Para Sayo 'To

5 0 0
                                    


Pangalawang tula ko na ito para sayo,
Pero hindi parin nito magawang alisin ang pait at sakit na ipinaramdam mo.

Sayo ko naramdaman ang sakit na hindi ko naranasan sa iba.
Nanunuot sa kaibuturan.
Hindi ko makalimutan.
Puso kong iniwan mong nasasaktan,
Sa pagsang-ayon na dala ng aking kalungkutan.

Sayo ako umiyak ng todo.
Hindi ko alam.
Sa nakaraan wala lang ang ganito sa'kin.
Sa nakaraan lihim lang akong nasasaktan.
Sa nakaraan nagagawa ko paring magpanggap.
Sa nakaraan kaya ko kahit ilang beses akong pahirapan.

Pero bakit sayo...
Bakit sayo parang hindi ko kaya...
Hindi ko kayang hindi ka nakakausap.
Hindi ko kayang gawin mo 'yun sa iba.
Hindi ko kayang makahanap ka ng iba.
Hindi ko kayang... Hindi maghabol.
Gusto kita. Hindi mahal kita.

Mahal kita kahit sobrang sakit-sakit na.
Mahal kita kahit alam kong ayaw mo na.
Mahal kita kahit ako nalang ata ang naghahabol sa'ting dalawa.

Kaya, sige na, bumalik kana.
Balikan mo na ako.
Gusto parin kita.
Gusto ko ulit 'yung pagsasabi mo sa'kin ng akin ka.
Gusto kong angkinin mo'ko.
Dahil iyo naman talaga ako at hindi sa iba.
Kahit alam kong ayaw mo na...

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon