CHAPTER 11

250 40 16
                                    

CHAPTER 11

Jules' PoV

Magkasabay kami ngayon ni jerome,nagpasama lang ako sandali sa botika nagtext kasi si nanay inutusan akong bumili ng gamot kaya eto naglakad pa kami ni jerome.

Natatawa ako kanina sa naging reaksyon ni jelyn sa ginawa sa kanya ni jerome,ayaw nya kasi ng mga ganun. Ayaw nya ng PDA,kaya malamang badtrip yun ngayon. Baka mamaya magalit sakin yun.

"Aray ko jules! Bakit mo ko binatukan?" Gulat na reklamo sakin ni jerome, binatukan ko kasi baka kasi mabadtrip yun si jelyn sakin.

"Haha! Naalala ko kasi yung reaksyon ni jelyn kanina sa ginawa mo. Baka pati sakin magalit yun. Badtrip yun ngayon sigurado!" Paliwanag ko sa kanya.

"Ah yun ba? Ano yun ginanti mo na sakin si jelyn? Ang sarap kasi asarin nun. Lagi lang nakatawa kahit inaasar na."nakangiting sabi ni jerome sakin.

"Pero hindi sa ganung bagay jerome! Ayaw nya sa lahat PDA, kaya yari ka dun pag nagkita ulit kayo." Sabi ko kay jerome.

"Ah. Paconservative talaga yung babae na yun.haha!" Sagot naman ni jerome.

Tatawa sana ko sa sinabi nya pero..

Natisod ako. May malaking bato pala sa daan,hindi ko nakita.

"JULES!"sigaw ni jerome sa pangalan ko sabay alalay sakin kasi muntik na kong masubsob.Yung pwesto namin? Nakahawak sya sa may bewang ko yung parang nakayakap na tapos..

Tapos..

*dug dug dug dug*

Pagharap ko sa kanya, sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Nakatingin sya sa may paa ko tinitignan nya siguro kung ayos na kaya pag-angat nya ng ulo nya,saktong nagtama yung mga mata namin, 5 seconds din siguro kaming nagtitigan at habang nakatingin kami sa isa't- isa yung puso ko parang sasabog na sa lakas ng kabang nararamdaman ko. Tama na 'to..

"O-okay na ko jerome.!" Yun na lang ang sinabi ko para matigil na yung moment na yun.

"S-sigurado ka? Mag-ingat ka kasi tumingin ka sa dinadaanan mo. Para ka ding si jelyn eh!" Sabi nya sakin na bandang huli si jelyn pa rin ang bukambibig.

"Hehe. Pasensya ka na ah! Thank you din! Sige bibilin ko na muna yung pinapabili sakin ng nanay ko." Sabi ko na lang kay jerome.

Nabili ko na yung kailangan ko,nasa sakayan na kami.

"Sige jerome una na ko! Thank you ulit! Ingat.! Paalam ko kay jerome.

"Sige, ikaw ang mag-ingat! Thank you din!" Paalam din nya.

Nasa bahay na ko,natutulala ako sa ginagawa ko kailangan kong matapos 'to. Kasi naman eh,naaalala ko yung nangyari kanina. Ewan ko ba ang saya ko naman pag nakikita ko na magkasama si jerome at jelyn. Masaya ko para kay jelyn kasi ngayon lang yan tumanggap ng manliligaw. Pero bakit ganun? Pag kaming dalawa na lang ni jerome ang magkasama lagi akong kinakabahan, ibang kaba yung nararamdaman ko. Kabang hindi ko mapaliwanag,buti na lang next week hindi ko kasama yun si jerome napapadalas na kasi yung pagsasama namin nyan ni jerome simula nung nagpatulong sya sakin.

---

Jerome's PoV

Ang saya ko ngayon,buong araw ko hawak yung kamay ni jelyn. Naisahan ko sya,pero baka galit yun sakin ngayon. Hindi kasi ako nawarningan ni jules eh kaya baka masapak ako nun pag nakita nya ko.

Si jules tsaka si jelyn may pagkakapareho. Katulad na lang kanina muntikan syang masubsob buti na lang nasalo ko sya. Dati naman si jelyn muntikan masagasaan buti na lang nandun si darren. Mga walang pakialam sa dinadaanan nila eh.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon