Mali ba?

24 4 0
                                    


Mali ba na mahalin kang muli?
Diba pwedeng ibalik nalang sa dati?
Mga masasayang araw na tayo lang dalawa.
Di ako umaalis kapag dika kasama.
Mali bang umasa na tayo parin hanggang ngayon?
Ibibigay ko na lahat para sayo, 'pag nagkataon.
Mali bang maghangad ng labis?
Ramdam ko ngayon ang mga luhang namamalisbis.
Mga araw na ako, ikaw. Tayo lang dalawa
Wala na nga ba? Wala na.
Akala ko kasi noon. Tayo, hanggang dulo.
Pero ang tayo ay nagkagulo.
Mga parte nito ay dina mabuo.
Wala na ang ikaw at ako.
Nasaktan kita. Nasaktan mo ko.
Pareho lang naman tayong naloko at naagrabiyado.
Pero heto ka't iniisip mong ako. Ako lang.
Ako ang may kasalanan sa lahat.
Sabi mo, "Ganti ko sayo ito sa sakit na katapat."

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon