EPILOGUE

258 21 23
                                    

EPILOGUE

Silang magkakaibigan nagkaroon na ng sariling buhay. Yung iba sa kanila naghihintay sa tamang panahon para sa tamang pag-ibig na itinakda ng Diyos para sa kanila,kumakayod muna sila para sa magandang kinabukasan,para sa pamilya nila at para sa sarili nila. May mga sariling buhay man sila ngayon, hindi nila nakakalimutan na kamustahin ang isa't-isa.

Si Andrea 'rea' D. Carig, nagtatrabaho sa isang private school nauwi man sa wala ang relasyon na dati nilang pinaglaban umaasa pa rin siya na may dadating pa rin na right guy for her.

Si Jerusalem 'jem' G. Cesista, may sariling buhay na din masaya siyang naglilingkod sa Diyos. At kung papalarin at pagbibigyan ng Diyos pupunta siya sa Thailand at doon magtatrabaho.

Si Romina 'mina' B. Lazaro, nagtatrabaho sa isang tutorial center. Masaya siya dahil madalas na din silang nagkakasama ng bestfriends niya. Kuntento na siya sa buhay niya, siya din yung laging magtetext na namimiss niya ang mga kaibigan niya.

Si Ritchel 'rich' C. Soriano,nagtuturo din sa isang private school parehas sila ni rea na pagkatapos ng graduation grumaduate na din ang kanilang mga lovelife. Pero nanatiling masaya.

Si Juliana 'jules' A. Menzon at Jerome Lopez,nananatiling nagmamahalan at nakatakdang magisang dibdib sa November 8 after 3 years pa dahil hindi pa payag ang parents ni jules at para din daw masubukan ang relasyon nila. Nag-aaway sila minsan at nagkakasolian ng singsing pero at the end of the day they'll end up loving each other.

Si Jerelen 'jelyn' A. Legaspi ay nabaliw! Nabaliw sa sobrang pagmamahal ni John Darren Alvarez sa kanya. Oo sila pa din at humabol pa sila kay jules at jerome nakatakda din silang mag-isang dibdib sa november 8 after 3 years din dahil masyado pa silang bata para ikasal. Sa november 8 na magaganap ang double wedding ng magSIS na jelyn at jules. Kapag pare-pareho na silang 25 years old.

Ano ba nangyari nung gabing iyak ng iyak si jelyn sa sobrang sakit dahil hindi na daw babalik si darren?

Kinabukasan pagkatapos sabihin ni darren na hindi na siya babalik,maghapon lang nagkulong sa kwarto si jelyn. At kinabukasan pa nun hindi na siya pumasok sa trabaho niya sobrang nasaktan nun si jelyn. Nahalata niya na napakabusy ng mga tao sa bahay nila hindi niya alam kung anong meron nun kaya nagkulong na lamang siya sa kwarto niya. Kinagabihan kinakatok siya ng mama niya sa kanyang kwarto .

*tok tok*

"Anak tama na pagmumukmok dyan, lumabas ka na!" Sigaw ng mama niya sa kanya.

"Lalabas din ako mama,wag muna ngayon." Umiiyak na sagot niya.

"Tara na! May naghihintay sayo sa labas. Wala namang katuturan yang iniiyak mo dyan." Nakapasok na pala ang mama niya.

"MA!" Yun na lang nasabi niya. Sa isip niya, wala daw katuturan? Ang sakit kaya! Iwanan daw ba ko sa ere? Hindi na daw sya babalik.

"Sabi ko sayo walang kwenta yan. Lumabas ka na tara!" Hinatak siya ng mama niya palabas.

"Sino ba naghihintay sakin? Wala naman ah!" Tanong niya sa lahat dahil kumpleto sila ngayon.

Bigla na lang niyang naramdaman na may yumakap sa kanya mula sa likod. Bigla siyang kinabahan,tuloy tuloy na tumulo ang mga luha niya habang nakayakap sa kanya ang lalaking nasa panaginip niya.

"Surprise jelyn! Sabi ko sayo hindi na ko babalik..

Hindi na ko babalik doon kasi magsstay ako dito kasama ka habang buhay!" Bulong sa kanya ni darren habang hawak hawak ang kamay niya tapos may sinusuot syang singsing sa daliri ni jelyn.

"Please marry me Jerelen Legaspi!?" Tanong ni darren sa kanya.

Sobrang mga luha ang lumabas sa mga mata niya. Hindi siya makapagsalita. Kung nung nakaraan umiiyak siya dahil sa sakit nung gabi na yun umiiyak siya dahil sa hindi maipaliwanag na kasiyahan. Dahil hindi siya makapagsalita pagtango nalang ang ginawa niyang pagsagot sa tanong ni darren.

Kung siya naiiyak, ang mga tao sa paligid niya kasama ang mga nagtago niyang kaibigan ay natatawa dahil alam nila ang lahat ng plano ni darren. Nung una sasabihin na dapat ni darren na babalik na siya para makasama si jelyn pero biglang dumating si bella kaya hindi niya natapos ang sasabihin niya at namisinterpret naman yun ni jelyn kaya tinawagan niya agad ang parents ni jelyn na ganun na nga lang ang gagawin niya kaya wala ding pakialam ang mga kuya niya at parents kung umiyak siya ng umiyak dahil alam nila ang totoo at tanging si jelyn lang ang walang alam sa mangyayari nun.

Ganun ang nangyari, sa ngayon magkatabi si darren at jelyn sa sala doon sila matutulog pumayag ang parents ni jelyn dahil open area yun at doon din natutulog ang kuya jose niya para daw sure pero may tiwala talaga sila kay darren. Magkahawak ang mga kamay nila.

"Moo alam mo ba, sa panaginip ko pa lang mahal na mahal mo na ko. Ikaw yung lalaki na laging napapanaginipan ko. Akala ko lahat ng yun panaginip lang pero hindi ko akalain na magkakatotoo ang lahat. Totoo dahil nasa tabi na kita hindi ka na lang isang panaginip. Marami pa tayong pagdadaanan,pero haharapin natin yun ng magkasama diba?" Kwento ni jelyn.

"Sa panaginip pa lang pala mahal na mahal mo na ko. Mahal na mahal din kita. Haharapin natin ang lahat ng magkasama at may tiwala sa isa't-isa. Hindi magbabago yun,mahal na mahal kita. Sobra! Pakiramdam ko kumpleto na ko!" Sabi naman ni darren at tsaka hinalikan ito sa noo.

Natulog na sila nang magkayakap habang pinapatugtog ang DREAMING OF YOU by selena.

Late at night when all the world is sleeping

I stay up and think of you

And I still can't believe

That you came up to me and said I LOVE YOU

I LOVE YOU TOO

Now I'm dreaming with you tonight

Till tomorrow and for all of my life

And there's nowhere in the world I'd rather be

Than here in my room dreaming with you endlessly

With you tonight

And there's nowhere in the world I'd rather be

Than here in my room I'll be dreaming with you tonight

---

"AAAHHHHH! ANG SAKIT DARREN AYOKO NA! HINDI KO NA UULITIN!"

"JEROME HINDI KO NA RIN UULITIN ANG SAKIT!" sigaw ng dalawang magkaibigan na sabay nanganganak.

"UWAAHH UWAAHH!" Sabay na iyak ng bagong panganak na mga bata.

---

"Moo gising na! Tanghali na tulo laway ka pa diyan!" Paggising ni darren kay jelyn na mahimbing na natutulog.

"Panaginip na naman pala! Buti na lang ayoko pa!" Gulat na sabi ni jelyn.

"Ano yun moo? Napapanaginipan mo na naman ako? Namumula ka oh!" Panloloko ni darren.

Sa ngayon,naghihintay na lang sila na lumipas ang tatlong taon para maikasal sila. Alam nila na sa paghihintay nila marami pa silang pagdadaanan at muling susubukin ang kanilang mga relasyon pero patuloy pa rin silang maniniwala sa isa't-isa. Ganun man kadali na maging magboyfriend-girlfriend sila mas matagal naman silang magsasama.

Para kay jelyn ang salitang panaginip ay napakaraming kahulugan. Parang lahat ng haka-haka tungkol dito ay totoo para kay jelyn.

Lahat ng napanaginipan niya naging senyales ng mga mangyayari sa kanya at ang iba dito lahat nagkatotoo at higit pa doon dahil mas masaya siya ngayon na hindi na lang panaginip ang lahat.

Hindi lang talaga basta panaginip ang naranasan ni jelyn. Wala talagang makakaalam kung anong susunod na mangyayari because ONLY GOD KNOWS WHAT WILL HAPPEN NEXT!

Ang laging tanong tuloy ni jelyn kay darren ay..

"Moo IS THIS FOR REAL?!

"YES MOO THIS IS REAL I LOVE YOU SO MUCH!"

-THE END-

A/N: THANK YOU FOR READING! SANA NAGUSTUHAN NIYO! THANK YOU SO MUCH! Sorry din po sa mga typo. Errors..

NATAPOS KO NA TALAGA!

IS THIS FOR REAL? :-)

Last na tanong na SILA NGA KAYA AFTER 3 YEARS? ANO SA TINGIN NIYO?:-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon