Nasaktan

27 6 1
                                    

Kapag nagmamahal ka, di mo talaga maiiwasan ang masaktan. Paano mo nga ba iyan maiiwasan kung andyan ang mga salitang selos,inggit, galit.

Selos dahil may nakita na siyang mas higit sayo. Mas bata, mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas talentado(mas-ipag xD). Nakakainsulto, nakakapanliit, nakakawala ng apog sa sarili, nakakawalang hiya rin pala. Syempre masakit.

Inggit, alam naman nating masama ang maiinggit at alam rin natin na hindi ito mapipigilan. Inggit ka dahil, buti pa siya nakahanap na ng ka forevs niya. Buti pa siya move on na habang ikaw? Bruha na ata dahil di makausad sakanya. Inggit ka dahil nakahanap siya ng mas sayo.

Galit ka dahil ang bilis niyang nakahanap ng iba. Galit ka dahil ang tanga mo. Galit ka dahil umaasa kang pwede ka pa niyang balikan. Galit ka sakanya. Galit ka sa sarili mo. Galit ka sa lahat. Nagseselos ka sa bago niya. Inggit ka dahil nakahanap na siya ng iba. Galit ka dahil pati sarili mo di mo na kilala.

PS. Doon sa forevs achuchu na sinabi ko? Lamporeber

tasha💓

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon