CHAPTER 6

324 59 56
                                    

CHAPTER 6

Jules' PoV

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nagpatulong sa amin si Jerome para mapapayag si Jelyn sa gagawin nyang panliligaw, ang hirap kasi minsan kausap nung babaeng yun. Pakipot pa kunyari! Sinusundo ni Jerome si Jelyn kapag wala syang pasok o kaya maaga ang uwian nila, kaya lang hanggang sa may kanto lang pwede hindi pa kasi sya nagpapaalam sa parents ni Jelyn. Hindi na rin nya kasama yung pinsan nya kasi busy din daw.

Ilang araw na din ang nakalipas nung nakita ko si *toot*,lucky charm ko talaga yung babaeng yun. Napapadalas yung pagkita ko sa kanya,ok lang din naman kasi naka move on na rin talaga ko. Ready na nga akong magmahal ulit eh,kaya lang hindi pa dumadating ang right guy for me. Yung samin ni *toot*,closure lang talaga ang kulang samin,kaya medyo awkward pag nagkikita kami.

* beep beep*

1 new message from 09********

"Jules,Jerome 'to. Kita naman tayo,wag kang maingay kay Jelyn. Hintayin kita sa mall mamayang 4. Please pumayag ka! Thank you!"

Si Jerome pala. Magpapatulong na naman siguro 'to. Tinext ko na sya at sinabi kong pumapayag na ko. For the sake of Jelyn's lovelife.

Uwian na!

Kasama ko nga pala si Jelyn,ano kayang sasabihin ko dito?

Bahala na!

"Jelyn, una ka ng umuwi aah! Nagtext yung kapatid ko nagpapasama sakin. Ingat ka aah! Una na ko!"

"Eehh..sama na lang ako!"

"Wag na, baka gabihin kami nun. Tsaka baka mapagalitan pa ko ng mama mo."

Ayaw talaga umuwi nun mag isa eh. Sanay na kasi kami na kami lagi ang magkasabay pagpasok tsaka pag uwi.

"Sige na nga! See you tomorrow! Magpapaphotocopy lang muna kami dito. Ingat!"

"Sige ingat din kayo girls!" Paalam ko sa kanilang lima.

Tinext ko kaagad si Jerome na nakalusot na ko kay Jelyn kaya lang magisa lang syang uuwi. Nagreply naman agad,tinext daw nya yung pinsan nya na sunduin muna si Jelyn. Kaya gusto ko 'to para kay Jelyn eh,mabait talaga.

*sa mall*

"Jules, thank you pinagbigyan mo ko. Pasensya na sa istorbo! Kailangan ko kasi tulong mo,naisip ko kasing regaluhan si Jelyn kaya lang hindi ko alam kung magugustuhan nya yung bibilhin ko."

Salubong na paliwanag sakin ni Jerome na parang nahihiya pa.

"Ano ka ba ok lang. Para naman kay Jelyn eh. Tara na!" Pagyaya ko sa kanya.

"Sige,ano bang gusto nun? Nabanggit din kasi ni Darren na parang gusto nya yung spongebob. Pero hindi pa ko sure eh."

"Haha! Tama gusto nya yung spongebob and Patrick, adik kaya sya dun. Kaya hindi ka na mahihirapan ayun na lang bigay mo.!''

"Talaga?! Isip bata talaga yun noh.? Akyat na tayo?"

"Sige,para hindi rin tayo matagalan. Matanong ko lang, kung dati pa kayo magkaibigan ni Jelyn bakit ngayon mo lang sya naisipan na ligawan?" Tanong ko bigla kay Jerome kaya nagulat sya.

"Ha?! Eh kasi naman yang kaibigan nyo, ilang beses ko syang tinry na ligawan pero ayaw nya kahit crush pa daw nya ako. Kahit nga nung nagka girlfriend ako nagtry pa din ako,pero ayaw nya talaga. Kaya nga ang saya ko nung pumayag sya."

"Eh baliw ka pala eh! Bakit nagtry ka pa din nung may girlfriend ka na? Mas lalong hindi papayag yun." Sabi ko sa kanya sabay batok.

"Sinubukan ko lang naman! Kasi baka sakaling nagselos sya nun.haha!" Malokong sabi ni Jerome.

" Haha!may topak ka din eh noh?! Eh ngayon ba siguradong wala kang girlfriend? Yari ka samin kapag meron.!" Sabi ko sa kanya ng may pagbabanta.

"Wala! Promise!5 months na din yata. Nung nakita ko nga si Jelyn dito nun,parang bigla ko syang namiss ng sobra."

"Good! Mabuti nang nagkakalinawan tayo!"

Nakabili na kami ng spongebob para kay Jelyn next time na lang daw nya bibilhin si patrick,niyaya nya kong kumain treat daw nya parang pathank you na lang din daw kasi sinamahan ko sya.

"Hmmm.. Jules pansin ko lang lagi kayong magkakasama, wala din ba kayong boyfriend?" Biglang tanong sakin ni Jerome,nabingi na siguro sa katahimikan naming dalawa.

"Ha? Wala kami nun. Si Jelyn kasi ayaw pa tsaka bawal kaya goodluck na lang sayo kailangan mo pang harapin yung mga kuya nya at ligawan ang parents nya.haha! Ako naman,nagkaboyfriend na 3 years ago pero hindi pinalad eh. Hanggang ngayon wala pa ring closure. Si Rich and Rea may suitors, si Jem busy naman yun sa church tsaka hindi rin nagmamadali yun, si mina masaya na sa bestfriend nya. Kaming lahat masaya naman,kahit walang boyfriend. Kontento naman kami."

"Ganun pala! Yung kay Jelyn,goodluck talaga sakin nasabi na nya rin yun sakin eh.haha!

Oo nga pala si Darren wala ding girlfriend pakilala ko sya sa inyo minsan. Baliw kasi yun eh,laging nawawala kapag papakilala ko na kayo."

"Haha! Wag na lang, oo nga pala nasundo na ba sya ni Darren?" Muntik ko nang makalimutan yun si Jelyn aah.

"Ay oo..nagtext sakin kanina si Darren,magkasama na daw sila.

Wait Jules, may dumi ka sa may gilid ng mata mo." Sabi nya habang nakaturo sa direksyon ng dumi sa mukha ko.

"Ay.saan? Dito?"umiling si Jerome sabay sabing..

"Okay lang kung ako mag aalis?" Tapos kinuha nya yung tissue sa table at lumapit ng konti sakin, nakikita ko na tuloy ng malapitan ang mukha nya at kitang kita ko kung gano nga sya kagwapo.

"Ayan,wala na!" Sabi nya ng nakangiti pa sakin.

"T-thank you!" Sabi ko.

Wait lang.. bakit..

*dug dug dug dug*

Kinakabahan ako??

"Jules,pwede bang samahan mo ako sa kanila jelyn ngayon?" Biglang sabi ni Jerome kaya nadistract ang kaba sa dibdib ko at imbis na mawala mas lalo akong kinabahan at ibang kaba na ang naramdaman ko. Pabigla-bigla kasi sya. Biglang lumakas ang loob,desidido talaga sya sa panliligaw nya kay Jelyn.

Sana lang payagan sya ng parents ni Jerome. At wag sana magalit sakin si Jelyn.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon