Gusto kita

14 0 0
                                    


Gusto kita.
Gusto kita kahit ramdam ko ang pagkadisgusto mo sakin.
Gusto kita kahit alam kong hindi ako ang iyong hardin.
Gusto kita kahit hindi ako 'yong tipo ng babaeng gusto mong ibigin.
Gustong gusto kita kaya nga hinayaan kitang mahalin siya
Habang ako nasasaktan at pilit ikinukubli ang sakit sa mga mata.

Hinayaan kita.
Hinayaan kitang gawin akong tanga.
Hinayaan kitang makitang masaya kasama siya.
Hinayaan kitang magkaroon ng kontrol sa damdamin ko.
Hinayaan kitang ikaw ang bahala sa mundo.
Hinayaan kitang ibalewala ako para siya ay maasikaso.
Hinayaan kita sa mga gagawin mong makakapanakit sakin
Habang siya ay iibigin.

Sinaktan mo'ko.
Sinaktan mo'ko sa mga salitang nakakapagpasaya sakanya na dapat saakin.
Sinaktan mo'ko sa sandaling  niyakap mo siya habang ako'y nilalamig sa hangin.
Sinaktan mo'ko sa pagtatanggol sakanya kahit alam mong ako ang tama.
Sinaktan mo'ko sa lahat-lahat ng bagay na kahit kailan hindi mo malalaman.

Alam ko.
Alam kong wala akong karapatan.
Alam kong wala naman talagang tayo sa simula palang.
Alam kong sa aming dalawa ay siya ang mas may karapatan.
Alam kong sa amin ring dalawa diba siya ang mas mahal mo?

Pero 'di ba pwede na ako'y pagbigyan naman?
'Di ba pwede na saakin naman atensyon mo sa harapan?
'Di ba pwede na akin ka ng kahit saglit lang?
'Di ba pwedeng ngitian mo rin ako katulad ng ngiti mo sakanya, saglit lang?

Umiling ako.
Alam ko naman na hindi ito magkakatotoo.
Dahil sa puso mo meron nang nauna rito.
At alam kong hinding hindi ko na iyon mapapalitan.

PS. medyo may GinoxCresia feeeeeels

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon