CHAPTER 14

238 37 12
                                    

CHAPTER 14

Jelyn's PoV

"Jerome bakit nandito ka? Bakit hindi mo din ako sinundo?" Tanong ko kay Jerome na gulat na gulat pa rin kung bakit nandito si Darren.

"May pinuntahan lang ako emergency kaya hindi na kita nasundo hindi na rin ako nakapagtext. Okay na?" Sagot sakin ni Jerome tapos hinawi pa yung buhok ko.

"Okay!"sagot ko na lang,ibig sabihin mas importante pa yun sakin kaya hindi na nya ko natext na hindi nya ko masusundo.okay lang yun I understand hindi ko pa naman din sya boyfriend eh.

"Nasagot ko na yung tanong mo. Eh bakit nga kayo magkasama ni Darren?

Darren bakit ka nandito?" Tanong ni Jerome.

"Eh matagal na kong pumupunta dito,lagi kaming nagbabasketball ng mga kuya ni Jelyn. Kaya lang ngayon nasa trabaho pala yung mga kuya nya, pinakain na lang ako dito ng mama ni Jelyn tapos naghugas kami ng plato. Kaya lang si Jelyn mo isip bata talaga naglaro ng sabon." Paliwanag ni Darren.

"Ha? Ako pa isip bata ikaw nga 'tong nauna! Tara na nga Jerome. Hoy ikaw na magtapos nyan ikaw nagkalat nyan eh." Sabi ko kay Darren

"Sige tara na. Darren sabay na din tayong umuwi ah tapusin mo na yan!" Sabi naman ni Jerome kay Darren.

---

*sa labas ng bahay*

"Jelyn.."

"Bakit?"

"Ah.?wala wala. Yung date nga pala natin kailan natin iseset?"

"Buti pinaalala mo yun yung sasabihin ko sayo. Sabado na lang hanggang 10 lang kami nun sunduin mo na lang ako. Okay lang?"

"Sige sige sunduin na lang kita."

"Bakit parang ang tamlay mo ngayon? Parehas kayo ni Jules,umuwi nga yun ng maaga eh. Magkasama kayo kahapon diba? May nangyari bang hindi maganda sa inyo? Naholdap ba kayo? Naaksidente? Bakit hindi nyo sinasabi sakin? Samin?"

"Wala naman, sandali lang kami magkasama ni Jules kahapon. Pagod lang ako ngayon. Pasensya ka na!"

"Ganun ba? Sigurado kang ok ka lang?"

"Oo. Ikaw? Mukhang masaya ka ngayon ah halatang halata sa mga mata mo."

"Ha? Ganito naman ako lagi ah."

"Hindi eh! Parang iba. Mukhang nag-enjoy kang kasama si Darren. Nakakainggit!"

"Haha!kaya ka ba ganyan kasi nagseselos ka kay Darren? Magkaibigan lang kami nun."

"Wala naman akong karapatan magselos diba? Kaya lang alam ko naman na may gusto sayo si Darren. Basta Jelyn, i like you i really do!"

"Crush lang naman yun. Tsaka ikaw yung pinayagan kong manligaw sakin,ano ka ba?!

Wait lang kagabi nga pala nagtext ka sakin ng I love you anong ibig sabihin nun? Para sakin ba yun?"

"Oo naman!"

"Tapos na kayong magusap? Tapos na kong maglinis dun eh" biglang sumingit si Darren.

"Ang epal mo talaga Darren!mauna ka nang lumabas ng gate susunod na ko." Sabi naman ni Jerome.

"Sige, Jelyn una na ko ah! Thank you sa dinner.

Nay,tay una na po ako thank you din po sa dinner."paalam nya sakin at sa mama at papa ko.

"Sige ingat!" Sabi ni papa.

"Ano pang sasabihin mo?" Tanong ko kay Jerome.

"Ahmm.. Jelyn since high school gusto na kita ngayong binigyan mo ko ng chance hindi ko sasayangin yun."

"Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba? Kagabi pa ko naweweirdohan sayo."

"Jerome ang tagal mo naman tama na yan!" Sigaw ni Darren mula sa labas ng gate.

"Sige,una na kami. Sunduin na lang kita sa sabado!" Paalam naman nya sakin at pumasok na lang ako sa loob ng bahay.

Ano kayang nangyayari kay Jerome at kay Jules? Nakakainis wala man lang akong idea.

* plok plok*

1 message from Darren:

"Jelyn thank you ulit and I'm happy to be with you again!:)"

Reply

To Darren:

"Happy mo your face! Thanks din sayo!"

MESSAGE SENT

*plok plok*

1message from Darren:

"I think I'm starting to like you more! Goodnight!"

--

NAMAN!ano bang nangyayari sa mga taong 'to?! Kaya ayoko ng mga ganitong bagay eh nakakabaliw!

Jerome is acting so weird this day. Kagabi tinext nya ko ng I love you and then he told me a while ago that he likes me. Magkaiba yun diba? Ang gulo!

---

Darren's PoV

Naglalakad kami ngayon ni jerome pauwi galing kami kina Jelyn. Mukhang may problema 'tong isang 'to. Pero itetext ko muna si Jelyn bago ko tanungin si Jerome.

To Jelyn:

"Jelyn thank you ulit and I'm happy to be with you again!:)"

MESSAGE SENT

* ten ten ten*

Ang bilis magreply ah..

1 message from Jelyn:

"Happy mo your face! Thanks din sayo!"

Reply

"I think I'm starting to like you more! Goodnight!"

MESSAGE SENT

--

Nasabi ko din!haha! Kung hindi lang dahil dito kay Jerome na pinsan ko liligawan ko na si Jelyn kaya lang ayokong kalabanin pinsan ko. Mas gwapo pa naman ako dito kahit mas matangkad siya sakin.

Oo nga pala tatanungin ko pa si Jerome.

"Jerome may problema ka ba? Bakit ang tahimik mo? Dati pag galing ka kina jelyn ang saya saya mo, bakit ngayon mukhang problemado ka?"

''Ha? Naguguluhan ako Darren!

Par, gusto ko si Jelyn pero putek na yan feeling ko nagkakagusto ko kay Jules. Kahapon wala ka sa bahay di ba,magkasama kami ni Jules kasi hindi kami pinayagan ni Jelyn pumunta sa kanila kaya nag movie marathon na lang kami ni Jules. Sa sobrang takot nya napayakap sya sakin tapos muntikan na kaming maghalikan pero umalis sya agad tapos umuwi na sya."

"Baliw ka ba? Bakit mo muntikan halikan si Jules?" Sabi ko sa kanya sabay batok ng malakas.

"Aray ko! Ga*o! Hindi ko naman sinasadya eh. May parang tumutulak kasi sakin kahapon nung nakita ko si Jules ng malapitan hindi ko mapigilan yung sarili ko may iba kong naramdaman Darren!"

"Anong naramdaman mo Jerome? Baka li*og lang yun?!"

"Ga*o ka talaga! Alam ko hindi li*og yun. Iba talaga!

Bahala ka nga sa buhay mo hindi ka nakakatulong!"

"Mas baliw ka pala sakin Jerome! Oo nga pala lalo kong nagugustuhan si Jelyn mo!

Baka makalimutan kong pinsan kita baka maging karibal mo pa ko. Kaya mag-isip ka Jerome! Seryoso ko!"

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon