Takot

5 0 0
                                    

Takot na takot ako
sa lahat.
Takot na takot ako
na baka hindi ako tanggapin,
na baka hindi tayo sa huli,
na baka hindi ako nakatadhana sayo,
na baka tayo nga ang nagresolba sa lahat ng problema mo
pero hindi ako ang makikinabang dito.
Maraming baka sakali.
Baka sakali tayo.
Baka sakali hindi.
Baka sakali huwad ang lahat ng 'to.
Baka sakali niloloko lang tayo ng panahon.
Mapanlinlang.
Nakakapanghina.
Nakakapanloko ng kaluluwa.
Isusugal ko pa ba?
Hindi na tayo sigurado diba.
Sobra ng komplikado ang lahat.
Hindi na ikaw ang nakikita ko sa tapat.
Hindi na tayo sa susunod pang mga taon.
Pinaglayo na tayo ng panahon.
Iiiyak ko nalang ang sakit.
Ipagsasawalang bahala ko nalang ang pagmamahal na naiwan.
Isusuntok ko nalang sa pader ang mga pait ng nakaraan.
Hihintayin ko nalang maghilom ang mga galos at sugat na dala ng kahapon.
Dahil huli na...
Tapos na...
Wala ka nang magagawa...
Kundi ang umiyak at magpatuloy sa buhay mo na wala siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon