Memorya

10 1 0
                                    


Nasa memorya ko padin
Ang mga ngiti mo na kasing lawak ng aming hardin
Mga mata mong kapag nasisinagan ng araw ay parang bituin
Mga labi mong kakulay ng kahel na langit na gusto kong abutin.

Hindi ko alam.
Isang dekada na ang lumipas
Pero ikaw padin ang gusto ng puso kong kayakap sa gitna ng lawas.
Ilang kasintahan na ang lumisan
Pero ikaw padin ang alam kong hindi ako sasaktan na kahit ilang beses kapang lumisan.

Paano kaba malimutan?
Iyon ay hinding-hindi ko maintindihan.
Masakit na sa lalamunan,
Ang paghikbing ikaw ang may dahilan.

Ayoko na sayo.
'Yan ang pilit isinasaisip ng katawang tao ko.
Pero ang sininasabi ng puso
Ay 'wag, alam kong babalik ka pa at hindi  na ika'y dina lilisan pa.

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon