CHAPTER 18
Jules' PoV
Last day na 'to bago magsembreak, wala na kaming ginagawa kaya eto tambay muna kami sa bahay nila Jem.
"Jules kamusta nga pala? Mamaya pa lang kami makakapagusap ni Jerome eh. Hindi naman sya masyadong nagtanong sa text kung bakit hindi ako nakapunta nung saturday napaliwanag mo naman siguro sa kanya kaya hindi nagalit sakin. Thank you talaga ah!" sabi ni Jelyn.
"Wala yun! Pero next time ayoko na ah. Last na yun." Sagot ko sa kanya.
"Bakit naman? May nangyari ba ginalit ka ba ni Jerome?" Tanong naman ni Jelyn.
"Anong bakit naman Jelyn? Hindi ba halatang naiistorbo nyo na si Jules? Singit naman ni Rea.
"Next time kasi pag tumanggap ka ng manliligaw isa-isa lang." Dagdag pa ni Mina.
"Oo nga ang ganda mo kasi masyado eh. Halatang si Darren naman gusto mo pinapaasa mo pa si Jerome naiistorbo tuloy si Jules!" Gatong pa nitong Rea na 'to.
"Tama!" Pagsang-ayon naman ni Rich.
Si Jelyn hindi na nagsasalita,hindi na naman nagpapahalata na naiinis sya.
"Oh wait nandito ka pala Rich,himala!" Yun na lang sinabi ni Jelyn.
"Tama na yan mabadtrip nyo pa yan si Jelyn." Awat aman ni Jem.
''Oo nga tama na yan hindi nya kasalanang maging maganda! kaya lang jelyn kailangan mong mamili parehas silang umaasa sayo." Sabi ko kay jelyn.
"Yun nga eh. Hindi ko naman sinabi sa kanila na ligawan nila ko. Sabi ko ang bibigyan ko ng chance ay si Jerome pero bakit ganun parang kay Darren ako nahuhulog. He confessed his feelings for me last saturday night and here's the proof." Paliwanag ni Jelyn sabay pakita ng wrist nya na may nakasuot na bracelet na may nakalagay na J <3 D.
"And you said yes?"tanong ni Mina.
"Hindi. Sabi nya sakin hindi pa daw nya ko minamadaling sumagot kasi alam naman nya yung sitwasyon."
"Jelyn kung alam mo lang si Jerome din binalak na tanungin ka kahapon kung sumipot ka sa usapan nyo. Hindi mo man ginusto pero may pinaasa kang tao." Sabi ko ulit sa kanya.
"Alam mo kung ngayon pa lang alam mo na kung kanino ka nahuhulog bakit hindi mo pa tapatin si Jerome?" Suggestion naman ni Rea.
"Yung kahapon kasi hindi ko naman ginusto na hindi sya siputin,nakwento ko naman diba? Tsaka hindi ko alam kung pano sasabihin kay Jerome ayoko syang saktan kaibigan ko sya." Problemadong sabi niJelyn.
Hindi ko alam kung magagalit ba ko kay Jelyn dahil sa ginawa nya kay Jerome o matutuwa ako kasi hindi na magiging sila ni Jerome.
Oo inaamin ko na sa sarili ko na nagkakagusto ko kay Jerome,hindi ko alam kung bakit pero pag kasama ko sya masaya ko kaya lang siJelyn ang gusto nya. Kaya malabo din 'tong nararamdaman ko.
"Kailan mo ba ipapakilala samin si Darren?" Biglang tanong ni Jem.
"Oo nga hindi pa namin sya nakikilala ng personal." Dagdag pa ni Rich.
"Oo nga si future 1st boyfriend mo kailan namin makikita?"dagdag na tanong pa ni Mina.
"Kawawa naman si Jerome!" Singit ni Rea.
"Makikilala nyo din yun pag naayos ko na lahat. Rea wag kang ganyan nagiguilty ako lalo!"
Paano na nga si Jerome? Hindi ko nga pala sya nakakausap simula nung gabing nagkiss kami. Nakakainis kasi eh bakit nung una napigilan ko pero nung gabing yun wala na talaga kong nagawa. Kaya eto todo iwas ako sa kanya ang dami na nyang text at tawag sakin pero hindi ko pinapansin. Nakakamiss din yung mokong na yun.
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...