CHAPTER 9
------
Jerome's PoV
^_____^
"Jules thank you talaga aah! Ang saya ko ngayon,nang dahil yun sa tulong mo." Sabi ko kay jules nang nakangiti.
"Ano ka ba para din naman yun kay jelyn kaya tinutulungan kita. Basta pangako mo lang na hindi mo sasaktan yang kaibigan namin.Marami kang makakalaban!" Pagpapa alala sakin ni jules.
"Yes ma'am!" Sabi ko sa kanya nang nakasaludo pa.
"Good! Oh sige sakay na ko ah. Thank you din sa paghatid.
Paano ko ba mapapasalamatan 'tong si jules.? Ang laki ng utang na loob ko dito. Lalo na pag napasagot ko si jelyn.
"Jules wait lang!"
Bigla ko syang niyakap,kaya nagulat sya sa ginawa ko. Wala na kasi akong ibang maisip. Yun na lang yung way ng pasasalamat ko sa kanya. Habang yakap ko sya sinabi ko sa kanya na...
"Jules thank you talaga! Pasensya ka na sakin. Alam ko din na mapipilitan kang samahan ako pag pupunta ko kina jelyn kaya ngayon pa lang thank you na sayo."
Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya,kaya nakita ko ang mukha ni jules na namumula, gulat na gulat yata sya sa ginawa ko.
"Pasensya na jules. Nagulat ka ba sa ginawa ko? Sorry,hindi ko na uulitin." Sabi ko sa kanya,baka mamaya sampalin ako nyan bigla, kaya inunahan ko na.
"Ha? Hindi naman ok lang. S-sige sakay na ko. Bye jerome,ingat!" Pagpapalam sakin ni jules.
"Sige, ingat din." Paalam ko din sa kanya.
Nakasakay na din ako ng jeep, nakakahiya kasi napapangiti ako mag-isa dito.Ang saya ko talaga! Matagal ko nang gustong ligawan si jelyn, ngayon lang nya ako pinayagan. Nung high school kami lagi akong nirereject nyan. Maraming nagkakagusto dyan pero wala yata syang pakialam. Ako nga lang yata naging close nyan na lalaki eh,kaya siguro kahit ilang beses pa akong nagtry na manIigaw sa kanya hindi nya ako tinatanggap kasi mas mahalaga talaga sa kanya ang friendship lalo na't ako lang yung lalaki sa mga kaibigan nya.Kaya kahit matagal pa kong manligaw sa kanya, ayos lang maghihintay pa rin ako. Ako pa?!
Gustong gusto ko talaga yan si jelyn at alam kong mamahalin ko pa sya nang husto katulad ng dati.
"DARREN! DARREN! HINTAYIN MO KO DYAN!" tawag ko kay darren, nakita ko kasi sya na naglalakad kaya bumaba ako para ibalita ang good news.
"Darren, pinayagan na ko ng parents ni jelyn na ligawan ko yung anak nila." Pagbabalita ko kay darren.
"Talaga? Galing ka dun? Sayang hindi pa tayo nagkita doon. Galing ako dun eh,hinatid ko yung jelyn mo. Hindi yata marunong tumawid,muntik pang masagasaan."
"Ha? Muntik masagasaan? Oo nga pala, hindi daw pala sanay tumawid yun mag-isa. Salamat darren,pero naunahan mo ko aah."
"Naunahan? Saan?" Nagtatakang tanong ni darren sakin.
"Ikaw kasi yung unang lalaking pumunta sa kanila para ihatid si jelyn.
Sabi nga ng mga kuya nya, iba daw tingin mo kay jelyn parang may crush ka daw sa kanya. Haha! Natawa nga lang si jelyn eh."
"Ah ganun ba? Yun lang pala eh. Ikaw naman yung unang lalaking naglakas loob na manligaw sa anak nila diba? Tsaka crush si jelyn mo?haha!
Pwede din pre, ang ganda kaya ni jelyn tapos ang kulit pa. Kakaiba! Haha!" Pang-aasar ni darren sakin.
"Sige crush lang ah. Pero sa akin pa din yun. Walang agawan. Hindi mo maagaw sakin yun. Tsaka nakita mo na rin naman yung ex mo diba? Bakit hindi mo kausapin para balikan?"
"Tumigil ka nga dyan jerome. Wala na yun,kung kakausapin ko sya para sa closure lang namin at wala ng iba."
"Sino ba kasi yang ex mo bakit hindi ko pa nakikita yun?"
"3years ago na yun jerome,hindi pa ko dito nakatira nun kaya hindi mo talaga kilala yun."
"Ganun ba? Eh diba taga dito lang din naman yun,turo mo naman sakin minsan kapag nakita mo sya.
"Pag kinulit mo pa ako tungkol dyan liligawan ko din si jerelen! Bahala ka! Alam kong talo ka sa akin kasi mas gwapo ako sayo.! Hahahaha"
"Asa ka pinsan! Si jules na lang sayo,maganda din yun.!"
------
Jules' PoV
Putek yun si jerome, magpapasalamat na lang yayakap pa!
Baka nahalata nun na namula ko kanina, tapos sobrang lakas pa ng kabog ng dibdib ko habang yakap nya ako. Kainis talaga yun! Nahiya tuloy ako bigla sa kanya.
*beep beep*
1 new message from jelyn:
GIRLS!! 2POINTS NA SA AKIN SI JEROME!
HE GAVE ME A BIG SPONGEBOB!!^_____^
-THanks a lot din jules!
-jem,rea,rich,mina, wala na huli kayo sa balita!hahaha
*GM ko sa inyo!^__^
#goodnight!Godbless!
****
Sira talaga yung babae na yun, masasagot nya yata yun si jerome dahil sa spongebob eh, pano pa kaya kung kasama si patrick dun sa binigay ni jerome?? Edi sila na agad! Baka hindi na manligaw yun si jerome..hahaha!
Magkakalovelife na yata talaga 'to si jelyn,hahabol pa kay rea and rich na nagpapahirap ng mga manliligaw nila! Edi sila na maganda!haha!
*beep beep*
1new message from jerome:
"Jules, simba tayo bukas! Tinext ko na din si jelyn. 10 tayo. Thank you! Alam ko hindi papayag yun pag wala ka."
--
REPLY
To jerome:
"Sige tetext ko na din sya. Kita na lang tayo sa sakayan papunta kina jelyn para sunduin na lang natin sya."
--
MESSAGE SENT
--
To jelyn:
Simba tayo bukas ng 10,daanan ka namin dyan s inyo.
MESSAGE SENT
--
after 5 minutes,hindi sya nagreply. Tulog na siguro. Ang kulit talaga nun,yung iba hindi nakakatulog sa sobrang kilig pero sya humihilik na yata agad.haha!
Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to, parang namiss ko din ang magkaboyfriend,isang beses pa lang ako nagkaboyfriend eh! Minalas pa!
Baliw kasi yung *toot* na yun eh! After graduation, wala na! Nagtext na lang sya nun na magbreak na lang daw kami since magkaibang school na yung papasukan namin baka mawalan na daw kami ng time sa isa't isa. Nung time kasi na yun,bumalik na ko dito samin para dito na magcollege sa manila. Siya naman nagstay dun sa Province ang alam ko nakikitira lang din sya sa tita nya yung parents nya kasi nasa ibang bansa para magtrabaho,ako naman dayo lang din kasi nung 4th year high school lang talaga ko nag-aral dun para may kasama lola ko sa bahay. Kaya nung graduate na kami ng high school parang nagkanya-kanya na kaming dalawa. Umiyak ako nung una pero naisip ko tama naman sya,mahirap kapag long distance relationship kaya tinanggap ko na lang din. Kaso lang kailangan pa rin talaga namin ng closure gusto ko rin naman kasi syang maging kaibigan ulit.
Kaya pag nakita ko sya ulit,kakausapin ko na sya!
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...