Pangalawa

9 2 0
                                    

Saiyo'y ako'y pangalawa lang ba talaga? Mga sinabi'y mo'y nasabi narin ba sakanya? Nagkulang ba siya, kaya napunta ka sakin ngayon? Sabi nila mali. Kasi meron siya. Pero sabi ko naman, di mali. Kasi nagmahal lang naman ako. Wala akong inaagaw. Kasi ng dumating ako sa buhay mo, malabo na kayo. Hindi mo na siya gusto at nagsawa kana. Yun ang alam ko. Iyon ang nararamdaman ko. Isinisiksik ko sa ulo ko na pwede. Ako, ako ang gusto hindi iba. Ako ang pipiliin mo hindi siya. Kasi masakit. Masakit isipin na itong relasyong ito, walang kasiguraduhan. Walang patutungohan. Kasi kahit pigilin natin, magtatapos at magtatapos ito. Siguro nga tama sila na itigil ko na. Pero di naman sila ang nasa pwesto ko. Hindi sila ang makakaramdam. Hindi sila ang masasaktan. Hindi sila ang mahihirapan. Kaya wag silang manghusga, dahil wala naman kaming relasyon. Gumawa lang ako ng konklusyon. Dahil sabi niya gusto niya ako at gusto ko rin siya. Kaya wala akong inaagaw, siya ang lumapit. Marupok lang ako. Wag niyo akong husgahan dahil mas grabe pa sainyo pero wala naman akong pakealam.

#MedyoTrue

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon