CHAPTER 22

174 24 3
                                    

CHAPTER 22

Back to school na sila Jelyn, wala naman sila masyadong ginawa. Nagkuwentuhan lang sila tungkol sa naggagandahan nilang love life, panay naman ang kantsaw ni Rea at mina kay Jelyn dahil nga sa first time nyang makipagrelasyon at kay Jules na dating naging tulay ng Jerome- Jelyn loveteam na ngayon ay naging Jerome-Jules loveteam at si Jelyn napunta kay Darren.

"Ang galing niyo ding dalawa no sa lahat ng bagay lagi kayong magkaparehas pati ba naman sa manliligaw ganun pa din? Buti na lang lumihis ng konti 'tong si Jelyn!" Komento ni Rea sa balita nila Jelyn.

"Related pa din eh!" Dagdag ni Mina.

"Bakit?"tanong ni rich.

"Eh kasi diba magpinsan si Jerome and Darren?!"sagot naman niJem.

"Pano yan Jules sinagot na ni Jelyn si Darren ikaw na ba susunod?" Tanong ni Rea.

"Malamang! Baka bukas sila na ni Jerome! Alam mo naman yang dalawa na yan." Singit ni Mina.

"Grabe kayo! Hindi naman lagi minsan lang diba Jelyn?" Pagkontra ni Jules.

"Oo minsan lang pero sagutin mo na din yun si Jerome!" Panloloko naman ni Jelyn.

"Dapat ba laging sabay? Ikaw talaga Jerelen!" Panloloko din niJem kay Jelyn at pinisil pa ang braso nito.

"May toyo talaga yan si Jelyn!" Sabi pa ni Rich.

"Kambal yata kayo eh, hindi ba kayo nagsasawa sa mukha nyo?!" Dagdag pa ni Mina.

"Lagi na lang yang may kapareho si Jelyn. Gaya gaya talaga yan!" Dumagdag pa si Rea. Si Rea na akala mo walang problema kay Joseph na boyfriend niya, may pagkabipolar kasi si Rea pagdating sa kanyang love life pero mukhang masaya pa din siya.

"Ganyan kayo ah! Makatulog sana kayo sa ginagawa nyo sakin!hahaha!" Pagreklamo ni Jelyn, sinabi pa yung linyang hindi nila makakalimutan dahil kay Rich. Nung bago pa lang si Rich atRain medyo nagkagulo silang magkakaibigan at yung linyang yun ay sinabi ni Rain.

Nagtawanan silang magkakaibigan. Lagi nilang inaasar si Jelyn pero kapag si Jelyn nangaasar tawa lang sila ng tawa lalo na si Jelyn dahil kapag inaasar nya si Rich dun lang sya nakakabawi sa lahat ng pangaasar na inaabot nya sa mga kaibigan.

"Tama na yan! Kailan ba namin makikilala yang boyfriend mo?" Singit ni Jem.

"Mamaya diba Jelyn? Magkasama yung magpinsan na pupunta?" Tanong ni Jules.

"Oo natext ko na si Darren. Napagusapan na daw nila ni Jerome. Kaya mamaya punta tayo sa mall para makita nyo na si Darren." Sagot ni Jelyn.

Tumambay muna sila sa may bilihan ng ice candy malapit sa school nila habang naghihintay ng oras dahil parehong may klase yung dalawa. Maya-maya pa may tumatawag na kay Jelyn.

"Yes hello! Ano na?" Sagot ni Jelyn kay Darren na nasa kabilang linya ng telepono.

"Moo,pupunta na ko hindi ko na hihintayin si Jerome mauna na ko diyan. Nasan ka?" Tanong naman ni Darren.

"Sige punta na lang kami sa mall, dun na lang tayo magkita!"

"Sige I love you moo!ingat!"paalam ni Darren.

"Bye ingat!" Paalam din ni Jelyn.

"Wait! Bakit walang I love you too?" Reklamo ni Darren.

"Same to you moo! Dami mong arte! Bye!"

"Ayiehh!" Sabay sabay na kantsaw ng limang kaibigan.

"Tumigil nga kayo! Punta na tayo ng mall papunta na dun si Darren. Jules wala pa din daw si Jerome kaya mauuna na lang si Darren." Sabi ni Jelyn.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon