Maniniwala

6 2 0
                                    


Mahal kita.
Dawalang salita, walong letra,
Paano nga ba nabago nito ang pagtingin ko sakanya?

Noon, hinihiling ko sayong sabihin mo sakin ito
Ng buong puso,
Ng may kasamang pag-suyo,
Habang tumitingin ka sa mga mata ko.

Ngayon, kahit ilang ulit mong sabihin sakin iyan
Ng buong puso,
Ng may pagsuyo,
Habang nakatingin sa mga mata ko,
Hindi na ako maniniwalang ito'y totoo.

Ilang ulit mo akong sinaktan.
Ilang ulit mo akong pinaglaruan.
Ilang ulit mo akong niloko.
Ilang ulit mo akong pinaiyak ng todo.
Iyon ay hindi ko na mabilang sa mga daliri ko.

Nakita kitang nakikipag halikan sa iba.
Nakita kitang nakaakbay sa babae sa kantina.
Nakita kitang may kasamang iba sa kama.
Nakita kitang naglilihim ng tungkol sakanila.

Maraming-marami sila.
Yung isa kaeskwela.
Yung isa kolehiyala.
Yung isa kaibigan ko pa.

Tinanggap ko 'yun.
Kasi nga mahal kita.
Kahit masakit na.
Kahit nagmumukha na akong tanga.

Pero may mga panahon talagang paggising mo sa umaga,
Bigla ka nalang masasampal ng katotohanan.
Maiisip mo tama na.
Masyado ng masakit.

Kaya nong napansin mong kaya ko na ang mag-isa,
Na kaya ko na ang wala ka,
Kaya ko na ang tumayo sa mga sarili kong paa...

Kumaripas ka nang takbo
Papunta sa pwesto ko.
Nagmakaawa ka.
Lumuhod ka sa harap ko.
"Tayo diba? Hanggang dulo..."
Kinuyom ko ang kamao.
"Hinding-hindi na ako maniniwala sayo."

Ps. Dedicated to Macoy and Pamela. Retired Playboy was just superb.

#LNNManiniwala

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon