CHAPTER 7
Jelyn's PoV
Tapos na kami magpaphotocopy,umalis na si jules sasamahan daw nya yung kapatid nya kaya mag isa lang akong uuwi. Nagpaalam na ko kina rea,rich,jem and mina nang biglang may kumalabit sa akin mula sa likod. Bago pa ko lumingon etong apat na 'to sabay sabay pang..
"AYIEEHH..! Alis na kami jelyn ingat kayo ni Darren!"
"Ang ganda mo talaga!"pahabol na sigaw ni mina.
Paglingon ko si darren nga. Sa pagtataka ko ang tanging nasabi ko lang ay..
"Bakit ka nandito? Body guard ko ba kayong magpinsan? Yung isa nag dayoff kaya ikaw ang nandito.?!"
"Hahahaha! Baliw ka din talaga jelyn! Tinext kasi ako ni jerome na sunduin ka kasi hindi ka daw nya masusundo. Kaya nandito ako ma'am!" Tawang tawa na sabi sakin ni darren.
"Ah ganun ba? Kung ganun,dalhin mo lahat ng dala ko! Ganyan ang ginagawa ng body guard kong si jerome!" Sabi ko kay darren sabay abot ng mga gamit ko sa kanya at nagsimula na kong maglakad.
Haha! Ang maldita ko ba? Ganyan talaga ko,.
Patawid na ko papuntang sakayan, si darren sumusunod lang sakin.
Yari ako,hindi ako sanay tumawid nang mag-isa. Pero carry ko 'to kaysa naman pagtawanan ulit ako ng mokong na yun.
Tumawid na ko ng biglang..
*BEEP BEEP BEEP*
(Busina ng jeep.)
May parating palang sasakyan,hindi ko nakita! Muntik na ko dun!
Sa sobrang kaba at takot ko,hindi ko namalayan na si darren nasa harapan ko na at nakayakap sakin. Yung jeep nilagpasan na lang kami.
Si Darren at ako naman nasa tabi na hindi ko nga alam kung pano nangyari yun na nakatabi na kami.
Wait..
Si Darren nakayakap pa din sakin!!
*dug dug dug dug*
Lalo akong kinabahan nung narealize ko na si darren hindi pa rin bumitaw sa pagkakayakap sakin.
"D-darren, okay na ko! Baka hindi na ko makahinga sa yakap mo!"
Mabulol-bulol na sabi ko sa kanya.
"Ayy.. sorry! Sorry! Pinakaba mo kasi ako eh.. hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyari sayo." Sabi ni darren na halatang halata sa mukha nya na nag-aalala sya para sakin.
"Ano ka ba? Okay lang ako, hindi naman ako natamaan nung sasakyan eh. Tsaka wag ka na mag-alala!" Sabi ko sa kanya na may hiya sa tono.
"Anong wag mag-alala? Muntik ka na masagasaan jelyn!
Tsaka hindi mo maalis sakin ang mag-alala...
Yari ako sa pinsan kong si jerome!" Sabi nya ng may pilit na ngiti.
Yun pala yun. Akala ko sakin talaga sya nag alala. Yun naman pala,natatakot sya kung anong gagawin sa kanya ni jerome kapag may nangyari sakin.
"Ah.yun pala! Sige thank you sa pagharang! Tara na!" Sabi ko din sa kanya. Ewan ko pero parang may naramdaman akong disappointment. Tama naman sya,yari talaga sya kay jerome.!
Nakasakay na kami ng jeep,walang nagsasalita saming dalawa.
Bumaba na din kami at kukunin ko na yung gamit ko sa kanya kasi hanggang dito lang sa may kanto namin ako hinahatid ni jerome kasama si jules.
"Darren,dito na lang. Hindi ka pwedeng tumuloy samin eh. Yari ako! Akina na yung gamit ko, thank you sa paghatid at yung kanina thank you din!" Nilahad ko ang palad ko para abutin ang bag ko pero..
"Tara na jelyn, hanggang dun na sa inyo. Ok lang yan hindi naman ako ang nanliligaw sayo eh. Magkaibigan lang tayo kaya walang malisya 'to." Sabi nya tapos diretso ng naglakad na akala mo naman alam nya kung saan ang bahay namin.
"Sige na nga, bahala ka kapag nakita ka ng mga kuya ko aah. Ikaw ang magpaliwanag."
Naglakad na kami,sinabayan ko na sya kasi hindi naman nya alm kung san yung bahay namin.
"Nandito na tayo! Akin na yung bag ko. Thank you ulit!" Sabi ko sa kanya sabay ba-bye.
"Sige,next time mag-ingat ka ah!" Sabi nya nang biglang..
"Jelyn,nandito ka na pala. Sino yan?"sumulpot bigla si kuya number 1 ko.
"Ha? Friend ko,hinatid lang ako."sagot ko sa kanya
"Pano mo nakilala,iba yung uniform nya sayo?" Sagot ni kuya number 2.
"Bahala kayo dyan! Darren ikaw na bahala sa mga yan! Eto pa yung isa oh."
Dumating si kuya number 3. Pagod na ko,bahala na si darren mapilit sya eh.
Pumasok na ko sa kwarto ko at nagbihis. Tapos lumabas na ko para kumain,pagsilip ko sa may sa labas nakita ko si darren at yung mga kuya ko nagtatawanan tapos nagpaalam na si darren sa kanila.
"Sige,balik ka dito next time ah laro tayo! Thank you din sa paghatid sa kapatid namin." Sabi ni kuya 2
Aba't magkasundo yata sila.
"Kakain na jelyn,tawagin mo na yung mga kuya mo!" Sabi ni mama mula sa kusina.
Habang kumakain kami, nagsalita bigla si kuya 1.
"Ma, Pa may naghatid kanina kay jelyn kaibigan daw nya muntik daw kasing masagasaan 'to kaya hinatid na hanggang bahay."
"Bakit hindi mo kasabay si jules?" Tanong ni mama.
"Hindi eh,nagpasama daw kasi yung kapatid nya." Sagot ko.
"Baka nanliligaw sayo yun anak aah." Sabi ni papa.
"Hindi yun pa,gwapo eh. Imposibleng manligaw sa kanya yun.haha" sabi ni kuya 3.
"Haha! Tama! Imposibleng manligaw yun sakin." Sabi ko sa kanila ng nakatawa.
"Tao po?"
"Ako na titingin."sabi ni kuya 2
"Ayan na yata yung nabulag ni jelyn!" Sabi ulit ni kuya 2
"Ha?" Gulat na sabi ko.
"Good evening po nay,tay! Eto po si jerome gusto daw po manligaw kay jelyn"
Sabi ni jules sa mama at papa ko. Magkasama silang dalawa!
"Good evening po sa inyong lahat!" Bati ni jerome samin.
"Anong ginagawa nyo dito? At bakit kayo magkasama?!" Yun na lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...