CHAPTER 5
Jelyn's Pov
Pumasok na ako sa room, wala pa din sila Jules. Pero si Rich and Mina nandito na, nagkwentuhan lang kami. Si Romina tuwang tuwa na nakasama ulit nya yung bestfriend nya na si Kevin, minsan tuloy hindi maiwasang may magtanong kung sila ba ng bestfriend nya. Ang sweet kasi nila, kaya nung una kami din naghinala pero lagi nyang sinasabi na best friends lang daw talaga sila.
Eto namang si Ritchelle (pronounce it as pitchel), ayun nung una sabi nya hindi daw sya magpapaligaw dun sa mayabang naming classmate pero mukhang masaya sya kaya inaasar din namin to lagi eh. Kunyari pa kasing ayaw!
Ang tagal na naming nagkukwentuhan dito wala pa din si Jules and Rea. Dumating naman si Jem,sya naman ang religious naming friend sya yung pinakatahimik samin pero pag nangasar din sobra! Siya nga nagbansag sakin ng high pitch girl eh.haha!
Nagulat naman ako nung pagkaupo nya tinanong nya agad ako.
"Jelyn,nakita kita kanina may kasama kang guy sa labas. Sino yun? Hindi naman yun si Jerome ah?! May sinigaw pa nga sya. Siya ba yung pinsan ni Jerome?"
"A-ah.o-oo." Mabulol bulol na sagot ko sa kanya, naalala ko na naman kasi yung sinigaw ni Darren.
"Eh ano naman yung sinigaw nya? Narinig ko kaya yun."
"Hindi ko nga rin alam eh. Bakit ko naman papahirapan yung pinsan nya? May topak talaga yun."
Nagulat ako nang may biglang bumatok sakin. At nakita kong si Rea yun kasama si Jules, dumating na pala sila.
"Baliw! Ibig sabihin nun,pag nanligaw sayo si Jerome wag mo pahirapan! Sabi ni Rea sakin.
"Kaya kami hindi nakasabay sayo kasi nagpaalam samin si Jerome kung okay lang daw ba na manligaw sya sayo kasi nasabi namin sa kanya na wala kang boyfriend. At pumayag kami,kami pa nga tutulong sa kanya para mapasagot ka eh." Proud na sabi pa nitong si Jules.
"Alam naman kasi naming crush mo yun eh." Dagdag pa ni Rea.
"Baliw talaga kayo! Kaibigan ko lang yun. At yun lang yun wala ng iba. Bakit kasi hindi nya sakin tinanong,bakit sa inyo pa?" Inis na sagot ko sa kanila.
"Bigyan mo na lang ng chance, malay mo magustuhan mo din." Singit naman ni mina.
"Ayoko pa nga ng mga ganyan!" Sagot ko naman kay mina.
"Gumaganyan ka pa, sa susunod ikaw na yung aasarin namin ng pang asar mo sakin ng 'kunyaring ayaw pa.' Haha! " Pang aasar ni Rich sakin.
"Ewan ko sa inyo!" Yun na lang nasabi ko sa kanila dumating na din si ma'am kaya nagsibalik na kami sa proper seats namin.
---
AT LAST UWIAN NA DIN!
"Ingat kayo ah!" Paalam namin sa isa't isa,kami na lang ni Jules magkasama. Pero biglang sumigaw 'tong si Rea..
"Jelyn, dalaga ka na!"
"AYIEEHHH!" sabay -sabay nilang sinabi.
"Ang lakas talaga ng mga topak nyong lima." Sabi ko kay Jules, na paglingon ko may tinatawag sya sa kabilang kalsada.
Habang papalapit yung lalaki,napansin kong si Jerome pala yung tinawag ni Jules.
"Wag ka na magreklamo 3hours yang naghintay dito. Tsaka hindi naman kita iiwan no! Kala mo sakin?! Lagi kaya tayong sabay!" Pag aassure ni Jules sakin para mapanatag naman ako.
"Oo na! May magagawa pa ba ko?!" Sagot ko habang nakangiti ako sa kanya.
"Hoy Jerome! Anong ginagawa mo dito? Sinusundo mo si Jules noh?
ikaw talaga,hindi mo man lang sinabi sakin. Kunyari ka pang ako yung gusto mong makita kanina sa mall.hahaha!
Ayan pinagtripan nyo ko kanina, kayo naman!haha!
"Hoy JERELEN! hindi si Jules sinusundo ko,.
Ikaw kaya!" Namumulang sabi sakin ni Jerome
"Eh bakit mo ko susunduin? Marunong naman akong umuwi JE-RO-ME!" Haha READ YOUR NAME THE WAY YOU SPELL IT daw eh. Kaya ayan!
"JE-RE-LEN wag ka ng makulit dyan! Uwi na tayo gabi na." Sabi naman ni Jules sakin sabay kurot pa sa may tyan ko. Tapos naglakad na sya.
"Ayy..wait lang,kasama ko kasi si Darren may binili lang sya sandali. Wait lang.." tumunog yung phone nya may nagtext.
"Una na daw tayo,may nakita daw kasi syang classmate nya dun na sya sumabay." Sabi ni Jerome kaya naglakad na kami papunta sa sakayan.
"Jelyn,parang nakita ko si *toot* kanina parang papunta sya s direksyon natin pero bigla syang sumakay." Bulong sakin ni Jules.
"Ha?bat di mo sinabi sakin?hindi ko na naman tuloy nakita." Panghihinayang ko na naman na sagot sa kanya.
Eto namang si Jerome,biglang sumingit.
"Ano Jelyn? Ok lang ba sayo?" Tanong nya sakin.
"Ok ang alin? Kung tungkol yan dun sa panliligaw mo. Stop it!" Sagot ko sa kanya hindi ko kasi alam gagawin ko.
"Ayaw mo? Ilang beses ko ng sinubukan 'to Jelyn,ayaw mo man lang ako bigyan ng chance. Ang daya mo naman!" Reklamo naman nya
"Jelyn,wag kang ganyan. Bigyan mo ng chance." Bulong sakin ni Jules.
"Oo na sige na,papayagan kita! Niloloko lang kita eh. Hahaha para kang bata na hindi binilhan ng gusto mong laruan."
"Talaga?" Tanong sakin ni Jerome na tuwang tuwa.
"Hoy! Pumayag lang ako na magpaligaw sayo hindi pa kita sinagot para maging girlfriend mo!" Sabi ko kay Jerome,kala mo naman kasi kung makareact sinagot ko na sya.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa makasakay na kami,pero itong si Jules tahimik na. Iniisip nya siguro kung bakit napapadalas nyang makita si *toot*.
Bakit nga ba? Nakakapagtaka, kasi last nya 'tong makita 2 years ago na. Baka naman lumipat sila ng bahay at dito na sa malapit nakatira. Nakakainis kasi bakit hindi ko pa yun nakikita.!
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...