Bumangon

23 6 0
                                    

Sa kahit ano mang pagkakadapa dapat matuto parin tayong bumamgon. Ayon nga ang ginawa ko. Bumangon ako ng mapagtanto kong walang patutonguhan ang pagiyak. Bibiyakin ka lang lalo ng pagmumukmok. Mas lalo ka lang sasaktan ng pagsuko. Bumangon ako dahil alam kong di na ako to. Kailangan kong tanggapin na wala ka na at di mo na ako babalikan. Pero may mga pagkakataong naiisip ko siya. May mga bagay kasing nakakapagpaalala sakin sakanya. Hindi ko sinasara ang puso ko para sa magmamahal sakin ngunit di ko pa kaya sa  ngayon. Hindi ko pa kasi siya tuluyang nakakalimutan. Naghihilom palang ang puso kong sinugatan niya. Masakit parin. Pero di na katulad nung dati. At babangon ako hindi para sakanya, kundi para sa sarili ko.

tasha💓

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon