Special Chapter

3.3K 63 31
                                    

For Filipinos...

Hi.

Gusto ko lang pong ipamahagi itong spoken poetry ni ate Crystel Bars... I was trully inspired by her, the moment I watched this on facebook. And then an idea just struck me after watching it and poof! A special chapter. Sana po ay magustuhan niyo. Gustong-gusto ko po itong pakinggan at times and dito rin po ako kumukuha ng inspirations in writing my other book (which I unpublished by the way) 'My Diamond in a rough'

Hindi po akin ang tula.

Hindi man po tayo relate, pero the feels is there. Sa panahon ngayon, marami nakakarelate he he he...

This is to advertise the other book as well, pero tinanggal ko po sa works ko kasi I was disappointed noong wala na akong idea na maidadagdag.. Hahaha.. Anyways, enjoy po.

Wag Ako
(Crystel Bars)

Alexandra's P.O.V

Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula?

Ngumiti ako sa harap ng lahat ng taong nanunuod sa akin ngayon.

Hinahanap ang taong gusto kong makita, na kanina ko pa hinihintay.

Hindi naman ako natagalan para mahanap siya.

Sa guwapo ba naman niya? Abah, sinong hindi mapapatingin sa direksyon niya?

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniya na siya namang ibinalik niya sa parehong paraan.

Sa kung paanong ang ngiti sa ating mga labi ay hindi mabura, basta tayo'y MAGKASAMA.

Sa kung paanong, ang yapos mo, at halik ang GAMOT sa lahat ng SAKIT.

Nagpapagaan sa lahat ng bigat na aking pasan at bumubuo... BUMUBUO sa araw kong kulang-kulang.

Mahal, naaalala mo pa ba ang bawat saya?

Bawat away na pareho nating nalampasan dahil... MAHAL natin ang isa't-isa.

Bawat luha na pareho nating pinunasan dahil hindi kita kayang mawala at... ganun ka din diba?

Kaya nga tayo nagtagal.

Kaya nga tayo nagtagal... nang PANSAMANTALA.

Pumakla ang matamis kong ngiti.

Bakas naman sa kanyang mukha ang pagkalito.

Dito ko napagtanto na hindi niya alam kung ano ang sitwasyong kinatatayuan niya ngayon.

Kung saang lugar siya nakalagay sa puso ko ngayon.

Pero mahal, naalala mo din ba noong unang beses mo siyang MAKILALA? Noong unang beses kayong NAGKASAMA? Noong, unang beses ka niyang NAPANGITI pati ang mapupungay mong mga mata?

Noong unang beses kayong nag-usap na dalawa na parang kayo LANG DALAWA.

Na parang walang AKO.

Walang TAYO sa mundo NIYO.

Napatingin naman ako sa katabi niya.

Maganda.

Sexy.

Halatang matalino.

Mistisa.

Halos perpekto na kung tutuusin, pero... maharot.

The Mafia Boss, Me and My BabiesWhere stories live. Discover now