CHAPTER 25
Kinabukasan mahimbing pa rin ang tulog ni Jelyn samantalang si Darren maaga nagising dahil uuwi pa sya para makapagpalit ng damit.
"Good morning po tito, tita! Si Jelyn po tulog pa din?" Bati ni Darren sa mga magulang ni Jelyn.
"Oo eh! Mag almusal ka muna dito mamaya pa yan gigising." Sabi ng mama ni Jelyn.
"Nakatulog ka ba nang maayos? Pagkatapos mo kumain katukin mo na lang si Jelyn." Tanong ng papa ni Jelyn.
"Opo,napasarap nga po tulog ko eh! Hindi po ba magagalit yun? Babalik na lang po ako dito mamaya para sunduin siya uuwi na lang po muna ko." Sagot ni Darren habang nagpapalaman ng pandesal.
"May lakad ba kayo? Hindi yan magagalit, ikaw na manggising para mas mabilis gumising yan." Sabi ng papa ni Jelyn.
"Oo ikaw na kunin ko lang yung susi ng kwarto niya. Pero Darren ah gising lang." Sabi naman ng mama ni Jelyn.
"Opo tita I know my boundaries naman po! Thank you po sa tiwalang binibigay niyo sakin, hindi ko po sisirain yan!" Pahayag naman ni Darren.
"Alam namin yun kaya nga pumayag kami sa relasyon niyo eh. Malaki talaga tiwala namin sayo kahit kay Jerome dahil kayo lang talaga yung lalaking naglakas loob pumunta dito." Sabi ulit ng papa ni Darren.
Binuksan na ng mama ni Jelyn ang kwarto niya. Naabutan nilang nakahilata pa ang dalaga at tulo laway pa,nakataas din ang damit at nakalagay ang kamay sa tiyan.
"Nakakahiya talaga 'tong babae na 'to. Bahala ka na diyan, mahihiya yan sayo. Ayoko sanang ikaw ang manggising pero dapat masanay na kayo sa mga kahihiyan niyo." Nangingiting sabi ng mama ni Jelyn.
Hindi niya isinara ang pinto ng kwarto ni Jelyn, lumapit siya ng konti sa dalaga ibinababa ang damit na nakataas, hinawakan ang kamay nito umupo siya sa kamang hinihigaan ni Jelyn habang hawak ang kamay nito at inayos niya ang buhok na nakasabog sa mukha nito at hinalikan niya sa noo.
"Moo gising na tanghali na oh! Uuwi na ko." Marahang ibinulong ni Darren sa tenga ng dalaga. Wala pa ring reaksyon si Jelyn kaya kahit mabigat pilit na iniupo ni Darren ang dalaga.
"Moo gising na!"Sabi ni Darren pero medyo napalakas ang pagkakasabi niya nito kaya nagising si Jelyn.
Nagulat si Jelyn dahil pagkadilat niya ng mata niya malapit ang mukha ni darren sa mukha niya. Napasigaw siya dahil ang unang pumasok sa isip niya bakit nasa loob ang boyfriend niya at ibig sabihin nakita ni Darren na tumutulo ang laway niya. Sobrang kahihiyan ang naramdaman ni Jelyn nun kaya nung sumigaw siya binato niya ng unan si Darren.
"Ma, pa bakit pinapasok niyo sa kwarto ko ang lalaking yan? Lumabas ka nga dito! Labas! Umuwi ka na!" Sigaw ni Jelyn.
"Hahahaha! Sige uuwi muna ko moo! Sunduin na lang kita ulit dito!" Tawang tawa na sabi ni Darren.
"Tito,tita gising na po siya pinapalayas na po ako. Hiyang hiya sa itsura niya. Uwi po muna ko! Balik po ulit ako mamaya thank you po!" Paalam ni Darren.
"Sige balik ka na lang dito! Sabi na nga ba magagalit yun eh." Natatawang sabi ng mama ni Darren.
Pagkauwi ni Darren sa bahay nila agad itong naligo at nagbihis, hindi na rin niya naabutan si Jerome sa bahay nila sinundo na yata si Jules. Maaga ang usapan nila dahil wala pa silang nagpaplanuhan,magkikita na lamang sila sa bahay nila Jelyn.
Pagbalik ni Darren sa bahay nila Jelyn nandun na si Jules at Jerome.
"Hello moo! I'm back! Nandito na pala kayo. Saan tayo ngayon?" Tanong ni Darren at lumapit agad kay Jelyn.
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...