Alam ko

17 0 0
                                    


Alam ko.
Alam kong may iba.
Alam ko ring nauna siya.
Alam kong sa tuwing walang klase'y kayo ang magkasama.
Alam kong hindi lang naman siya ang problema.
Alam kong saaming dalawa siya ang kawawa.
Alam kong pareho kaming biktima ng balat kayo mong mga salita.
Alam kong pareho kaming tanga at bulag sa katotohanang ikaw ay isang kahibangan.

Nagbulagbulagan sa lahat.
Nandon nanga ang pruweba nagawa paring ipagpatuloy sapagkat
Ang puso'y natuto ka nang ibigin ng tapat.

Nakita ko ang mga litrato na naging sanhi ng pagguho ng mundong ginawa ko para sa'ting dalawa.
Nakita ko ang mga mensaheng nagpagulo sa sistema kung ikaw ba'y totoo sa'kin o sakanya?

Pinilit kinubli ang sakit.
Pinilit kong nilunok ang pait.
Pinilit kong tinanggap na kahit kailan hindi ka magiging akin.
Pinilit kong iwaksi ang paningin
Sa mga katotohanang maling mali at kahit kailan ay 'di magiging tama.

Pinagpatuloy kong mahalin ka.
Pinagpatuloy ko ang pagpapakatanga.
Pinagpatuloy ko ang pagiging pangalawa.
"Malayo naman sila sa isa't isa," mga katagang isiniksik sa isip...
Pero ang hindi mo alam palagi silang magkasama.

Tinanggap ko ang mga paratang.
Tinanggap kong mabansagang kirida, kabit, mang-aagaw, malandi, maninira ng relasyon at kung ano pang tawag ang maidudugtong sa'kin.
Tinanggap ko ang mapanghusgang mga mata
Kung bakit ikaw ang pinili ko at hindi siya.

Pero isang araw nagising ako.
Ayoko nang maging pangalawa.
Ayoko nang makarinig ng ano pang mga salita mula sakanya.
Ayoko nang maging tanga.
Pero natauhan  ka.
Naisip mo 'di mo kayang ako'y makawala.
Kasi mahal mo'ko diba.
Pinili mo'ko at hindi siya.
Pinili mong manatili sa'kin at hindi sakan'ya.
Pero sinabi ko ayoko na talaga.
Nagmakaawa ka.
Tinanong mo kung mahal pa ba kita.
Tumango ako at bumaba ang aking mga mata
Sa mga bisig mong nasa aking paanan, nagmamakaawa.
Kasabay ng mga katagang, "Eh bakit mo'ko ginaganito,"
Ay ang pagtulo ng iyong mga luha.
Hindi ko pala kaya.

Sa pagpili mo sa'kin ay ang pagpili ko ring manatili sa iyong piling.
Mahal na mahal kita,
Na kahit ginago mo ako noon ay pipiliin kong tanggapin ka.

Sa pagdaan ng mga araw init mo'y biglang nawala.
Hindi ko maiwasang mag-isip ng kakaiba.
Nakakatakot, baka bumalik ka ulit sakanya.

Nakakaiyak. Ako pinili mo pero ba't parang hindi ka parin akin?
Ba't parang may kahati parin ako?
Hindi ko alam hanggang kailan 'to.
Pero mahal kita at nagtitiwala ako sayo.

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon