CHAPTER 24
Nagsimula na ang OJT nila Jelyn busy na talaga sila, araw-araw na silang nasa school kung saan sila naassign magpractice teaching. Ganun din naman sila Jerome at Darren, dahil nga pare-parehas na silang graduating students. Every weekends na lang sila nagkikita pero mas minamahal pa nila ang isa't-isa. Kung minsan naman nagkakatext sila o kaya nagtatawagan habang walang ginagawa.
Mabilis lumipas ang araw. Nakabalik na rin sa Australia ang mama at papa ni Darren. December 10 na sa sobrang pagod ni Jelyn nung araw na yun hindi niya namalayang nakatulog na pala sya pagdating niya. Ang araw na yun ang kanilang 1st Monthsarry, hindi niya nabati si Darren dahil nakalimutan niya ang mahalagang araw na yun para sa kanila dahil sa sobrang busy niya. Hindi rin naman nagtext o tumawag si Darren sa kanya. Minsan kasi may araw na kahit isang text o tawag hindi na nila nagagawa, napag-usapan naman nila yun kaya't sinusulit na nila ang sabado't linggo na magkasama sila.
Sa gitna ng pagpapahinga ni Jelyn, hindi inaasahan na dumating si Darren sa bahay nila. Nagulat naman ang parents at mga kuya ni Jelyn dahil nga weekends na lang siya pumupunta doon at Friday pa lang ngayon.
"Oh Darren anak bakit nandito ka? Nakauniform ka pa ah,umuulan sa labas nabasa ka tuloy. Tulog pa naman si Jelyn kararating lang niya kasi." Salubong na pagtatanong ng mama ni Jelyn.
"Tulog na po si Jelyn? Monthsarry po kasi namin ngayon nakalimutan niya yata. Hintayin ko na lang po siguro siya magising." Sagot naman ni Darren tapos inilapag ang dala dalang bulaklak at egg pie.
"Gigising pa yun mamaya,hintayin mo na lang kaya lang baka gabihin ka. Pakainin mo muna siya ma!" Sabi ng papa ni Jelyn.
"Tara upo ka muna dito darren. Tulog mantika pa naman yun si ate!" Pagyaya ni kuya 2 ni Jelyn kay Darren. Tinatawag nilang ate si Jelyn kasi kung umasta akala mo siya yung mas matanda at hindi ang bunso.
Pinakain na siya ng mama ni Jelyn. Mas lumakas pa ang ulan,masyado na ding gabi pero hindi pa rin nagigising si Jelyn.
"Hala ma ang lakas na ng ulan gisingin mo na lang si Jelyn gabi na baka hindi na makakauwi si Darren oh." Biglang sabi ng kuya 1 ni Jelyn.
"Oo nga, gisingin ko lang sandali." Sabi naman ng mama ni Jelyn.
"Gisingin mo pero wag na nating pauwiin 'tong si Darren malakas na masyado yung ulan at gabi na. Dun mo na lang patulugin sa kwarto ni Jelyn." Suggestion naman ng papa ni Jelyn.
"Wag na po, uuwi na lang ako bukas na lang ako ulit pupunta dito Saturday naman po eh."
"Hindi na malakas yung ulan oh! Tabi na lang kayo ni Jelyn." Nakakalokong sabi ng kuya 3 ni Jelyn.
"Hoy José tumigil ka nga! Hindi mo mapapayag si jelyn! Sakin ok lang may tiwala naman ako dyan kay Darren eh." Saway naman ng papa ni Jelyn kay Jose na si kuya 3 ni Jelyn.
"Hoy mga baliw kayo kahit ako hindi papayag. Malaki nga ang tiwala ko dyan sa bata na yan pero hindi pa rin pwede. Gigisingin ko muna si Jelyn." Pagtutol naman ng mama ni Jelyn.
Ginising na si Jelyn ng mama niya. Masyadong pagod si Jelyn kaya ang tagal bago gumising.
"Jelyn,gising na hindi ka pa kumakain." Sigaw ng papa niya mula sa sala.
"Jelyn ano ba may bisita ka! Kanina pa nandito yan oh." Gising pa ng mama niya sa kanya habang niyuyugyog siya para magising.
"Waahh! Sino ba yan? Natutulog na ko eh!" Reklamo ni Jelyn sa mama at papa niya. Nasarapan kasi siya sa pagtulog lalo na't umuulan.
"Tumayo ka dyan, may bisita ka at dito sya matutulog! Malakas yung ulan kaya hindi sya makakauwi. Kanina ka pa nya hinihintay gumising ayan tuloy inabutan ng malakas na ulan! Kaya dun ka sa labas matulog,ilatag mo yung folding bed." Utos ng mama niya sa kanya .
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...