang siyang nangunguna sa mga ito. Kahit ang mga prinsipe at prinsesa mula sa witch at wizard ay napapasunod niya. Bagay lamang na siya ang maghari sa mundong ito.

Sa lahat ng mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Ang bampira ang nangunguna at pinakamataas na nilalang na komokontrol sa kanila. Ang demon ang pinakamatindi nilang kalaban.

Maliit pa lang ang bilang nila kung ikukumpara sa bilang ng mga demon ay walang-wala pa ang mga ito sa mga kasama nila.

"Napalaki na ang hukbo na ito, mahal na prinsipe pero maaring hindi pa ito sapat." sambit ni Califtre, ang kaniyang kanang kamay.

"Malaki man o kahit kakauti. Nasusuguro kong matatapos ang lahat ng demon at maliligtas ang Deviant blood at ang magkapangyarihang mangkukulam." sambit niya. May kumpiyansya siyang matatalo at mawawala na sa landas niya ang mga demon dahil kasama niya ang ilan sa malalakas at makapangyarihang prinsesa't prinsipe.

"Alam naming masyadong malalakas ang demon kaya naman gagawin ang lahat ang mamakaya naming hanggang sa huli naming hininga." Sabi ni isang prinsipe ang witch. "at si Urbhina, isa sa aming guro noon at natitiyak kong maililigtas siya at kaniyang anak."

"Bukas ng gabi. Dadalhin ang purong dugo sa mt. Auryn kung saan nakalibing ang pinakapinuno nila kaya naman ngayong gabi ang ating paglalakbay."

*****************

"Gumawa sila ng hukbo laban sa akin. Hahaha! Sa akin sa tingin ba nila ay makakaya nilang laban ang mga demon? At matatalo ang tulad ko." napangisi na lamang si Revelorr sa natanggap niyang balita.

"Kung ganon kailangan kong humanda."

Tumayo si Revelorr at napunta sa isang silid kung saan nakakulong ang dalaga. Inutusan niya ang kaniyang alagad na buksan ang hawla.

Nagising naman agad si Serafia ng marinig niya ang tumunog sa kaniyang kulungan. Napaupo agad siya. Agad siyang inilabas at may ikinabit sa kamay niya.

"Saan niyo ako dadalhin?" tanong niya.

Hindi naman nagsalita ang demonyo. Ikinaladkad lang siya palabas. Dinala siya isang madilim na silid, nabalot siya ng kaba ng masindi ang kandila para mabigyan liwanag ang kabuan. Agad muli siyang ikaladkad papalapit sa nakahigang bilog na kahoy, ikanabit nila ang magkabilang kamay at magkabilang paa sa dulo. Nakagapos siya.

Nagpumiglas naman siya.

Bakit 'di ko magamit ang kapangyarihan ko?

Nagpumiglas naman siya pero kahit anong gawin niya wala siyang kawala. Sumama naman ang tingin niya kay Revelorr ng ngumisi ito.

"Sa oras na makawala rito. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Hindi na dapat nabubuhay ang mga demonyong katulad niyo sa mundong ito!"

Natawa naman si Revelorr, "Matapang ka. Kahit alam mong mamatay kana nagagawa mo pang magsalita, hindi ka man lang ba na mag mamakaawa sa akin na buhayin ka?" malambing na sambit niya na tila nang-aasar.

Tumalim naman ang mata ni Serafia. "Kahit kailan hindi ako mag mamakaawa sa isang katulad mo. Kung mamamatay man ako, wala kang paring maririnig sa akin."

Napangisi naman si Revelorr. "Kainin mo ang sinabi mo nakatakda mo. Sa oras na makuha ko na ang pinakamimithi ko, kami na ng aking ama ang maghahari at magkokontrol sa lahat ng nilalang sa mundong ito. Maghahari ang kasamaan." sambit niya at saka ito tumawa ng mala-demonyo.

Nagpupumiglas naman ang Deviant blood. "Hinding-hindi mangyayari 'yan!" Gustong-gusto na niyang makawala sa mga ito. Pero paano? Nanatatakot siya na makuha at mabuhay muli ang pinakapinuno ng mga demonyo. Malapit na siya mawalan ng pag-asa dahil sa napakahina niya. Wala siyang magawa kung mailalabas lang sana niya ang kapanyarihan niya nakatakas na dapat siya.

Sandaling natutulala si Revelorr sa nakita niya. Hindi siya makapaniwala sa mata ng dalaga. Agad din nawala nang may pumasok na nakaitim na babae. Yumukod ito. "Ako na ang bahala sa kaniya lord Revelorr." Tumango naman ito. Bago pa man lumabas sa silid ay sinilayan niya mula ang dalaga.

Nabalot siya ng pagtataka.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon