Hindi inakala

2 3 0
                                    


Hindi inakalang mahuhulog pala,
Sa mga ngiti mong hanggang mata,
Mga labi mong sobrang pula,
Mga kilay mong parang ginuhit sa ganda.

Hindi inakalang mapapansin nila,
Mga nakikita ko sa ilalim ng punong mangga,
Habang natutulog kang payapa,
Na may ngiti sa mukha.

Hindi inakalang huli na pala,
Ang pag-amin kong nauwi sa wala,
Ngiti mo'y naibigay na pala sa iba.
Matamis na oo'y nasa kanya na.

Hindi inakalang iiyak din pala,
Ang mga matang kay ganda,
Ng dahil sakanya.
Pasensya na hindi ko nakita.

Hindi inakalang mag-iiba ka.
Sa kadahilanang nasaktan ka   sakanya.
Lumayo ka nang walang pasabi sa iba.
Naiwan akong nag-iisa.

Pwedeng reverse poetry pala 'to haha #lul

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon