Malanding labi at mata

7 3 0
                                    


Naaalala ko pa no'ng una kitang makita. May hawak kang lapis, papel at pambura. Ang dami niyo noon   do'n, nakakapagtakang ikaw ang napansin ko.

Sa loob ng higit kumulang trentang kalahok sa paligsahan, nakita kita. Nakaupo sa pangalawang huling upuan sa likod.

Seryosong nakatingin sa papel habang gumuguhit.

Isip ko'y nagkagulo.

Nakita naba kita dati?

Ba't parang ngayon lang kita napansin?

Ah... baka 'yang mga mata mo kasi. Kakulay niya 'yong kapeng iniinom ko tuwing umaga. Pero may gatas 'yon ah.

Kalokohan.

Baka naman 'yang mga labi niya? Hay nako, napakaganda. Lalo na kung kumurba? 'Yong puso ko lalabas na.

Kahibangan.

Baka 'yang kabuuan niya? Sakto. Tumpak. Iyon 'yon eh.

Hindi ko alam pero nakuha mo na talaga. Iyan naman kasi talaga 'yong mga tipo ko. Tahimik... kasi madaldal ako.

Hindi naman talaga ako aasa dapat. Pero kasi... 'yang mga mata at labi mo ulit nanglalandi nanaman. Naninitig kasi mga mata mo. Tapos 'yang labi mo kumukurba ulit. Ayan tuloy, umasa 'yong puso.

Pero kahit gano'n. Kahit parang nanglalandi 'yang labi at mga mata mo... Hindi mo naman ako nagustuhan. Hindi naman lumandi pabalik 'yang kabuoan mong gustong gusto kong landiin ako.

Bakit gano'n? Alam ng mundong gustong gusto mo pero pinagraramot naman.

Hindi ko naman hinihiling na gustuhin ako lahat ng tao...

Isa lang naman ang hinihiling kong magkagusto sakin pero dipa nasali.

Bakit sa dinami-rami ng mga taong ayawan ng gusto nila ako pa?

Pwede namang 'yong nanay ko nalang para dina ako naipanganak at ng diko na siya nakita.

Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Kasalan ng malandi niyang mata at labi 'to.

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon