CHAPTER 32

158 22 5
                                    

CHAPTER 32

Ilang araw na lang aalis na si darren. Araw-araw na silang magkasama ni jelyn. Todo bonding na silang dalawa minsan hindi na umuuwi si darren. Hindi na talaga mapaghiwalay ang dalawa hindi na nila sinasayang ang mga araw na magkasama sila.

Isang araw bago umalis si darren,napagplanuhan nila na magpadespedida si darren sa bahay nila jelyn. Invited ang lahat ng kaibigan nila,parang get together na din nilang magkakaibigan.

Kumpleto sila may ilan ding mga kaklase si darren na dumating.

"Pare ingat ka dun! Babalik ka ah!" Sabi ni jonas na classmate ni darren.

"Oo naman mamamatay ako dun wala ang buhay ko eh!" Sabi ni darren nang nakangiti at tumingin ito sa direksyon kung nasaan nakapuwesto si jelyn kasama ang mga kaibigan.

"Mahal na mahal mo talaga, ang ganda talaga ng girlfriend mo eh no! Pag hindi ka bumalik maraming pwedeng mag-apply diyan." Sabi pa ng isang kaklase niya.

"Mga tol kahit ilan pa kayong umaligid diyan ako lang mamahalin niyan." Pagmamayabang ni darren.

"Kampante ka talaga ah! Eh si jelyn ba dapat din bang makampante?" Singit ng kuya jonjon ni jelyn.

"Oo naman kuya! Si jelyn lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito!" Sagot niya kay jonjon.

"Seryoso yan kuya! Kasi pati ako makakalaban niyan pag pinaiyak niya ulit si jelyn." Singit ni jerome.

Lumapit si darren kay jelyn, at itinayo ito.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni jelyn.

"Ma, pa, mga kuya at kayong lahat kayong lahat ang magiging saksi sa pangakong bibitiwan ko kay jelyn at sa pangakong bibitiwan niya rin sa akin. Wag po kayong mag-alala hindi ko pa naman po 'to proposal, magtatrabaho po muna ako!" Malakas na sabi ni darren.

"Hoy anong sinasabi mo? Tsaka feel na feel mo na mama at papa na ang tawag mo sa parents ko ah." Pagkontra ni jelyn.

"Wag ka ng kumontra sila nga hindi kumokontra eh."Sabi ni darren at marahan nitong hinawakan ang mga kamay ni jelyn, humarap ito sa dalaga at may kinuha siya mula sa bulsa. Dalawang singsing na nakalagay sa isang maliit na kahon.

"Jerelen Legaspi, mahal na mahal kita. This ring symbolizes my vow that no matter what happens I will be back here to marry you and to love you always and forever and you will always be my only one because no one can replace you here in my heart and in my life. You are my life jelyn,mamamatay talaga ko kapag nawala ka. I love you so much! Feeling ko kulang na ang salitang I love you dahil sobrang minamahal kita! Even we're apart we will always be together." Sincere na sabi ni darren at hinalikan na niya sa noo ang girlfriend na kanina pa tumutulo ang mga luha dahil sa nararamdaman niyang sincerity ng boyfriend.

"I hate you! Ang corny mo! Ano 'to exchanging of vows? Anyway, I love you too John Darren Alvarez. You know what I think no words can explain how much I love you, how happy I am that you came into my life. Ikaw ang nagparamdam sakin kung gaano kasaya magmahal. I promise that no matter what happens I will wait for you, Even you are away I will always love you. You will always be my only one! You are the first and I pray that you are also the last man that I will love in my whole life. I love you moo. I love you that much that I will learn how to wait eventhough I hate waiting.!" Naiiyak na sabi ni jelyn,sinuot niya ang singsing kay darren at niyakap niya nang mahigpit ang boyfriend.

Nagpalakpakan ang lahat sa panimula ni rea. Nakalimutan na yata nila na may mga kasama pa sila.

"Kapag yang exchanging of vows niyo nauwi sa wala yari ka samin darren!" Singit ni mina.

"Oo nga,ngayon lang namin nakitang ganyan yan si jelyn. Kaya tuparin mo lahat ng pinangako mo!"dagdag pa ni rea.

"Oo wag mong ipako! Kung hindi.." dagdag din ni jem.

"Tama lahat ng sinabi nila!Hindi namin akalain na si jelyn magsasalita ng mga ganyan sa harap namin. Ibig sabihin sobrang mahal ka niyan!" Sabi pa ni jules.

"Oo nga kaya wag mong sayangin yun! Tsaka bilisan mo mainipin talaga yan!" Pahabol naman ni rich.

"Talagang lahat kayo may comment? Pano naman yung family? Wala ng sasabihin kasi sinabi niyo na lahat! Kayo talaga!" Mapang-asar na sabi ni jerome.

"Oo wala na kaming masasabi! Basta alam mo na kapag hindi natupad lahat ng sinabi mo. Nandito lang kaming tatlo always ready!" Singit ni jason.

"Tama na nga yan! Basta darren, binibigay ulit namin ang tiwala namin sayo. Alam naming babalikan mo yang unica hija namin. Kaya mag-iingat ka na lang doon!" Bilin ng papa ni jelyn.

"Oo darren mag-ingat ka doon alagaan mo yang sarili mo. Kung hindi si jelyn na naman ang iiyak! Thank you for loving our daughter ha!" Sabi ng mama ni jelyn.

"Hindi naman kasal 'to ah! Ang drama niyo aalis lang si darren. Babalik yan sigurado ko don. Kasi ayaw na niyang makatikim ng sapak." Sabi naman ni jonjon.

"Subukan mo lang na wag bumalik!" Sabi naman ni jason na pasuntok-suntok pa kunyari sa palad niya.

"Salamat po sa tiwala! Babalik po ako pangako!" Pangako ni darren sa mga magulang at kuya ni jelyn.

Kinabukasan, oras na ng pag-alis ni darren pero napag-usapan nila na hindi na siya ihahatid ni jelyn. Ayaw ni jelyn kasi baka humagulgol lang siya ng iyak doon at baka hindi niya magawang paalisin si darren. Kaya nagdecide din ang parents ni jelyn na pupunta muna sila ng tagaytay at dun muna sila magisstay for atleast 2 days para malibang daw si jelyn.

Habang nasa biyahe sila jelyn at bago lumipad ang eroplano na sinasakyan ni darren nag-usap muna ang dalawa sa cellphone.

"Moo 5 minutes na lang lilipad na 'tong eroplano. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita. At yung binitiwan kong pangako sayo kagabi tutuparin ko lahat ng iyon. I love you so much!" Nanginginig ang boses ni darren habang sinasabi niya ang lahat ng iyon.

"I love you too moo! Hihintayin kita! Mahal na mahal kita sobra! Don't forget to call me pagdating mo dun ah. Skype mo ko agad! And one more thing beware of bellat girl ah.I trust you! I love you!" Umiiyak na sabi ni jelyn.

"Bye darren! Ingat sa biyahe!" Sabay sabay na paalam ng mga kuya at parents ni jelyn.

"Say thank you to them, I love you!" Yun na ang huling sinabi ni darren at lumipad na ang eroplanong sinasakyan niya.

"Maghihintay ako darren! I love you!" Pahabol na sabi ni jelyn pero naibaba na ni darren ang cellphone. Kaya naiwan nang umiiyak si jelyn.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon