Alam ko

16 3 0
                                    

Alam ko hindi tayo pwede.
Alam ko maaring lahat ng ito ay peke.
Alam ko pwedeng iwan mo nalang ako bigla sa ere.
Alam ko masakit na pero heto parin ako, eh.
Bawal tayo.
Yan ang totoo.
May mahal kang iba.
Ni hindi nga ko sigurado kung ako lang ba talaga.
Na ako lang sakanila.
Na naiiba ako sa mga nilalapitan mo, ha.
Alam ko mali, pero ginagawa ko parin.
Alam ko madaming hadlang, pero pinipilit ko parin.
Alam ko dapat ihinto na, pero wala eh. Mahal ko.
Mahal ko, kahit malayo siya.
Mahal ko kahit mas matanda siya sakin.
Mahal ko kahit alam kong pwedeng niloloko niya lang ako.
Kahit alam kong hindi totoo.
Kahit alam kong masasaktan lang ako.
Paulit-ulit kong sinasabing masasaktan ako, pero di parin ako nadala.
Paulit-ulit na sinabi niyang gusto niya ako, pero diko parin magawang maniwala.
Paulit-ulit nilang sinabing marami kami, pero diko parin magawang iwan.
Paulit-ulit na akong sinaktan ng katotohan, pero kapag sinisimulan ko ng lumayo, pipihit parin ako pabalik sakanya.
Sapat na bang dahilan ang mahal ko siya?
Diba pwedeng tumakbo nalang at iwan ang lahat.
Lumayo sa katotohanan kasama siya.
Lumayo sa mapangmatang tao para lang sakanya.
Lumayo sa lahat, para maging masaya.
Pero kahit anong hiling ko sa lahat ng iyan,
Ni isa, wala manlang natupad.

#truefeels
#auqoehna

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon