Iglap

14 0 0
                                    

Isang makulimlim na hapon,
Pinilit kong 'wag itapon,
Ang mga munti nating ala-ala ng kahapon,
Kailanma'y hinding hindi ko ibabaon,
Sa limot ang mga pangako mong pinagtibay ng panahon.

Ngunit sa isang iglap nagawa mong iwaglit,
Ang mga nais sa puso kong paslit.
Hindi nakayanan ang mga katagang may pait.
Ayaw mo na, nakahanap kana ng kapalit.

Inisip sa'n ako nagkulang.
Bakit ako nagawa mong saktan.
Binigay lahat ng pwedeng ibigay.
Kahit pa sarili kong buhay.
Pero kapalit mo'y sakit na pamatay.
Nasaan ang hustisya sa pagmamahal mong hindi pantay?

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon