CHAPTER 29

152 23 3
                                    

CHAPTER 29

Sinuntok ni jerome si darren, hindi niya napigilan ang sarili sa naabutan nilang eksena.

"Bakit mo ko sinuntok? Jerome mahal na mahal ko yan si jelyn!" Lasing na sabi ni darren, sa sobrang kalasingan inakala niyang si jelyn ang nasa harap niya. Pagkatapos nun nawalan na siya ng malay.

"Jerome sorry!" Yun lang ang nasabi ni jules masakit ang ulo niya at nahihilo pa siya 1st time niya rin kasing uminom at hard pa.

"I'm so disappointed with you jules! Hindi ka naman lasing di ba? Umuwi ka na,susundan ko si jelyn." Galit na sabi ni jerome.

"Nakita ni jelyn? Jerome nasan siya?" Pagtatanong ni jules.

"Umuwi ka na! Mukhang uminom ka kahit sinabi kong hindi. Ako na bahala kay jelyn!" Galit pa rin na sabi ni jerome tinalikuran na niya si jules.

"Jerome sorry!"

"JULES SABI KO UMUWI KA NA! TARA!" hinawakan niya sa wrist si jules at hinatak palabas, tinawag niya ito ng tricycle.

"Kuya juan pakihatid naman 'to! Alam mo naman kung saan di ba? Hindi na muna ko sasama! Pakiingatan lang! Thank you!" Bilin ni jerome dun sa tricycle driver na laging naghahatid sa kanila papunta ng bahay nila jules.

Nakaalis na nga ang tricycle, nagmadali naman si jerome na hanapin si jelyn.

Tumatakbo si jelyn hindi niya alam kung saan siya pupunta, nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang gustong tumakas sa mga mata niya. Napaupo na lamang siya sa isang lugar kung saan wala masyadong tao. Pagkaupo niya,tuloy-tuloy nang nagsitakasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"JELYN!" Naririnig niya ang boses ni jerome, agad niya itong nilingon papalapit na ito sa kanya.

Nang makalapit si jerome sa kanya pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak kaya niyakap siya ni jerome at sinabing..

"Jelyn,nandito lang ako! Wag mong pigilan ang pag-iyak ilabas mo lahat! " pagdamay ni jerome sa kanya.

"Jerome!" Sabi ni jelyn at napahagulgol ito sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya sinaksak siya patalikod at sinaksak pa siya sa dibdib kaya sobra -sobra ang nararamdaman niyang sakit.

"Ganyan nga! Gusto mo sabay pa tayo, kagaya mo nasasaktan din ako girlfriend ko yun eh. Pero jelyn,lasing si darren wala na siya sa katinuan." Malungkot na sabi ni jerome dahil alam niyang magagalit si jelyn kay jules.

"Kahit na! Masakit kasi yung dalawang tao na lubos kong pinagkakatiwalaan nagawa akong saktan. Si jules hindi naman siya nakainom diba?" Umiiyak na sabi ni jelyn.

"Nakainom din si jules pero hindi ko alam kung gaano karami. For now you need to go home jelyn! Ihahatid na kita tama na muna! Nasasaktan akong nasasaktan ka ngayon,parehas tayong nasasaktan pero alam kong mas masakit yung nararamdaman mo. Aayusin natin 'to kapag matino na yung dalawa. Tara na?!" Sabi niya kay jelyn,pero nakayakap pa rin sa kanya si jelyn at patuloy pa rin ang pag-iyak. Basa na nga ang damit niya dahil sa mga luha ni jelyn.

"Jerome, sorry sa nagawa ni darren. Kung tutuusin kasalanan ko 'to kasi kung hindi ko siya inaway hindi siya maglalasing at malamang hindi 'to mangyayari." Humihikbing sabi ni jelyn.

"Ano ka ba? Wala namang nakakaalam na may mangyayari pa lang ganito diba. Tahan na! Hindi ako sanay na ganyan ka. Tara na iuuwi na kita. Baka hinahanap ka na sa inyo." Malumanay na sabi ni jerome at halatang nagccrack yung boses niya.

Inihatid na nga ni jerome si jelyn,pagdating nila sa bahay nagtataka ang parents at ang mga kuya ni jelyn kung bakit umiiyak ang dalaga.

"Jerome bakit umiiyak 'to? At saka bakit ikaw ang naghatid sa kanya nasaan si darren?" Tanong ng papa ni jelyn.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon