Wag nalang

16 1 0
                                    


Sa pagkakaalam ko masaya tayo.
Sa pagkakaalam ko kontento ka sa'tin.
Sa pagkakaalam ko mahal mo'ko.
Sa pagkakaalam ko hindi mo'ko kayang lokohin.
Sa pagkakaalam ko 'di mo'ko kayang mawala sayo.

Pero bakit mo 'yon nagawa?
Bakit mo tinalo ang mga salita?
Bakit mo binitawan ang mga pangakong dapat ay tutuparin mo pa.
Bakit ka nagpabihag sa tawag ng katawan.
Bakit ka humanap ng saya na dapat sakin mo lang ginawa at 'di sa iba!?

Nasan na 'yong ako lang?
Nasan na 'yong kung hindi ako ayaw mo?
Nasan na 'yong pangako mong ako ang lahat sayo?
Nasan na 'yong mga katagang walang papalit na kahit sino sakin?
Lahat ba ng 'yon puro sa bibig lang?

Hindi ko alam san ako nagkulang.
Hindi ko maintindihan, bakit mo 'yon nagawa?
Hindi ko mawaglit sa isip na hindi pala totoo na ako laban sa mundo.
Hindi ko magawang wasakin ang meron tayo pero ba't ginawa mo?

Mahal kita alam mo 'yon.
Pero kung ang pagmamahal na 'yan ang sisira sakin, 'wag nalang.

PS. 'Yong characters ko sa Break Up Story Entry 2 were based on real life couples, and ang dahilan ng break up nila ay totoo din pero nagkabalikan uli. Pero itong part na 'to dedicated kay Kaye Celene! Same reason sa BUSE2. Nagcheat si boy except sa buntis part!

PPS. Sorry!!!! parang nagkatotoo yong sinulat ko HAHAHAHAHA and ang haba na ng author's note, so byeee!

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon