Break Up Story Entry 2

13 1 0
                                    


"Pwede ba tayong mag-usap?" Tumingala ako sa nanggalingan ng boses. Agad na bumalandra sa aking mukha ang matamis na ngiting sakanya ko lang ipinapakita.

"Raymond! Akala ko may practice pa kayo ng basketball?" Imbes na sumagot ay iling lang ang ibinigay niya. Weird. He's quiet today. "Bakit daw 'di na tuloy practice n'yo?" I asked further. Nakakapagtaka lang kasi intrams na this coming Friday tapos mag-cacancel ng practice? "Hindi ko alam kay coach. Usap na tayo."

"Dito na tayo mag-usap?" Nasa canteen kasi ako. I was planning on waiting for him here habang nasa practice siya para sabay kaming umuwi.

Tumango siya at humila ng mono block chair sa harap ko. "Ano ba gusto mong sabihin? Seryoso mo masyado. Natetense ako ha." I faked a laugh para di masyadong awkward. I can feel the tension around us. I don't know but something is off with him. Ang Raymond na kilala ko hindi ganito. Maloko 'yon eh.

"Kayecee..." He paused. Hinigit ko ang hininga ko para hintayin ang susunod niyang sabihin. "Naaalala mo si Therese?" Nalukot bigla ang mukha ko. At bakit niya tinatanong ang babaeng 'yon!?

"Bakit?" Masungit kong saad. "Tama ka sa hinala mo." I froze for a while. Did I heard it just right? "What do you mean?"

"Kami ni Therese. Tama ka sa hinala mo." My mouth went open. Nanginig bigla ang labi ko. Nanghina ang buong katawan ko. It felt like my heart just went out of its ribcage.

Therese... Therese Almonte. That was the girl Raymond was messaging on Facebook. I thought it wasn't that serious. Kasi alam naman nating lahat na gano'n talaga ang ibang lalaki. Napanatag ako. Nasa isip ko noon ako 'yong jowa. Sa'kin siya seryoso. Pero ano 'to?

"Ano?" Nautal ako bigla. Gusto ko kamutin ang mata sa nagbabadyang luha.

"Ako at si Therese seryoso ang sa'min." Tumulo ang tubig sa kaliwa kong mata. Tumawa ako ng malakas. Hindi dahil nakakatawa. Kundi para ikubli ang muntik nang paghikbi na dala ng kanyang mga salita.

"Pinagloloko mo ba ako? Eh nasa Pangasinan 'yon. Paano kayo naging seryoso?" Tinitigan ko siya sa mata. Mamimiss ko 'to sobra. "Nagpunta ako sa Alaminos no'ng weekend." Tumigil ako sa kunwaring pagtawa. Ano pa mas sasakit kaysa dito? "Anniversary natin no'ng Sabado, Raymond."

I can't believe it! Ipinagpalit niya talaga ako sa Therese na 'yon!? Sa 2 years na relasyon namin akala ko masaya siya. Hindi pala.

"May nangyari samin Kayecee. Ako ang una sakanya. Kailangan ko siyang panagutan." Tumayo siya sa pagkakaupo. "I'm sorry Kayecee. Break na tayo." Tumalikod siya saakin at nagsimulang maglakad. Pero bago pa siya makalabas sa pinto ay nasambit ko mula sa mga labi ang dahilan kung bakit ko siya hinintay sa hapong iyon.

"Buntis ako..."



Hi Raymond and Kcccc xoxo
HAHAHAHAHAHAHA

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon