CHAPTER 31

170 23 4
                                    

CHAPTER 31

Ilang araw na lang graduation na nila, ilang araw na lang din malapit ng umalis si darren. Kaya talagang sinusulit na nila ang mga araw na magkasama sila. Si darren pagkagaling sa school o sa training dumidiretso agad sa bahay nila jelyn kulang na lang doon siya matulog. Minsan kahit marami silang ginagawa magkasama pa rin sila sabay nilang ginagawa ang mga paper works nila.

Graduation ball na nila. Sabay ang graduation ball nila kina jerome at darren kaya sila-silang magkakaibigan ang lang magkasama pero wala si rich hindi siya pinayagan kasi 4am matatapos ang party low blood pa naman yun. Pero kahit kulang sila inenjoy na lang nila ang party.

Sa kalagitnaan ng party habang nakaupo sila at naguusap-usap bigla na lang may nagtakip ng mga mata nila jelyn at jules.

"Oy sino 'to? Parehong tanong ni jules at jelyn.

"AYIEEHH!ANG GAGWAPO AH!" Sabay na sabi ng tatlo na si jem,mina at rea.

"Surprise!" Sabay na sabi ni jerome at darren.

"Bakit nandito kayo?"sabay na tanong ulit nila jules at jelyn.

"Ang boring sa grad.ball namin eh wala ang babe ko!" Nakangiting sagot ni jerome.

"Oo ang boring! Wala pang maganda nandito kasi yung moo ko eh. I miss you! Ayokong sayangin yung isang gabi ko dun ng wala ka!" Nakangiti ding sabi ni darren.

"Ang cocorny niyo!" Sabay na sabi ulit nila jelyn at jules.

"Sayaw tayo!" Yaya ni jerome.

Nagsayaw na nga sila. Si jerome nakahawak sa bewang ni jules habang nagsasayaw sila.

"Babe i love you! Gagraduate na tayo, pwede na kitang pakasalan. Hahanap lang ako ng trabaho!" Mukhang seryosong sabi ni jerome.

"Kasal-kasal agad iniisip mo. Matagal pa yun. I love you too! Masaya akong nakilala kita." Sweet na sabi ni jules.

"Mas masaya ako kasi dahil sayo nalaman kong may true love. I found my true love and that's you!" Sabi ni jerome at nagyakap sila.

Theme song nga yata talaga nila ang CATCH ME I'M FALLING by toni gonzaga dahil habang nagsasayaw sila yun ulit ang pinatugtog.

Sa kabilang banda, si jelyn at darren naman ang nagsasayaw.

"Jelyn, pag umalis ako araw-araw kitang tatawagan. Magskype tayo lagi. Mamimiss kita eh. Iniisip ko pa lang na aalis ako at iiwan kita dito namimiss na kita. Mahal na mahal kita jelyn!" Sabi ni darren kay jelyn habang magkayakap silang sumasayaw.

"Moo mahal na mahal din kita. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at yun ay dahil sayo. Basta pangako mo babalik ka ah. Yari ka sakin pag hindi ka bumalik." Sabi naman ni jelyn at hinigpitan pa nito ang pagkakayakap kay darren.

Tila masaya talaga si jules at jelyn hindi nila inaasahang darating sa kanila ang ganitong napakasayang parte ng buhay nila. Dati sinasabi lang nila na wala silang panahon sa mga ganung bagay at hindi rin naman sila nagmamadali at naghihintay lang sila ng tamang panahon, pero ngayon nararanasan na nila ang mga bagay na yun na dahilan ng pagiging masaya nila.

GRADUATION DAY

"Kita-kita na lang tayo doon. Congratulations satin! We made it! Thanks God!" Text ni jelyn sa mga kaibigan.

"Moo alis na daw tayo! Tara na. Ang ganda mo talaga lalo akong nababaliw sayo eh! Parang ayaw ko ng umalis." Sabi ni darren. Bukas pa kasi ang graduation nila kaya umattend siya sa graduation nila jelyn. Si jerome naman kahapon pa.

"Sus, iiwan mo na nga ako eh!" Sabi ni jelyn kay darren, magkaharap silang dalawa. Tumingin tingin si jelyn sa paligid niya tinignan niya kung nandun ang mga kuya niya at parents pero nasa labas na pala lahat at siya na lang ang hinihintay.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon